Fathers and son Part 11


” O,kuya. Ok ka na ba? Kagabi lang may lagnat ka. Si Viel pa nga ang nagalaga sayo. Binantay ka yata ng niya ng buong magdamag. ” Bungad ni Leslie sa kanya nang siyay papalabas lang ng kwarto niya.
Binalingan niya ng tibgin ang natutulog pa ring si Viel. Nakagisingan nyang nakadantay ang braso nito sa tiyan niya.
” Ang swerte mo naman sa anak mo,kuya.” Dagdag pa ni Leslie.
” Dumating na ba ang tiga alaga mo? Tinawag ko siya kahapon na pumunta rito ngayon dahil aalis na kami.” Sinadya niyang iniba ang usapan.
” Wala pa. Pero baka mamaya nandito na iyon. Pero kuya, pwede bang huwag na muna kayong umalis? Nag eenjoy pa kong kasama si Viel eh. Ang sarap niyang kausap.”
Napaisip si Rodney saglit. Nasabi ba ni Viel ang tungkol sa pagkatao nito?
” Kuya….”
” Ha? Hindi pwede. May trabaho ako. ”
” Eh,kung iwana mo na lang kaya si Viel dito. Sige na kuya…”
” Hindi rin pwede. ”
” Ang sama mo naman.” Sumimangot si Leslie.
” Tama na ang pag uusap nato. Mag iingat kayo rito. Magpapadala ako ng pera para sa panggamot mo.”
Iniwan niya si Leslie na medyo masama ang loob. Hindi man lang siya pinagbigyan nito na iwanan si Viel sa kanya.
Pumasok si Leslie sa kwarto ni Rodney. Naroon at natutulog pa rin si Viel. Pero naalimpungatan din.
” Papa!” Wala sa loob nitong sigaw.
” Viel. Gising ka na pala. Kalalabas lang ng papa mo. Magbabanyo siguro muna. Nakatulog ka ba ng sapat? Alam ko kasing binantayan mo si kuya kagabi.”
” Opo. ” Tipid nitong sagot sa babae.
” Halika sa kusina. Ipagtitimpla kita ng gatas.” Inalalayan siya ni Leslie sa para makabangon.
Dumiretso sila sa kusina. Nakahanda na ang almusal nilang lahat. Si Rodney naman ay nasa banyo nga. Pagkalabas nito,inaya siya ni Leslie na umupo at mag almusal.
” Halika na kuya.”
Pinaghila siya ni Viel ng upuan. ” Ok na ko. Hindi mo na kailangang alagaan.” Sabi niya sa bata na tahimik lang ang naging sagot.
” Kuya….ang sungit mo naman. Nag alala lang sayo yang bata.” Saway ni Leslie.
” Pasensya na.” Aniya. Baka kasi makahalata si Leslie na hindi naman niya anak si Viel. Magtatanong pa.” Kumain ka na rin.” Sabi niya kay Viel.
” Viel…aalis na raw kayo ni kuya ngayong araw. Mag iingat ka ha. Tatawag ako ng madalas sayo. Mamimis kasi kita.”
” Opo,tita.” Masaya naman si Viel nang malaman niya ito. Sa wakas,makikita na niya si Larry. ” Mag iingat rin po kayo rito. Mamimis din po kita.”
” Aaahhh…ngayon pa lang naluluha nako.” Sinabayan pa ni Leslie ng pagpahid sa kanyang mata.
Hindi rin nagtagal,nilisan nila ang lugar ni Rodney. Bibyaheng pabalik. Nakatanggap kasi ng dagling tawag si Rodney mula sa alipores niya. Sinasabing nakausap nito si Larry at nakahanda na raw ang pera.
” Talagang mahal ka ng papa mo. Nakahanda na ang perang hinihingi ko sa kanya kapalit ng pagbalik ko sayo sa kanya.” Hayag ni Rodney habang nagmamaneho.
Tahimik lang si Viel. Pero masaya siya at makakasama na niya ulit si Larry.
Pagkatapak ng mga paa nina Rodney at Viel sa harapan mismo ng bahay niya,hindi na nagpatumpik tumpik. Pumasok agad. Pero hindi niya akalain na makakasalubong niya ang isang napakalakas na suntok mula sa isang pamilyar na tao.
” Ch..chairman!?” Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang may ari ng kamaong sumalubong sa kanya.
