BEAUTIFY CHAPTER 6


“Tok!
Tok!
Tok!
Sabay na napalingon ang dalawa sa pintuan.
“Bukas yan pasok” si Belle at bumukas nga ang pintuan. Si Seb ito. Napatigil pa ang binata nang makita si Belle.
* Flashback*
Susurpresahin sana ng magpinsang Chloe at Seb si Kurt sa kanilang mas maagang pagdating kaya sinabi nila na 9 am sila nito sunduin ngunit hindi rin nila inabutan iyon sa mansyon nila.
“Hello po tita good morning” bati nang dalawa kay Donya Madrigal.
“Oh hi iha iho. ” nagbeso ang mga ito s kanya. ” So how’s your flight?
” Ok lang po tita. Actually nung isang araw pa po kami sa Manila nitong si Seb but he told me to stop over there at may dadalawin lang daw siya. So we decided to surprise Kurt . So where is he tita? ” tanong niy habng nililibot ang tingin sa mansyon.
” Ah sinamahan niya lang sandali si Belle mag deliver ng products nila. Pero I’m sure pabalik na din yun. Halina kayo sa dining room para makapag breakfast kayo.” alok ng ginang.
” Ah tita mamaya na po ako . Susundan ko si Kurt . San po ba sila magdedeliver?”
“Ahh just in the neighborhood iho.”
” See ya tita.” at umalis na nga ito at hinanap si Kurt ngunit di niya ito mahagilap. Nasa tabing kalsada siya naglalakad na sana pabalik sa mansyon ng lumampas sa kanya ang isang babae na tumatakbo at nang patawid na ito ay nakita niya ang sasakyan mabilis ang takbo kaya hinabol niya ang babae at niyakap niya ito dahilan para matumba sila pareho at gumulong sa gitna ng kalsada. Mabuti na lamang at nandoon siya.
Unti unti siyang bumangon upang alalayam sana din bumangon ang dalaga pero nagulat siya ng wala na itong malay at may dugo pa sa kanyang noo.
” Miss! Are you ok Miss!” nakaupo na siya at naka alalay parin sa ulo nito. “Miss wake—– ” dina niya natuloy ang sasabihin nang may tumulak sa kanyang lalaki . Siguro ay boyfriend niya dahil pansin niyang sobra ang pag aalala nito ngunit di niya makita ang mukha nito. Nang mapansin niyang wla na siyang maitutulong doon ay umalis na siya ng di napapansin ng bagong dating na binata. At dina niya alam ang kung anong balita sa babae.
End of flashback
“Seb? Ikaw na bayan? Nakangiti at nanlaki pa ang mata niya nang makita ang lalaki. ” Oh my God look at you anlaki ng pinagbago mo. Dati mas matangkad ako sayo but now… ” tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Matangkad ito at maputi. Matangos ang ilong mapupulang labi at may pagka chinito ang mata.
” What happened to you? Bakit may … ” tinuro niya ang sugat niya sa noo. Lumapit na ito sa dalawa at umupo sa kabilng gilid ng kama. “Are you ok?” at hinawakan pa ang kamay ng dalaga.
” Yes she is ok” mahina ngunit mariin na sagot naman ni Kurt na naktingin sa kamay niya ngunit di iyon pinansin ng isa.
” Aahh namiss kita Sebby!” at yumakap siya dito .nagulat pa si Seb sa gunawa niya ngunit maya maya ay yumakap na din ito pabalik. Ilang sandali pa . silang magkayakap.
” Ahem! Tama na yan baka dumugo yang sugat mo di na talaga kita dadalhin sa ospital. ” sabat nito sa dalawa
...


Kumalas na sa pagkakayakap ang dalawa. At saka tumingin s knya ng masama si Belle.
“Ang Oa mo naman. Di naman kami nagbo boxing. Tshh! Ah teka nga pala. Ikaw nagdala sakin sa ospital?”
“Yep! So you should thank me baby” ngumisi pa ito. Naguguluhan siya dahil akala niya ay ibang lalaki ang nagligtas sa kanya kundi si Kurt din pala. Ngunit naisip niya din na iniwan siya nito habang naglalakad at tumakbo siya ng mabilis kaya imposibleng maabutan niya ito kung sakali.
” I-ikaw d-din ba ang n—-” pinutol na ni Seb ang sasabihin ni Belle. Siya nga ang nagligtas kay Belle ngunit di niya ito alam .
” Hey! Mr. Brandon Kurt Madrigal didn’t you miss me? tumayo ito at ibunuka ang dalawang kamay.
“Ofcourse i did miss you bro !” at nag bro hug ang dalawa .
” Hello guys! Na missed ba akong eksena dito? si chloe na kakapasok lang .
“Bellllllleeeeeeee!!! tili pa nito na nagmamadaling lumapit kay belle. Bahaya pang itinulak si Kurt. At yumakap kay Belle ng buong pananabik. “What happened to you? ” Dipa nakakasagot ito at nagsalita na nman siya. ” By the way may mga pasalubong ako sayo nandun sa labas binigay ko na kay tita.”
“Salamat Chloe nagabala ka pa”
“Hay naku mana ka talaga kay tita. Ganyan din ang sabi niya sakin pero girl ang ganda mo na..” at nagkwentuhan na silang dalawa habng pinapanood lang sila ng dalawang binata. Ganoon talaga kadaldal si Chloe kahit noon pa. Kapag siya ang nagsalita dimo na siya mapipigilan. Maputi na rin ito kung ikukumpara dati. Mahaba ang buhok pero di ganun katangkad.
Dito na din naghapunan ang tatlo sa kanila dahil sa haba ng kwentuhan ng mga ito. Halatang namiss nila ang isat isa.
” Ah may good news ako sa inyo Belle tita” habang kumakain.
“Ano yun iha?” tanong ng ginang na hinihintay ang sasabihin niya.
” Me and Seb ay….. ” pagbitin pa nito sa sasabihin. Napatigil din sa pagkain si Kurt at tumingin din sa kanya. “dito kami mag ka college! And we’re taking the same course.! “buong saya niyang pagbabalita sa mga ito.
“Wow talaga. !? Buti naman at may iba na akong makakasama hindi iisang mukha nalang lagi kong nakikita.” sabay tingin pa kay Kurt na nakasimangot at magkasalubong ang kilay. ” Medyo nakakasawa na kasi ang m—”
“Hey! Anong sinasabi mo jan? Ako nakakasawang kasama ? Eh lagi mo nga akong hinahanap hanap ” pilyong saad nito na may kasama ding pilyong ngiti.
” Hoy ikaw Kurt ha tumigil ka . Baka gusto mong balian kita ng buto jan. ”
” Ok lang baby basta ikaw. Handa akong mabalian kung ikaw ang babali sakin wag mo lang babaliin ang puso ko” kagat labi pa ito sabay kindat. Namula nman ang pisngi niya ..
” Ahh ganun ha humanda ka sakin” tatayo na sana siya ng magsalita ang ina.
” O tama na yan . Tapusin niyo na muna ang pagkain niyo saka kayo magbalian ng puso eh este ng buto lalamig na ang pagkain.”
At dito nga mag aaral ang magpinsan at sa iisang University lang din silang apat. Business administration ang itetake na course sina Kurt at Belle . Architecture naman kay Sebastian at Psychology naman kay Chloe.
❤️sorry po kung medyo maiksi ngayon.pero sana magustuhan niyo padin.
_jerilou






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top