VANESSA CHAPTER 3


_____________
Nag lalakad si Vanessa patungo sa Restaurant na kaniyang papasukan ,sobrang laki ng pasasalamat niya sa kaniyang kaibigan na si Shella ang pinsan nila Jenny at Jessa dahil kay Shella kaya siya naka pasok sa kaniyang bagong trabaho, sa Resort na Pag aari ng mga Salvi raw umano. Hindi niya alam ang kaniyang pakiramdam nung una niyang marinig ang Ang tungkol sa “L Salvi Restaurant. ”
” kaya koto para sa mga anak ko ” mahinang sabi ni Vanessa ng maka rating na siya sa tapat ng Restaurant.
Pag pasok palang niya sa loob ay lahat ng Tao lalo na ang mga lalake sa loob ng Restaurant ay napapatingin sa kaniya. Kaya napapayuko na lamang siya habang dumadaan sa Gitna.
“Ang Ganda niya ”
” modelo siguro yan grabe ang ganda ng Body niya sana all ”
” napaka simple niya pero napaka lakas ng dating niya taga saan siguro siya ”
” ang kinis niya sana ganyan rin ako ka sexy tignan kahit naka pajama Lang at naka simpleng T-shirt lamang. ”
Iilan Lang yan sa mga naririnig ni Vanessa sa mga Nadadaanan niya.
“Hi ikaw naba si Vanessa,? ako nga pala si Lily nasabi na ni Shella na ikaw ang papalit sa kanya ,,tamang tama kararating Lang ni Boss , tara ipapakilala muna kita sa kaniya bago ka mag simula. “. Sabi ng babaeng lumapit sa kaniya.
“Ah eh sige salamat ” nahihiyang sagot naman ni Vanessa.
” hmmp Lily. Hindi ba masungit ang boss natin? ” tanong ni Vanessa habang nag lalakad sila , patungo sa office ng may ari ng Restaurant at Resort.
” nako hindi Girl. Sobrang bait ni Sir , halos lahat naman ata ng pamilya Salvi ay mababait. Basta wag kang kabahan. Mabait ang boss natin at one hundred percent alam Kong matatanggap kaniya. “. Sagot naman ni Lily kaya naman gumaan kahit papaano ang kaniyang loob..
“Taga rito ba sa Boracay ang pamilya Salvi at nakita mona ho ba sila kaya mo nasasabing mababait silang lahat? ” curious na tanong niya. Tutal madaldal naman ang babaeng kasama niya ay lulubus lubusin na niya mag tanong.
” ay Hindi. Taga Maynila sila, minsan lang bumisita rito si Boss Lance. Ang may ari ng Restaurant na ito. Saka hindi kopa nakita lahat . Ang kuya Lang ni Boss ang nakita kong pumunta rito, mabait rin yun, ohh andito na tayo. Tama na ang chismis ” sabi naman ni Lily at huminga muna ng malalim bago kumatok ng Pinto ang babaeng kasama niya.
“Sir nandito naho si Vanessa yung pumalit kay Shella. ”
“Tuloy ” sagot ng Baritonong boses ng lalake sa loob.
. Dahan dahan binuksan naman ni Lily ang Pinto at naka sunod lamang siya sa Likod ni Lily . Ng maka pasok na sila sa loob ay napadako kaagad ang tingin ni Vanessa sa Lalakeng seryosong naka tutok lamang sa harap ng Laptop nito.
“Aheem sir ” agaw pansin ni Lily sa kaniyang boss. Napa angat naman ng tingin ang lalake at napa kunot ang nuo nito ng madako ang tingin nito kay Vanessa.
“iwan mona kami Lily ” baling ng binata sa babaeng katabi niya. Tumango naman ang babae bago mabilis na lumabas.
Naiwan naman silang dalawa sa Loob ng Office room ng binata at hindi mapigilang mapataas ng kilay si Vanessa ng hindi parin...