” Ang lakas rin naman ng loob mong maglihim sa kin ,Rodney. Kumikilos ka ng palihim sa likod ko.” Sabi nito.
Nakabulagta ngayon si Rodney sa sahig mismo ng bahay niya. May iilang tauhan rin ni Chairman ang naroon.
” Kung hindi ko pa pinasundan ang tau tauhan mo,hindi ko pa malalaman na may transakyon palang magaganap na lingid sa kaalaman ko. Huh! May balak kang solohin ang perang makukuha mo kay Larry! Baka nakakalimutan mong sa akin ang perang iyon at binabayaran ko lamang kayo para sa trabaho. ”
Tiningnan ni Chairman ang batang nakatayo ng ilang metro kay Rodney. Napatapon kasi ang huli dahil sa suntok.
” Siya ba ang anak ni Larry? ” Nilapitan niya si Viel. ” Huwag kang mag aalala. Paparating na ang papa mo. ” Nakangiti niyang saad sa natatakot na bata.” Pero bago nun,ibibigay niya muna ang pera sakin. Dahil kung hindi,hindi ka nya mababawi.”
Napagtanto ni Viel na masama rin pala ang taong kaharap niya ngayon. Tumayo ito at tinalikuran siya. Inutusan ang isang tao nito na ikulong si Viel sa kwarto.
Maya maya ay may isang tao ni Chairman ang bumulong sa kanya.
” Paparating na pala ang ating bisita.” Hayag nito.
Nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Rodney. Alam ba ni Larry na si Chairman ang kukuha ng perang dala niya?
Bumukas ang pintuan ng bahay. Pumasok si Larry at kasama niya ang alipores ni Rodney. Trinaydor na rin siya nito. Kaya bumulyaso ang plano niya.
” Larry!! Hahahha…long time no see!” Kunwaring nagagalak nitong bati.
” Chairman? Paanong…..” napansin ni Larry na hinahawakan si Rodney ng mga tuahan ni Chairman. May maling nangyayari.
” Ang galing ko diba. Sira ulo kasi itong si Rodney. Balak pa sanang ilihim ang pakikipag usap sayo.”
” yong anak ko? Nasaan ang anak ko?”


/> ” Relaks lang. Yong pera muna…”
” Dala ko ang pera. Pero dalhin mo muna ang anak ko sakin.” Mariing saad ni Larry.
Sinenyasan ni Chairman ang isang tao niya. Agad naman itong pumasok sa kwarto at inilabas si Viel.
” Papa!” Laking tuwa ni Viel dahil nakita niyang muli si Larry.
” Yong pera!” Si Chairman.
” Ang sabi ko,dalhin mo muna ang anak ko sakin!” Matigas na anas ni Larry. Kailangan niyang makasigurong mababawi niya si Viel.
Pero bigla yatang nagalit ang chairman. Bumunot ito ng baril saka itinutok kay Viel. Napuno ng tensyon ang buong bahay ni Rodney nang mga sandaling iyon. Kabado si Rodney. Alam niyang mas halang ang kakuluwa ni Chairman kesa sa kanilang lahat.
” Larry….larry…pwede ko kayong pagsabaying patayin ng anak mo kung gugustuhin ko. Masyado mo kong pinaiinip sa paghihintay. Baka maulit na naman ang nangyari noon. Mawala ulit sakin ang pera. Kaya kung ako sayo,ihagis mo na yang pera sakin!” Galit na galit na ito. Tila maikli lang ang pasenysa kaya nagalit na agad.
” Yong bata! Akin na ang anak ko!” Sinalubong rin ni Larry ang galit nito. Ilang araw rin siyang nangulila sa anak kaya gusto rin niyang mabawi agad ito.
Ikinasa ni Chairman ang baril na nakatutok sa ulo ni Viel. Habang ang huli naman ay hindi na mapigilan ang pagiyak. Natatakot na baka barilin siya ni Chairman.
” Papa….”
Hindi naman mapakali si Rodney. Hindi siya dapat magsawalang bahala sa ganitong sitwasyon. Papatayin din sila tatlo ni Chairman. Kumilos si Rodney. Dali daling pinatumba ang taong nakahawak at nakatutok sa kanya. Inagaw ang baril at itinutok kay Chairman.
