TUNOG AT BOSES SA ILALIM NANG LAWA
Author: Crismoxie Manunulat
Kay lamig nang hangin at kay ingay nang alon.
“Psst,” boses mula sa aking likuran.
Napalingon ako subalit walang katao-tao at naisipang baka guni-guni ko lang.
“Ang ganda nang buwan.” Ito’y bilog na bilog at tila ba napakalapit sa akin sa sobrang laki.
“Ahhh🎵Hmmmm🎻.” Himig sa kung saan, hindi ko alam kung sa lawa o sa kalangitan nang gagaling ang himig.
“Napakagandang pakinggan,” tugon ko at sumilip sa ilalim nang lawa. Laking gulat ko nang makita ang isang, “S-Sirena?”
Umahon siya sa tubig at tumingin sa akin.
“Sabayan mo ako sa aking awitin.” Nagpatugtog siya nang isang musika na tila ba mahihipnotismo ka sa boses niya.
“I-Ikaw ang sirenang pumapatay,”sigaw ko at itinuro siya.
Naging malungkot ang kaniyang expresyon. “Hindi ko sila pinapatay, kumakanta lamang ako sa tuwing kabilogan nang buwan at pag nag-umaga na babalik na ako sa ilalim nang lawa.”
“Pero, bakit marami ang...