Life Of A Callboy


Life Of A Callboy
Genre: Romance (BXB)(SPG)
Author: Marielaaaxxx
Status: On-Going
❣️Simula❣️
Puno ng kaba ang aking dibdib habang naglalakad sa pasilyo ng ospital. Tinitignan ang bawat kwarto kung saan naroroon ang tatay ‘ko. Kasama ‘ko ang kaibigan ‘ko na dama ko rin ang pagaalala.
Sumilip ako sa huling kwarto at nakita ang aking tatay na nakahiga sa kama. May host sa kaniyang bibig na nakakabit sa oxygen tank na tumutulong sa kaniyang paghiga. Katabi niya ang aking nanay na patuloy lang sa pagiyak.
Lumapit ako sa kanila ng dahan-dahan at nang makita ako ng aking ina ay tumigil siya sa pag iyak. Pinapakita niya ang pagiging matatag niyang ina.
“Ma kamusta na si papa?” tanong ‘ko sa kaniya habang nakatingin sa nakahiga ‘kong ama.
“Lumalala na ang sakit niya sa puso at sumasabay pa ang diabetes niya.” sagot niya habang kapit ang kamay ng aking ama.
“Ano na pong susunod nating gagawin?” tanong ‘ko sa kaniya at hinagod ang kaniyang likod. Pinanonood lang kami ni joshua sa aming usapan.
“Kailangan ng malaking halaga para sa operasiyon niya pero hindi ‘ko kung saan tayo kukuha.” sambit niya at hindi na niya napigilan ang kaniyang luha at kusa na itong tumulo.
“Huwag ka nang umiyak ma gagawa ako ng paraan. ” saad ‘ko sa kaniya habang patuloy pa ring hinahagod ang kaniyang likod.
Dati pa naming alam na may sakit si papa ngunit pinipilit niya na mahal magpaospital kaya sinunod na lamang namin siya. Nagpaalam ako kay mama, nagbabaka sakali na pagbalik ‘ko ay may dala na akong pera.
Umupo muna kami sa upuan na nasa harap ng ospital. Natulala ako nagiisip ng magiging diskarte.
“Ano nang plano mo tol?” Pagputol ni joshua sa katahimikan.
“Mayroon ka bang alam na pwedeng utangan? tanong ‘ko sa kaniya dahil ito lang ang alam ‘kong mabilis na paraan.
“Wala nang tiwala sa’kin mga inuutangan ‘ko eh.” tugo niya sa aking tanong.
“Ganoon ba…” tanging nasambit ‘ko dahil wala naman akong magagawa.
“May alam akong mabilis na pera.” saad niya na parang may biglang pumasok sa kaniyang isip.
“Saan? kailangan ‘ko talaga eh.” sambit ‘ko sa kaniya.
“Sa bar nila olga, isang gabi 5k kaagad.” seryoso niyang sabi. Kilala ang bar na ito bilang aliwan. Dito rin nagaganap ang mga malalaswang gawin na ginagawa ng dalawang lalaki.
“Wala bang iba tol?” tanong ‘ko sa kaniya dahil baka mayroon pang ibang paraan bukod dito. Kahit kailan ay hindi pa ako nagkakaroon ng karanasan sa kapwa ‘ko lalaki.
“Magisip kang maigi kailangan niyo ng pera.” pagkukumbinsi niya sa akin. Masakit man isipin marami tayong bagay na ayaw gawin ngunit kailangan.
Ilang rason pa ang binigay ni joshua upang kumbinsihin ako at hindi nagtagal ay napapayag niya ako. Pinangako ‘ko sa sarili ‘ko isang beses ‘ko lang ito gagawin. Ang mahalaga ay makahulog kami...


ng downpayment sa magiging operasyon ni tatay.
Naligo ako at nagayos ng suot bago pumunta sa tinutukoy na bar ni joshua. Maraming lalaking nakabihis na pambabae sa labas ng bar marahil nagaantay sila ng lalaking kanilang maiuuwi. Madali kaming nakapasok dahil kilala na si joshua sa bar na ‘to. Agad akong napaisip dahil dito.
Maliit lamang itong bar na may stage sa harapan. May sumasayaw na lalaki dito habang brief lamang ang suot. Pinapalakpan siya ng mga baklang nakaupo sa upuan habang umiinom ng bote ng alak.
Hinanap ng mata ni joshua si olga na siyang mayari nitong bar. Natagpuan niya ito sa isa sa mga upuan at hinila ako papunta dito. Namataan niya kami at ako agad ang tinignan niya, mula ulo hanggang paa.
“Mamuh ito nga pala ‘yung sinasabi ‘ko sayo na mag iisang gabi.” pagpapakilala sa akin ni joshua kay olga.
“Ilan taon na iyan joshua?” sambit niya habang diretsong nakatingin sa amin. Kinalabit ako ni joshua at gusto akong sumagot sa tanong ni olga.
“19 na po ako.” tugon ‘ko sa kaniyang tanong.
“Masyadong bata, ganyan ang gusto ng mga customer.” natatawa niyang sambit. Customer? isang beses ‘ko lang naman ‘to gagawin.
“Isang beses ‘ko lang po ito gagawin kailangan ‘ko lang talaga ng pera.” paglilinaw ‘ko sa kaniyang sinabi.
“Bata, lahat ng pumunta dito ganiyan din ang sinabi.” sambit niya gamit ang mataray na boses. Napatahamik na lang ako dahil dito. Dinukot niya ang wallet sa kaniyang bulsa at humugot ng dalawang libo. Inabot niya ito sa akin at binalik ang wallet sa kaniyang bulsa.
“Paunang bayad ‘yan dahil baka kung buo ay bigla mo akong takbuhan, pagkatapos natin saka ‘ko na ibibigay ang kabuuan.” seryoso niyang sambit.
Napatingin ako kay joshua dahil sa sinabi ni olga.
“Oo siya ang makakas*x mo.” saad ni joshua pagkatapos ituro si olga.
“Bakit ayaw mo?” tanong niya na ikinatakot ‘ko.
“Hindi po, wala po kasing sinabi si joshua na ikaw.” pagpapalusot ‘ko. Mukha naman siyang malinis dahil na rin siguro sa malago niyang negosyo. Kumpleto ang ngipin at bilugan ang mga dibdib.
“Sumunod ka na sa’kin.” sambit niya at nagsimula nang maglakad. Sinenyasan ako ni joshua na sumunod kay olga at ganoon ang ginawa ‘ko. Pumasok kami sa isang pinto at nagulat ako aking nakita dahil mayroon itong mahabang pasilyo na puro kwarto. Mukha lang itong maliit sa labas ngunit malaki pala ang tinatago nito.
Pumunta kami sa dulong kwarto at kinuha ni olga ang susi sa kaniyang bulsa at ito ay binuksan. Pumasok na siya sa loob kaya ganoon din ang ginawa ‘ko. Sinara ‘ko ang pinto at siniguradong nakalock.
Hindi ‘ko maipaliwanag ang nararamdaman ‘ko naghahalo ang kaba at takot ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan ‘kong gumaling si tatay. Umupo siya sa kama at humarap sa akin.
“Hubad..” maawtoridad niyang sabi.





3
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top