Incompatible Part 24


Author: Ren Salazar
Naunang magising si Bekket kay Schiyev. Nakaunan pa ang ulo nito sa braso niya. Ngunit hindi muna bumangon dahil sa nawiwili pa siyang pagmasdan ang natutulog nitong mukha. Hindi lang iyon,naispan pa niyang kitlan ito ng halik. Bagay na gustong gusto niyang gawin.
” Iba pala ang pakiramdam kapag babae ang nahahalikan kwo.” Nakangiti niyang bulong.
Nang kailangan na niyang bumangon,marahan nyang inalis ang kanyang braso sa ulo nito. Saka bumangon pagkatapos. Nagtungo ng banyo at naligo.
Sa kanyang pagliligo,nagising naman si Schiyev. Mula sa kama,narinig ng huli ang ingay ng tubig na bumabagsak sa sahig ng banyo. Nilingon niya si Bekket sa tabi pero wala ito.
Inakala niya na baka umalis na dahil maaga ito kung papasok ng opisina. Inakala niya rin na baka sira ang gripo sa banyo kaya pinuntahan niya ito.
Nagtaka siya nang hindi niya mabuksan ang pintuan.
“Nasa loob ba si Bekki?” Tanong niya na ang magkabilang kilay ay magkasalubong. ” Bekki! Nandiyan ka ba sa loob? ” Tanong niya. ” Bekki!bekki!”
Pero hindi siya naririnig ng bakla.
” hala…baka kung ano na ang nang yari sa baklang iyon sa loob?!” Hinuha niya dahil makailang beses na rin niya itong tinatawag ngunit wala pa ring sagot.
Nakapikit si Bekket at ninanamnam ang malamig na tubig na tumatama sa kanyang katawan. Kailangan nya iyon upang mahimasmasan sa kanyang nararamdaman ngayon. Kaya kahit anong tawag ni Schiyev ay hindi niya marinig. Abala rin kasi ang kanyang utak sa kakaisip.
Umalis saglit si Schiyev sa pintuan ng banyo. Hinanap ang susi nito sa drawer ng bakla. At iyon,swerte namang nakita niya agad. Bumalik sa banyo saka binuksan ang pinto gamit ang susi.
” Bekki….” Sambit niya nang mabuksan ang pintuan. Ngunit agad ring tumalikod dahil sa kanyang nakita.
Si Bekket naman ay nagulat at mabilis na tumalikod sa kanya.
” A..ano ka ba? Ba…bakit ka nakapasok?” Pautal utal na saad nito.
“So..sorry.Akala ko kasi ano na ang nangyari sayo dito. Kanina pa kasi ako tawag ng tawag pero walang sumasagot.”
(” Shaakks…ang babaeng itwo..nakitaan tuloy akwo.”)
” Pwede pang pakisara ng pinto. Lalabas nako maya maya.” Hindi man siya nakikita ni Schiyev pero alam niyang pulang pula ang mukha niya.
” O..oo. so..sorry talaga.”
Sinara ni Schiyev ang pintuan. Lumayo ng bahagya rito at natigilan.
” Hmp..asawa naman niya ako ,ah. Pwede kong makita ang lahat sa kanya. ” Kunway sabi nya.” Heheheh ,ang puti.” Saka ngumiti ng nakakaloka.
Ilang sandali pa ay heto na si Bekket. Iniluwal ng banyo at naka tapis lang ng kulay asul na tuwalya. Naglakad patungong kabinet saka namili ng kasuotan.
” O! Bakit tawang tawa ka?” Kunwaring galit galitan si Bakla. Napansin niya kasi na pilit pinipigilan ni Schiyev ang tawa nito.
” Eherm…wa..wala. may ano..may naalala lang ako.” Sagot nito pero parang gusto talagang matawa.” Pff..he..eherm.” sabay lunok.
Hinarap ni Bekket si Schiyev. Maiging lumapit sa huli at nakapameywang pa.
” Sabihin mo nga..may nakita ka nwo?”
“Ha?! Wala! ” Mabilis nitong sagot.
” Bakit tawang tawa ka? ”
” Tumatawa ba ko? ”
” Pinipigilan mo lang.”
” Hindi nga.”
” Talaga lang ha.” Tumalikod siya kay Schiyev.
Pero hindi na napigilan ni Schiyev ang kanyang tawa. Kaya napaharap siyang muli rito
” Sabi ko na. Uy,girl! For your information,mas maganda katawan ko sayo nwo. Di tulad mwo,kawayan.hmp!” Sabay irap niya.
” Hahaha..hindi ko naman nilalait katawan mo nwo.” Ginaya pa ni Schiyev ang pananalita niya.
” Abah…eh,anong ibig sabihin ng tawa mwong yan?”
” Hahaha…wala lang.” Umayos ng pagkakaupo si Schiyev.” Ano kasi..ah..hhahahha….ang puti tsaka ang cute! Hahahhaa”
Lumabas na rin sa wakas ang malulutong na tawa ni Schiyev matapos masabi ang kanina pa niyang gustong sabihin pero pinipigilan lang niya.
” Anwo?! So nakitaan mo talaga akwo?”
” Mm…ahhahhaa” tawa ulit.
” Hanggang saan? ” Pulang pula na si Bekket. Halata pa naman dahil sa maputi nyang kulay.” Hanggang saan nga?” Tanong niya ulit dahil walang ibang ginawa si Schiyev kundi ang tumawa.
” Ano ka ba?! Likod mo lang naman nakita ko at saka…at saka..yung ano..hahhaa…”
” Anwo?”
” Yung..hhhe…basta! Ang cute talaga. ” Sabi niya.” Magbihis ka na nga lang. Lalabas nako.”
