Sa Restaurant”
Pinanlisikan ni Blanchie ang kanyang kaibigan na si jane nang sinubukan nitong kunin ang favorite niyang cherry flavored cake..
Katatapos lang ng klase nilang dalawa at pag break ay dito agad sila tumatambay na dalawa habang hinihintay ang kanilang oras sa trabaho..
Kumukuha silang dalawa ng kursong fashion designer at nasa 4th year na sila.. Noong nakaraang anibersaryo ng unibersidad ay siya ang pinili ng department nila na sumali sa pageant, matangkad, morena, mahaba ang buhok, makipot ang labi at may taglay na magandang mukha. Ang sabi nila beauty and brain daw, Naging dahilan iyon para sumikat siya at sa tuwina ay maraming sumusubok na manligaw sa kanya. Ngunit unang araw pa lamang ng panliligaw nila ay lantaran na niyang tinatanggihan, karamihan tuloy sa kanila ay nawalan na ng interest at umatras na kanya naman pinagpasalamat..
Wala pa kasi sa kanya ang pagkakaroon ng boyfriend at gusto muna niyang ituon sa pansin ang pag- aaral niya. Magugulo lang ang pangarap niya pag nagkataon..
Ang Restaurant kung nasaan sila nag tatrabaho ngayun ay ang sikat na restaurant sa labas at harap ng Gray University na pag-aaari ni Ethan Gray na siya ring namamahala sa Unibersidad. Sikat itong tambayan ng mga studyante magmasid sa labas.
“Subukan mong galawin yan at ibubuhos ko sayo itong tubig sa harap ko” banta niya sa kaibigan na sumimangot at agad binawi ang kamay, Sumandal pa ito sa silya at lumabi sakanya..
“titikman ko lang naman kung ano ba ang nagustuhan mo at lasa ng sweet cherry na yan” Pairap na wika nito..
“Di mag order ka ng makatikim ka cherry.” taas kilay na sikmat niya sa kaibigan..
“Ayuko nga, kaya nga gusto kong tikman baka pag mag order ako ayoko ng pala ng lada.Sayang lang ang pera ko at magsasayang lang ng pagkain..” maarteng bigkas nito..
Pinaikot niya ang mata”Eh di kakainin ko para di masayang, Problema ba iyon. ”
Tumaas ang kilay ni jane”Yan eh pasempli kapa, di mo pa deneretso na kulang yang kinakain mo at gusto mong ilibre kita. ”
Matamis siyang ngumiti dito bago muling sumubo.. Umismid naman ito at tumingin sa paligid..
“Grabe ang gwapo talaga ni Dave. Nakakatakam.” akala mo ay naglalaway na bulong ni jane nang makita nito sa may counter ang binata. May isang babae pa na nakaabrisete sa braso nito.
“Saan naman siya Nakakatakam aber eh, buti sana kung matangkad siya. Mas matangkad pa nga ako kaysa sa kanya”. Pinandilatan siya ni jane”So? Hindi naman problema ang kapandakan niya basta expert siya sa bed. Saka may looks din naman siya”..
“Yan lang ba ang dahilan para habulin siya ng mga babae” paismid na bigkas niya..
“Oo”...
Hindi na niya pinansin si Jane at Nag concentrate na lamang sa kinakain at trinatong hangin na lamang ang kaibigan.. Hinayaan niya itong tumingin sa bawat sulok ng Restaurant para makipagkindatan sa kung sino mang lalaking nakikita nito..
Sa pagkakayuko niya ay hindi na niya na pansin ang pagpasok ng isang babae or bakla sa restaurant at nakuha pa ang atensiyon ng iba na nagbubulungan..
Ganun din si jane na mahinang sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa Pinanlisikan niya ito ng tingin.. “Ikaw -”
“Besh, kanina pa nakatingin dito ang magandang babae na naka pwesto malapit sa glass wall, simula nung pumasok siya ay hindi na binawi ang tingin sayo”.. Nawewrduhang putol ni jane sa pagtatalak na sana niya..
“babae? Baka naman na iiggit siya sa kagandahan ko” mayabang na bigkas niya at uminum ng tubig-
“hindi sis, kakaiba yung tingin niya eh, may halong pagnanasa. Baka tomboy or bakla yon kaya ganoon makatitig”.. Patingin-tingin sa gawi ng taong tinutukoy nito habang sinasabi niti.. Muntik pa nga siyang masamid sa sariling laway sa sinabi ni jane..
“Sigurado ka? Gutom ka siguro kaya kung anu-ano yang napapansin mo. Bakit naman ako titingnan ng isang babae ng ganyang tingin.” Bulalas niya..
Umiling ito at pasempli uling Tiningnan ang tinutukoy nitong babae.
“hindi ako nagbibiro blanchie. Tingnan mo kaya at sabihin mo sakin kung nagbibiro ako o hindi”.. She said seriously..
Tumalima naman siya at nag kunwaring inayos ang bag at pinaraanan ng tingin ang mga costumer sa loob ng restaurant. Agad niyang nahanap ang tinutukoy ng kaibigan niya. Tama nga siya nakatingin ang babae sa gawi nila.
Pinag aralan niya ang anyo ng babae. Nahiya naman yata siya sa balat niya. Ang yabang pa niya knina ng sabihin niyang inggit sa beauty niya ang babae, besh mas maganda pa ito kaysa sa kanya..
P.s thank you po😊
Itutuloy ko po bukas..di na kya po ng mata ko😊