gumagalaw ang lalakeng nasa Harapan niya at naka kunot nuo paring naka titig sa kaniya.
“Aheem” pukaw ni Vanessa Sa lalakeng naka tulala paring naka tingin sa kaniya.
“Hi miss Vanessa, nag kita naba tayo nuon? ” kunot nuong tanong ng lalake sa kaniya.
” huh? Hindi Pa siguro sir. Bakit ho? ” sagot niya
” you look familliar , hindi ako sigurado hmmp siguro kamukha molang siguro siya. ”
” ah sino ho? ”
” my Cousin , 18 years kona siyang hindi nakita nasa US kasi ako at kakabalik kolang din rito sa pinas. Hmmp sorry. Okey then tanggap kana. Pwede kana mag simula. ” sagot nito
” ano ho? tanggap na agad agad.? Wala ng tanong tanong sir? ”
“Hindi na kailangan. Pwede ka ng mag simula ”
“Maraming salamat ho sir ” masayang sabi Ni Vanessa dahil sa Wakas ay may trabaho narin siya.
Tumango lamang ang binata habang naka ngiti sa kaniya. At mabilis na siyang lumabas para mag simula ng mag trabaho.
Naiwan namang may pag tataka si Lance dahil sobrang kakaiba ang nararamdaman niya sa babae, sobrang gaan ng kaniyang loob sa babae. Pakiramdam niya ay matagal na niya itong kilala.
“Kamukha niya si Princess , hmmp baka magka hawig Lang. Pero Vanessa? vanessa rin ang pangalan ng pinsan ko. Paano kung? . No imposible matagal ng wala si Princess .” Naguguluhang sabi ni Lance at kinuha ang phone para tawagan ang kaniyang girlfriend …
πŸ“ž Hello lance napa tawag ka?
” nothing babe kumain kanaba? ”
πŸ“ž ah oo siyanga pala, dyan na nag tatrabaho ang kaibigan ko sa Resort niyo sa Restaurant mo siya nag tatrabaho si Van–
” vanessa? Oo katatapos kulang siyang maka usap. At nag sisimula na rin siya. Friend mo pala siya babe ”
πŸ“ž oo, saka meron sana akong gustong itanong sayo, pwede kabang pumunta sa Tabing dagat dun sa malaking puno .
“Sure babe.

Hindi alam ni Jenny kung tama ba ang hinala niya. Tungkol sa kaniyang kaibigan na si Vanessa. Nuong una kaniyang nakita si Vanessa ay Hindi niya alam pero napaka Familiar ng mukha nito. Meron itong pagkakahawig sa unang lalakeng minahal niya.
” magka mukhang magka mukha si Lorence at Vanessa. Posible kayang kamag anak nila Lance si Vanessa? ” ani ng isip ni Jenny

“Mommy kausapin mo naman si Tito na ilipat na saakin ang kompaniya ni Vanessa. Bakit si Lorence ang pinalit niyang CEO. Dapat ako yun e. ! ” inis na sabi ni Rita sa ina.
“Manahimik ka Rita. Kung gusto mong mapasayo ang, lahat ng Pag aari ni Vanessa dapat ay kinukuha mo ang loob ni Rafael. Hindi yung umaasa ka nalang sa bawat Plano ko !” Pagalit na sagot ni Margarita sa anak.
” Puniy*ta matagal ng patay si Vanessa. Bakit hanggang ngayon ay sakit parin siya ng Ulo. Mom tulungan moko gusto Kong makuha ang Kumpaniyang Yun. At si Sebastian ” ani ni Rita na siyang kina salubong naman ng kilay ni Margarita
“G*ga ka talaga hindi mopa nga nakukuha ang loob ni Rafael. Puro ka paring Sebastian. Mana ka talaga sa walang kwenta mong ama. ” sagot ni Margarita sa Anak.
//Next chapter 4
“Ang galit ni Sebastian kay Rita ”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top