THE REVENGEANCE Chapter 14


“Please Armina,pakinggan mo muna ako..”
“Tama na!!..ok,you win!!sa iyo na ang Textile Company,sa iyo na ang lahat ng ari-arian ng Alcantara..pero ito ang tatandaan mo,may isang bagay na hinding hindi mo makukuha at kahit kailan hindi mo rin malalaman..”
“Armina..patawarin mo ako..mahal na mahal kita..”
”Hindi mo na ako maloloko pa,nagtiwala ako sa iyo..pero lahat ng iyon,wala ding kwenta sa iyo!!”
Itinutok niya ang baril sa ulo ni Daniel
“Sige,barilin mo ako Armina..patayin mo ako para makaganti ka sa lahat ng nagawa ko..iputok mo na,”
“At para ano Daniel? dudumihan ko lang ang mga kamay ko sa isang tulad mo na walang kwenta?”
“Armina…”
Tinalikuran siya ni Armina,pilit niyang pinigilan pero nagbanta itong pasabugin ang condo niya.
“Armina please…”
“Nagtagumpay ka na Daniel!!”
Naiwan si Daniel na gulong-gulo ang isip.Pinagsisihan niya lahat ng nagawa niya sa kanyang girlfriend.Matapos niyang makipagsabwatan noon kay Mr.Chin Tan,nag-iba ang desisyon niya na huwag na lang ituloy na pabagsakin ang Textile Company.Kaya gumawa siya ng paraan para makabawi sa dalaga,nagpasya siyang pahiramin ang dalaga ng malaking halaga at tubusin ang Textile Company. Pero palpak lahat ng plano niya,napakag*go niya.
******
Umuwing luhaan si Armina...


nang gabing iyon matapos makapag-usap kay Daniel. Hindi siya makapaniwala na aabot sila sa ganung sitwasyon.Humahagol-hol siya ng iyak nang makarating sa mansion.Niyakap siya ng kanyang Mommy.
“Tahan na anak..labis kang nasaktan dahil minahal mo nang lubusan si Daniel..sabi ko naman sa iyo noon,huwag kang masyadong magtiwala sa mga De Dios..”
Iyak pa rin ng iyak si Armina.
“Huwag ka nang masyadong magdamdam anak,may plano ang Diyos sa lahat ng nangyari..lakasan mo ang loob mo,para sa magiging anak nyo..”
Niyakap siya ng mahigpit ng kanyang Ina.
****
Ilang araw nang iniiwasan ni Armina si Daniel,sa tuwing pumupunta siya sa Textile Company,maaga din siyang umuwi.Kapag nasa mansion,hinayaan niya na maghintay si Daniel sa labas.
“Tiniis lahat ni Daniel ang sakit anak,kitang kita sa mga mata niya na mahal na mahal ka niya..ayaw mo bang pakinggan ang paliwanag niya?..” sabi ng kanyang mommy nang mapagmasdan nila si Daniel sa labas ng bahay at nakasandal sa kotse.
“Ayokong madagdagan pa ang sakit Mom..nasasaktan din ako..”
“Naintindihan kita anak,naaawa din ako sa kalagayan ni Daniel..pero sundin mo ang puso mo anak,huwag mong tiisin ang sarili mo na nasasaktan din sa pag-iiwas mo..”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top