HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 9
Hindi pinapansin ni Keziah ang boss Drake niya. Parang ayaw niya na rin magpanggap na girlfriend nito dahil baka araw araw na Pumunta sa opisina ang tita nito sa kompanya at siya ang pagdiskitahan. Ayaw niyang maging center of attraction.
“Allyson!” tawag ni Drake sa kaniya ngunit di niya na lang ito inimik.
“Keziah!” muli na naman siya nitong tinawag ngunit di niya pa rin ito pinansin.
“Ms. Marquez!” hatang aburido na ito at naiinis kaya sumagot na siya.
“Yes boss?!” agad naman kumunot ang noo nito dahil sa narinig. Wala namang Mali sa sinabi niya.
“Boss?! I told you na wag mo kung tatawagin ng ganyan.” asik nito sa kanya.
“Pero boss naman talaga kita at sekretarya mo ako kaya dapat yun ang itawag ko sayo!” ganti niya dito at tinuon ulit ang sarili sa pagtatype sa loptop.
“Dahil ba ito sa nangyari kahapon?” mahinahong tanong nito sa kanya.
“Hindi siyempre! Ayoko lang maging simula ng pagtsitsimisan ng mga empleyado sa kompanya mo! Baka sa susunod ay pumunta na naman yung impaktang tiyahin mo boss!!! Ayaw ko na, humanap ka ng ibang pagpapanggapin mong girlfriend mo!” nagulat naman ito sa sinabi niya.
” What??? “di makapaniwalang tanong nito sa kanya.
” Pasensya na boss, ayaw ko lang na minamaliit ako ng ibang tao!at ayoko rin na pag-usapan at pagtsismisan nila!”sabi niya at lumabas ng opisina nito. Pero hindi naman talaga iyon ang dahilan niya dahil may mas malalim pa doon.
” Kez, totoo ba na kayo ni boss Drake? “tanong agad sa kanya ni Layla.
” Hindi noh, san mo naman nalaman yan? “balik niyang tanong sa kaibigan niya.
” Wala usap usapan lang, sabi pa nga ay ayaw daw nung tita niya sayo kaya pinuntahan ka doon sa opisina at nalaman daw na Secretary ka rin niya! Hindi naman ako naniniwala sa tsismis”dagdag pa ni Layla. Di niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya. Dapat ay hindi nangyayari ang lahat ng iyon, bakit ba kasi siya pumayag.
“Ito na pala si Keziah, nakakahiya ka pati boss mo ay tinatrabaho mo!” sabi sa kanya ng isang impaktang empleyado.
“I pity you baka kaya ka di natatanggal sa trabaho mo ay dahil diyan sa kalandian mo! Ilusyonada! Di kayo bagay ni boss Drake!”isa pang demonyita ang nagsalita.
” San niyo ba nasagap ang mga kalokohan na yan ha?! “di niya na napigilan ang sarili na magsalita.
” Wala ka na don”sagot nito sa kanya.
“Ehh bakit niyo ba pinakialaman ang buhay ko kaysa atupagin yang mga trabaho niyo!” tinawanan lang siya ng mga ito.
“So inaamin mo na nilalandi mo ang CEO ng kompanyang toh?!” kompronta pa ng isa sa kanya.
“Wala kayong alam! At kung sino man ang nagsabi niyan sayo! Sinungaling siya! Wag niyo kong husgahan!” asik niya dito.
“What is happening here?” bigla naman dumating si Drake, ang boss niya na dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanya.
“Ehh boss pinagtutulungan nila si Keziah” turo ng kaibigan niyang si Layla sa mga babaeng kanina pa siya pinagtutulungan, mga impakta!!!
“Totoo ba yon?” tanong ng boss niya sa mga ito. Siyempre hindi magsasabi ng totoo ang...