” Walang gagalaw. Papatayin ko ang amo nyo!” Banta niya sa mga taong nagsikilos rin para tutukan siya ng baril. ” Kilala nyo ko. Hindi ako nagdadalawang isip na pumatay ng tao!” Sabi niya.
Nagsibabaan ng baril ang mga tauhan ni Chairman. Takot atang mamatay ang taong nagbibigay sa kanila ng pera.
” Viel! Lumapit ka sakin” utos naman ni Rodney sa bata na sumunod naman agad.” Manatili ka lang sa likod ko.”
” Opo.”
” Walang gagalaw!” Ulit nito. ” Ibaba nyo ang mga baril na hawak nyo ngayon na!”
Pero sumalungat sa utos niya ang isang tauhan ni Chairman. Bagong salta sa grupo. Matigas ang loob at tila walang kinatatakutan. Nagsibabaan nga ng baril pero agad namang nyang iniangat ito at akmang babarilin si Rodney.
Ngunit naunahan siya ni Rodney. Bagay na nagtulak sa iba na paputukan si Rodney. Maagap na nakatago ang huli kasama si Viel. Pumuntang kusina at saka lumabas sa pintong naroon.
Si Larry naman ay dali daling lumabas ng pintong pinasukan niya kanina. Hawak pa rin ang pera. Nagkagulo sa loob ng kabahayan. Hinabol nila kapwa sina Rodney at Larry kasama na ang batang si Viel.
Alam ni Larry na sa likod dumaan si Rodney kaya pumunta siya ng likod bahay. Natanaw niya itong hinahabol ng masasama. Sumunod rin siya sa mga ito. Kasama ni Rodney ang anak niya kaya hahabol siya.
Bahagyang nakalayo na sina Rodney at Viel. Pero hindi pa rin sila ligtas. Hinahabol pa rin kasi sila ng mga kalaban. Heto nga at naabutan sila ng dalawa.
” Tigil!” Pigil ng isa na nakatutok ang baril sa kanya.
Nakipagsabayan sa pagtutok si Rodney. Pero lugi siya dahil sa dalawa ang baril na nakatutok sa kanila. Binaril si Rodney ng isa. Buti na lang at nasa likod niya si Viel.
” Ahg…”
Babarilin pa sana ulit pero may isang putok ng baril ang umalingawngaw at hindi galing sa isa sa mga baril na hawak nilang tatlo.
Nagulat na lang si Rodney nang isa pang sumunod na putok at bumulagta ang isang kalaban.
Nagpalingon lingon sa paligid ang isa. Kinuha naman ni Rodney ang pagkakataong iyon habang abala ito sa kakahanap kung saan galing ang putok ng baril. Binaril ni Rodney ang isa pang natitirang kalaban at sapul sa sentido nito.
Tumakbong palapit si Larry sa kanila. Siya pala ang nagpatumba sa isa.
” Papa!” Niyakap ng mahigpit ni Viel ang ama.
” Larry…” Dumadaing si Rodney sa sakit ng sugat na natamo.
” Umuwi na tayo ,anak.” Wika ni Larry na nakayap sa anak.
” Sandali! Iiwan mo ko?!”
” Anong paki alam ko sayo! Ikaw ang dahilan kaya nangyari ang gulong ito!”
” Iniligtas ko ang anak mo!”
” Siguradong gagawin mo naman yon dahil hawak ko pa rin ang pera.” Mapaklang ngiti ni Larry sa kanya.
Hindi alam ni Larry na talagang iniligtas ni Rodney ang bata nang bukal sa loob nito.
” Papa…may sugat siya. Tulungan natin.”
” Buti pa yong bata sayo. May konsensya.”
” Bata lang yan. Madaling mapaniwala.” Matigas pa ring turan ni Larry.
” Papa..sige na.” Pagmamakaawa ni Viel sa kanya.
Walang nagawa si Larry kundi akayin si Rodney na may tama ng bala sa tiyan.
” Dalian mong maglakad! Baka maabutan tayo ng iba pang tauhan ni Chairman!”
” Teka lang. Ang sakit ng sugat ko!”
” Tiisin mo! Baka masegundahan pa yang sugat mo kapag nahuli tayo!”
Kahit masakit ang sugat ni Rodney ay pinilit niyang maglakad ng mabilis. Bago pa sila maabutan ni Chairman. Si Viel naman ay nasa tabi ng kanyang amang si Larry. Matatapos na nga ba ang lahat? O may isa pang pangyayaring magaganap?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top