𝗛𝗘 𝗔𝗖𝗖𝗘𝗣𝗧𝗘𝗗 𝗠𝗘


𝗛𝗘 𝗔𝗖𝗖𝗘𝗣𝗧𝗘𝗗 𝗠𝗘
by: @iByangg
I have a boyfriend, his name is Nux. We met through internet. Our relationship is almost 3 years now, so we decided to meet up personally.
~
Nandito ako ngayon sa meeting place namin. Sabi niya alas kwatro ng hapon kami magkikita pero dahil excited akong makita siya, alas tres palang nandito na ako.
Actually kinakabahan ako ngayon kasi hindi naman ako kagandahan. Wala akong ganda na maipagmamalaki ng iba.
Maraming what if na ang naglalaro ngayon sa isipan ko. What if pandirian niya ang hitsura ko? What if hindi niya tanggap ang pagkatao ko? Pero kahit ganun, pilit ko pa ring isinaisip na hindi ganung klaseng tao si Nux. Sa pagkakilala ko sakanya, isa siyang mabait at maalagang tao. For me, he’s a perfect boyfriend.
Bumalik ako sa huwisyo ng tumunog ang cellphone ko. Si Nux, tumatawag!
“Love, asan kana?” tanong niya.
“Nandito ako sa may bench love, ikaw asan ka na?”
“Alright, you’re that girl wearing a jeans and pink shirt?
“Y-Yes love.”
“Okay, kita ko na. Lalapitan kita.”
Medjo nanginginig na ako. Paano kung...


iwan niya ako? Paano kung—
“Ay siopao!” nagulat ako ng may biglang yumakap sa aking likuran.
“Hi love.”
Napaharap ako sa lalaking yumakap sa’kin at tinignan siya sa mata.
“H-Hello.” nauutal kong sabi.
Sinuri ko ang buong mukha niya at masasabi kong napakagwapo niya talaga. Dahil doon, bigla akong nanliit sa sarili ko at napayuko.
“Hey, what’s wrong?” nag-aalalang tanong niya.
“A-Ang gwapo mo k-kasi tapos ako…p-panget.” may namuong luha sa gilid ng aking mga mata.
Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at tinignan ako sa mata.
“Look, you’re my girlfriend. I already told you before that you are the most prettiest girl I’ve met, well pangalawa ka kasi si mommy yung pang una, of course. So huwag mong sabihing panget ka okay? Maganda ka Aily. Accept your flaws. You’re beautiful inside and out. Mahal kita okay? Mahal na mahal.”
And with that, hinalikan niya ako sa labi kahit nasa mall kami at maraming tao. Napangiti ako ng napakatamis. Tinanggap niya ako, hindi ako nagkamaling siya yung lalaking minahal ko.
Damn this man. I love him so much!
WORK OF FICTION






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top