” Eh,di lumabas ka. ”
” Hindi pwede.”
” Bakit hindwe?”
” Kailangan kong mukha mo para makalabas ako”
Naintindihan naman sya ni Bekket....


Lumapit ito sa pinto at saka binuksan.
” Ayan..bukas na.” Hayag niya.
Tumayo na si Schiyev saka lumabas. Tumingin pa ito sa kanya at tumawa ulit.
” Che! Alis!” Biro ni Bekket. Buong katawan niya yata namula dahil kay Schiyev.
At umusad na ang oras……..
Nasa gusali na si Bekket ng kanilang kompanya pero hindi pa rin maalis alis ang nangyari kanina. Tulala siya habang nasa loob ng elevator.
“Shaakks…nakakahiya.”
Maya maya’y bumukas na ang elevator at tuloy tuloy ang pasok niya ng opisina.
” Good morning,Zu.”bati sa kanya ni Dome.
” Good morning.” Wala sa loob nyang ganting bati nito. Narinig man niya ito pero hindi niya pinukulan ng tingin.
” Ano na naman ba ang nangyari? Pangalawang beses na kitang nakikitang ganyan ang mukha. ”
Tiningnan na niya ngayon si Dome pero agad ring binawi ito at ipinilig ang ulo sa ibabaw ng mesa.
” Nakakahiya….nakakahiya talagwa…”
” Ang alin? ” Nagtataka naman si secretary Dome.”
Iniangat niya ang kanyang ulo at balik tingin kay Dome.
” Nakitaan niya kwo. Kita niya pati pwet kwo!”
” Sino? Si Schiyev? ”
” Oo. ” Sinabayan pa niya ng tango.
” Hahha…eh ano naman ang masama don? Asawa mo naman siya.”
” Huh! Asawa ko nga. Pero hindi naman kami. I mean..were not inlove to each other.”
” Well, thats not bad. Now a days,nagiging normal na sa isang tao ang makakita ng katawan lalong na ang sayo. Zu..ang swerte niya alam mo ba yon?”
” What do you mean by swerte?”
” I mean. Ang ganda kaya ng katawan mo kahit bakla ka. Tsaka..sabi mo nga diba..pwet mo lang nakita niya.”
” Yon yung sabi niya. Pero Dome,malay ko ba? Baka meron pang iba. Bigla siyang pumasok at nakatagilid ako. What will you think? ”
” Mmm..i think? Back to work nako.” Sabay iwas niya kay Bekket.
” Hey! Kinakausap pa kita”
” Zu….its ok. Walang malisya don. Take it as is. Kung bakit kasi pinipigilan mo pa yang nararamdaman mo. ”
” Ha?!”
” Baka nagiging baysekswal ka na. Maaring magkagusto ka sa isang lalaki at maaring magkakagusto ka sa isang babae. Gaya ngayon.” Paliwanag ni Dome sa kanya. ” Kaya..hayaan mo na lang yung nangyari sa inyo kanina. Baka nga mag lelevel up pa iyon. Back to work nako.”
Naiwan na lang na tulala si Bekket. Posible nga ba iyon?
At umusad na naman ang oras….
Kring……kring…..
” Hello…” Sinagot ni Bekket ang telepono nang hindi man lang niya tinitignan kung sino ang tumawag.
” Bekki…”
Biglang lumakas pintig ng puso niya nang marinig ang boses ng tumawag sa kabilang linya. Tiningnan niya ito at dagling natigilan. Lumunok muna bago sumagot.
” He..hello,Yo..yoebo.”
” Hahhaa…bakit nauutal ka? Huwag mong sabihing hindi ka pa nakaka move on simula kanina? Uy! Bekki ha..matatapos na ang araw,yun pa rin ba ang iniisip mo?”
” Tumigil kwa.” Saway nito.
” Mm..sorry na.Please…lab u naman,eh.” Paglalambing nito.
( ” Lab u. Pero biro lang pala.”bulong niya.”)
” Naka alis na ba kayo ng kaibigan mwo?” Pag iiba niya .
” Hindi pa. Nasa bus pa kami. Uy! Salamat nga pala sa pera. Marami akong nabili para kay nanay.”
” Mm. Wala iyon. ”
” Babayaran ko kapag nagkatrabaho nako”
” Kahit huwag na.” Seryoso niyang saad.
” Hindi. Babayaran ko yan.”
” Desidido ka talagang iwan ako pagkatapos ng dalawang buwan?”
Napansin niyang tumahimik si Schiyev sa kabilang linya.
” Bekki…”
” Sorry. ” Bawi nito.” Sige na. Mag ingat kayo. Pasensya na rin hindi kita masasamahan. Marami akong ginagawa sa ngayon.”
” Ok lang. Mag ingat ka rin.”
” Mmm…ibaba ko na ito.” Sabi niya.
” Bye..”
Nalungkot si Schiyev pagkatapos maibaba ang telepono. Parang may kung anong tumusok sa puso niya.
” Aning…aalis na ang bus maya maya,wala ka na bang nakakalimutan?” Pukaw ni Rhea sa kanya.
” Wala na,Rheang. ”
Umalis na nga bus. Uuwi siyang muli sa kanila gaya ng ipinangako niya sa kanyang nanay na babalik pagkatapos ng graduation.
Habang nasa byahe,tinitingnan niya ang wedding pictures nila ni Bekket sa kanyang telepono. Inutusan niya kasi noon si Dome na kuhanan sila ng litrato.
Kung tutuusin,ang swerte nga niya. Mayaman at mabait si Bekket. Ang hindi niya lang matanggap ay yong mas maganda pa raw ito sa kanya at mas sexy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top