π π
“Ito naman ang gusto mo diba!! ang sumuko ako at pakawalan ka! binibigay ko na Rex ang kalayaan mo na matagal mo ng hinihingi! malaya ka ng umalis hindi na kita pipigilan malaya ka ng makasama ang babaeng mahal mo.at ang iyong anak! may isang pakiusap lang ako sayo ikaw ang umalis dito sa bahay na naipundar natin dahil ikaw ang nagluko ikaw ang may ginawang kasalanan”
Shane hindi! pleas—
Please Rex pakiusap! kong may natitira pang respito diyan sa puso mo para sa akin please umalis ka na!
Lag-lag ang balikat ko na umalis ng bahay ito naman talaga ang gusto ko ang iwan ako ni Shane dahil ayaw ko syang masaktan ayaw ko syang magdusa! Kong nasa tabi ko si Shane lalo syang mahihirapan! pero bakit sobrang sakit kahit matagal ko ng alam sa sarili ko na magkakahiwalay kami ni Shane!
“ng marinig ko ang ugong ng sasakyan ni Rex paalis lalo akong napahagulhol ng iyak..nayakap ko ang impis ko pang tiyan nasasaktan ako para sa anak ko hindi pa sya naisisilang iniwan na kami ng kaniyang ama. Hindi ko sasabihin kay Rex na buntis ako! hindi ako papayag na pati ang anak ko ay masaktan! makikihati sa kakarampot na oras na kayang ibigay ng kanyang ama!
Magpa-pakatatag ako para sa anak ko babangon akong muli para sa anak ko ng mabigyan ko sya ng magandang kinabukasan
______________________________________
π CHAPTER 11π
“Apat na buwan na simula ng maghiwalay kami ni Rex” dati gabi-gabi akong umiiyak nagbaba-kasakali na balikan niya ako siguro ganun talaga hindi niya ako mahal ni anino ni Rex hindi ko na nakita! siguro masaya na sya sa piling ni Mica kasama ang kanilang anak.. medyo malaki na ang tiyan ko nagpa-pasalamat ako kay Ally lagi syang nasa tabi ko nakaalalay..
Hoy! buntis nakatulala kana naman iniisip mo ang ex-husband mo? ay hindi pala magasawa parin kayo dahil hindi pa naman kayo annul..
“Hindi ko iniisip si Rex pinakikiramdaman ko si baby sa tummy ko pumipitik sya Sabi ni Dra. paglimang buwan na si baby malakas na syang sumipa..
Teka lang Shane may costumer estemahin ko mona..
Anong...