Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER FOUR.


“MIXXEL,gising na nandito na tayo”Boses ni faith ang gumising sa kanya habang sunod-sunod na niyuyog siya nito.
“Hmmm bakit ba?”Inaantok niyang tanong at kinusot ang mga mata.
“Anong bakit ba?.Nandito na kaya tayo oh”Sabay turo sa labas.
Tumingin siya labas ng sasakyan.Kakahinto lang ito sa tapat ng isang malaking bahay na pamilyar sa kanya.Ang bahay ng namayapang lola at lolo nila ni faith,na kung saan nakatira ang bunsong kapatid ng kanyang ama at ama ni faith na si Tita Zandra nila.
“Anong oras na?”Tanong niya.
“Mag-aala singko na”
“Mixxel!Faith!”Salubong ng kanilang tita zandra na kanina pa nag-aantay sa kanila.
Agad itong lumapit sa sa sasakyan nila.
“TITA ZAN!!!”Tili ni faith at ecxited na bumababa ng sasakyan at sinalubong ng yakap ang papalapit na tiya.
Bago Sumunod sa pinsan ay tumingin muna siya sa driver seat.Nandoon parin nakaupo ang bastos na lalaki at nagce-cellphone.Napairap siya at binagyan ng masamang tingin ito kahit hindi naman ito nakatingin At bago bumaba ay Sinadyang niyang sipain ang kinauupuan nito mula sa likod.Narinig niya ang pagdaing nito pero di niya ito nilingon at lumapit na sa tiya para yumakap at humalik sa Pisngi nito.
“Kamusta kayo?Grabe ang lalaki niyo na at ang gaganda”Wika nito sa kanila at pinagmasdan mula ulo hanggang paa.
“We’re fine tita,And ofcourse Kanino pa ba kami magmamana ng kagandahan maliban sa mga mommy namin sempre kundi sayo”Wika naman ni faith.
“Ikaw talaga nambola pa,Eh Kamusta ang byahe?Napagod ba kayo?”Tanong ng kanilang nito sa kanila.Siya ang sumagot dito.
“Super tired tita,imagine almost two hours kaming pinag-antay sa airport.Imagine ha,Almost Two hours,almost two hours and then imagine tita,ang lakas pa ng loob at ang kapal ng mukha,sigawan ba naman ako?Sinong hindi mapapagod doon diba? “Sinadya niyang lakasan ang pagkakasabi noon para iparinig sa lalaking kakababa lang ng sasakyan at naglalakad papalapit sa kanilang pwesto.
Napatulala naman ang tiya at ang pinsan niya sa kanya at parehas na napailing.
“Ikaw talaga pamangkin,Pagpaasensiyahan mo na sila pablo.Di naman kasi nila alam na masisira ang sasakyan bago makarating doon sa airport”
“Tita Zan is right Cuz,pasensiyahan mo na”Sigunda pa faith.
“Fine pagpapasensiyan ko siya sa pagiging late niya but Sa ginawa niyang pagsigaw sakin?No way.Napaka bast*s niya kaya,antip*tiko nakakainis”
“Hay naku Mixxel,Halika na nga kayo sa loob at magpalamig ng ulo habang naghahanda ako ng makakain niyong dalawa”
“I’m not hungry tita,I want to rest na.Baka si faith gutom siya nalang”Wika niya bago nakataas kilay na tumingin kay...


pablo na lumapit sa kanyang tiya.Tumingin ito saglit sa kanya at binigyan siya ng matalim na tingin bago binalik sa kanyang tiya ang tingin.
“Walang galang lang po tita Zandra.Aalis na po ako.May mga aasikasuhin pa po kasi ngayon”Pagkuwa’y paalam rin nito.
“Sige,iho.Salamat sa pagsundo sa mga pamangkin ko ha”
“Sana nga po ay iba nalang ang pina sundo niyo diyan sa isang pamangkin ninyong ubod ng sungit at parang machine gun ang bunganga”Wika nito at nilingon siya.Binigyan niya ito ng masamamg tingin at magsasalita na sana ng naunahan siya ng kanyang tiya.
“Ako na ang humihingi ng Pasensiya sa pamangkin ko pablo,Pagod lang talaga siguro ang batang iyan”
“Sige po,alis na ako”Sabi nito sabay bahagyang yumuko sa tiya at umalis.
‘Bakit ba ang bait ni tita sa mok*ng na iyon?Eh ang bast*s naman’
“Tita bakit kayo humihingi ng pasensiya sa lalaking iyon?”Inis niyang sabi nang nawala na sa paningin niya ang lalaki.
“Kasi naman pamangkin wala naman siyang ginawang masama”
Tumaas ang kilay niya.”Walang ginawang masama?Sinigawan niya kaya ako at narinig niya ang sabi niya sakin ngayon lang,Machine gun daw ang bunganga ko”
Biglang nagtatawa ang pinsan niya kaya pinandilatan niya ito.
“Totoo naman kasi cuz,Walang tigil ka kaya kakabunganga kanina sa airport tapos sa sasakyan.Buti nalang at mukhang mahaba ang pasensiya ni pablo kung hindi ay tinapon kana kanina sa labas ng sasakyan habang bumabyahe tayo”
“Ha-ha-ha Nakakatawa ka faith”Sarkastikong Sabi niya pero wala paring tigil kakatawa ang pinsan.
“Tumigil na nga kayo,Tara na sa loob”
Naunang pumasok ang tiya sa loob ng bahay at sumunod sila.Sa isang malaking kwarto sila dinala ni Faith sa pangalawang palapag.Magkasama sila sa isang kwarto dahil narin iyon ang request nila sa kanilang tiya.
Hacienda Montevilla ang Tawag sa lupaing kinaroroonan nila.Noong mawala ang kanilang lola at lola ay ang matandang dalaga na si tita zandra nalang nila ang naiwan dito para alagaan ang lupaing ito dahil ang dalawang lalaking kapatid nito which is ang daddy niya at daddy ni Faith ay nasa ibang bansa nakatira dahil doon ang trabaho ng mga ito.
“Hayy i’m so tired”Sabi niya sabay pabagsak na humigang ng kama.Ganun din ang ginawa ng pinsan.
“Sigurado ba kayong di kayo nagugutom?”
“Hindi tita,I want to sleep.Baka si faith”
“Ayoko rin tita,matutulog na rin muna ako”
“Oh sige,iwanan ko muna kayo dito para makapagpahinga”
“Okay”sabay sila ng pinsan.
Naglakad ito papinto at pinagmasdan pa sila saglit bago tuluyang lumabas ng kwarto






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Thanks for taking the time to talk about this, I feel strongly about it and enjoy learning much more on this subject. If achievable, as you gain experience, would you mind updating your weblog with more details? Its very useful for me.

Leave a Reply


top