I Love Law/you


I Love Law/you
Auther: Me
Genre: Romance/Comedy
Wattpad UN: MsEsthetic
Plagiarism is a crime.
Prologue
I’m busy studying law for our exam tomorrow when my phone continuously vibrates because of the text message.
Hindi ko pinansin ang mga text, baka sina Austin lang ang mga iyon, mangungulit na pakopyahin ko sila bukas sa exam.
Pinatay ko na nga ang wifi, tinadtad naman ako ng text.
Napapailing na lamang ako sa mga isipin na iyon.
My phone continuously vibrates.
It’s really annoying! I can’t focus on reviewing my subjects!
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo para kunin sa higaan ang aking cellphone.
I was just going to airplane mode my phone when I noticed that the messages were from unknown number.
Kumunot ang noo ko, “Who the h3ll is this?”
UNKNOWN NUMBER
10:06pm
[Kuyaaaaa]
[Kuyaaaaaa]
[Kuyaaaaa magreply ka amanss]
[Kuyaaaaa sunduin mo na koooo!!!]
[Kuyaaaaaa, where na youuuu]
[Kuyaaaaaaa]
[Susumbong kitaaa kay mamaaaaa]
[Kuyaaaa wala akong masasakyannn]
[Kuyaaaaa, bala ka pag may nangyari saking masamaaaa, kargo de konsensya mo pa koooo]
“Kuya?” wala sa sarili kong tanong.
I just ignored the text message and opened my messenger, baka pinagtitripan na naman ako nina Austin.
I clicked the GC, tropapits. It sounds shameful. Si Austin at Kevin ang nakaisip ng ganitong pangalan para sa aming samahan.
Tropapits
Christian:
[Si kay endi nag oonline]
Kevin:
[Busy yun sa pag rereview]
[Surebol yon hahah]
Austin:
[@Kayden Lopez pakopya bukas hahahahha]
[Pinagtitripan niyo ba ‘ko?]
Kevin:
[What? sabi lang namin nagrereview ka men ahahahha]
Austin:
[Mangongopya lang para bukas, trip agad hhahaahah]
Christian:
[What’s wrong Ky?”]
[Sino yung text ng text sakin? May pa kuya kuya pa! Nagpapasundo! Kung trip niyo ko, wag ako.]
Austin:
[Ha?]
Kevin:
[Hakkdog hahahahah]
Austin:
[Bobo ampt, seryoso si master. yata?]
Christian:
[Men wala kaming load pano kami makakatext sayo?]
Kevin:
[Ako din wala akong load, baka namn wrong sent yan!]
Austin:
[Wifi lang ako eh, sensya ka na men, di ako nagloload]
Kung hindi sila? Sino?!
[Seryoso kayo? Hindi kayo yun? Kanina pang text ng text.]
Christian:
[hindi kami yun dude!]
Austin:
[(2)]
Kevin:
[(3)]
“I’ll pick her up.”
Christian:
[Seryoso ka men?]
[Mamaya budol yan! hahah]
Kevin:
[Baka kidnapper yan!]
Austin:
[Baka bigla...


ka nalang nyan saksakin dude hahahahha]
[OA]
Kevin:
[Concerned lang kami dude baka mamaya kung sino yan]
Austin:
[Babae ba?]
Muli kong binuksan ang text message ng Unknown Number.
“Where the hell are you?!” I replied to her message.
[uyyy takot siyang mawala akoo yieee, labyu na kuyaaa mwahhhh <3] [Shut up.] [I'm on my way.] [Sungit mo ngayon ah, may regla ka ba?]-Unknown number What the heck! [Saan kita pupuntahan?] [WAHAHHAHA sungit sungit! May pa I'm on my way pa! Di naman alam kung saan ako pupuntahan AHHAH] [Nasa Manila Robinson parking lot ako.]-unknown number Mabuti nalang dito lang sa Manila. [What's the color of your shirt so I can easily find you.] [Really kuya?! HAHAHHA okiee.] -unknown number Unknown Number sent a photo. Pinagmasdan kong mabuti ang sinend niyang picture, she looks familiar kahit gulo pa ang kaniyang buhok. Morena ang kulay ng kaniyang balat, matangos ang ilong..or maybe sa picture lang? I again opened my messenger and replied to Austin that she had sent me a picture of herself. Kevin: [Maganda ba dude? Chicks ba? hahahhah] [Lol.] I closed the phone and put the keys of my porshe car, bago nagtungo sa parking lot ng aking condo. *** Nang makarating sa Manila Robinson ay muli kong kinuha ang aking cellphone saka bumaba ng sasakyan at tiningnan ang litrato. Nagpauli-uli ang aking mga tingin upang hanapin ang babaeng nasa litrato. Mula sa malayo ay napansin ko ang babaeng nakaupo sa railings at halatang may hinihintay ito. Nagpalipa't-lipat ang aking tingin sa babae at sa nasa picture. Maybe, it's her. Lumapit ako sa kaniya. "Hi miss" I greeted. Napatingala siya at takang tumingin sa akin. "S-sino ka? Bakit? Anong kailangan mo?" sunod-sunod niyang tanong saka tumayo, mukhang natakot sa akin. Tss. "As far as I remember, ikaw ang may kailangan." I seriously said at nag iwas ng tingin. "W-what? Hindi nga kita kilala eh!" tanggi niya at tumingin-tingin sa likuran ko. May hinahanap. "Nasan na ba kasi si kuya!" saad niya saka tiningnan ang cellphone. "Pakshet!" mura niya. "Why?" I asked. Kinagat ko ang pang ibabang labi upang pigilan ang ngiti. "Nag shut down ang pvta" umiirap niyang saad. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at iniabot iyon sa kaniya. "Pwede akong makitext?" she asked, I nodded. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa cellphone ko. "I-ikaw?" nagugulat niyang tanong. "Tsk." "Si k-kuya ang t-tinext ko" maikling paliwanag niya. "Wrong sent ka miss."






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top