The Legend of Five Deadly Fox Chapter 1


The Legend of Five Deadly Fox★
Chapter 1:
~Grey Morrie’s PoV~
“Sa tingin nyu ba’y hanggang ngayun ay buhay parin ang Five Deadly Fox?” Rinig ko sa mga pinag-uusapan ng mga estudyanteng nakaupo malapit sakin.
Five Deadly Fox huh!
“Imposibleng buhay pa sila dahil ilang dekada na ang nakalipas magmula ng huli silang makita.”
Humigop ako sa iniinom kong Chocolate Shake.
“Ngunit maraming nagsasabing magbabalik sila.” Bigla silang napatingin sakin at bigla silang yumuko bilang paggalang.
“Magandang tanghali, Prinsepe Morrie.”
“Magandang tanghali din sa inyu.” Itinayo naman nila ang kanilang mga ulo matapos kong bumati.
“Wag nyu po sanang mamasamain ngunit ano po ba ang alam nyu tungkol sa five deadly fox?” Magalang na tanong sakin ng isa sa kanila.
Humarap ako sa kanila at sumagot, “Kung ano ang alam nyu tungkol sa kanila ay ‘yon lang din ang alam ko,” nakangiting sabi ko at itinuon na ang atensyon sa aking kinakain.
“Weird,” rinig kong sabi nila sa aking likuran ngunit hindi ko na sila pinansin pa.
“Prince Morrie!” Sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa di kalayuan.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng sigaw at nakita ang kaisa-isa kong kaibigan na kumakaway habang suot ang napakatamis na ngiti sa kanyang labi, si Princes Scarlet Grim. Ang bunsong Prinsesa sa GILMORE KINGDOM.
Agad ko naman syang kinawayan at nginitian pabalik. Naglaho sya papunta sakin at naupo kaharap ko.
“Anong nakain mo at nakipag-usap ka sa mga Hamir?” Tanong nya habang nakangisi na tila naghihinala.
(A/N: Hamir, tawag sa mga estudyante na mababa ang ranggo sa paaralang kanilang pinapasukan. Yun lang bye-bye)
“Wala, sadyang interesado lang ako sa kanilang pinag-uusapan,” Kibit-balikat kong sabi na nagpataas ng kanyang kilay.
“Ano naman ang kanilang pinag-uusapan? Tungkol nanaman ba sa Five Deadly Fox?”
“Hay nako Princes Scarlet, ang dami mong tanong. Pwede ba, kumain ka nalang dyan.”
Narinig ko naman syang bumuntong hininga at hindi na nagtanong pa.
Alam ko kaseng hindi nanaman nya ako titigilan sa kakatanong.
Matapos naming kumain ay nagtungo na agad kami sa Platinum Building kung saan ang room ng mga royals o ang mga nilalang namay kakaiba at malalakas na kapangyarihan.
Dito kase sa Atheria Imperial Academy (AIA) ay may apat na Nagtataasang Building, ang Bronze Building kung saan tinuturuan ang mga Hamir o mga nilalang na hindi pa ganong kayang gamitin ang kanilang mga kapangyarihan, ang Silver Building kung saan naman tinuturuan ang mga nilalang na may ordinaryong kakayahan/kapangyarihan tulad ng Four Elements, ang Gold Building kung saan naman tinuturuan ang mga nilalang na may dalawang Elements, at ang Platinum Building kung saan naman tinuturuan ang mga Royals/Prinsepe at Prinsesa ng iba’t ibang kaharian at ang mga nilalang na may kakaibang kapangyarihan tulad ng Legendary Elements.
“Okay Class, Good Afternoon. Bago ta’yo mag-start ng class ay meron kayong bagong kaklase,” bati sa amin ni Miss. Elizabeth at may kasama syang isang binata na napaka-inosente ng mukha ngunit may malakas na enerhiyang nagmumula sa kanyang katawan.
“Hi, ako nga pala si Carter Wang. Ikinagagalak ko kayong makilala,” nakangiting pagpapakilala nito habang nakatingin sa aking mga mata.
Itim na itim ang kulay ng kanyang...


buhok na bihira lamang sa makita sa Atheria, kulay lila ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong, may tamang kapal na kiilay, mapula-pulang labi, makinis at maputing balat, may matipunong pangangatawan at hindi mapagkakailang sya’y matangkad hindi tulad ko na kinulang sa height.
Hindi ko maitatangging gwapo sya pero parang may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Yun para bang…… Ah basta!
Dahil sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayang nasa harap ko na pala sya.
“Hi, im Car—”
“Yes, anong kailangan mo? Carter Wang?” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil alam ko namang magpapakilala ulit sya sakin, hindi naman ako bingi para hindi marinig ang pagpapakilala nya kanina.
“Aray!” Daing ko sa sakit ng biglang may bumatok sakin mula sa likuran.
“Ano kaba naman! Wag mo ngang sungitan,” bulong sakin ng katabi kong si Scarlet.
“Pagpasensyahan mo na ‘tong si Prince Morrie ah, may dalaw yan ngayun eh,” nakangiti naman nyang baling kay Carter.
Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil sa sanabi nya, “anong dalaw-dalaw ka d’yan!” Sabay batok sa kanya na kanya namang ikinadaing.
Bumaling naman ako sa lalaking nasa aming harapan, “Anong bang kailangan mo?”
“Maari ba akong maupo dito?” Sabay turo sa bakanteng upuang nasa tabi ko.
“Hindi pwe—”
“Sige lang, maupo kalang d’yang. wala namang nakaupo eh,” bigla namang singit ng kaibigan kong siraulo dahilan upang paputol ang sasabihin ko.
Ngumiti naman si Carter bago naupo at inilagay ang kanyang bag sa gilid ng upuan.
Hayst! Ang bango nya. Ugh!
“Ngayung araw ay magkakaroon tayo ng isang 1v1 Match kung saan susukatin ang inyong lakas, kakayahan, at kapangyarihan,” sambit ni Miss. Elizabeth sa harap at napabaling naman sa kanya ang atensyon ng lahat.
1v1 Match!
“Tumayo ang lahat at tayo’y pupunta sa Serge.” Lahat naman ay tumayo at kanya-kanya silang naglaho papunta sa Serge.
(A/N: Serge.. Isang entablado na nababalot ng barrier para sa dalawang nilalang na maglalaban gamit ang kanilang kapangyarihan.)
“Halika na Prince Morrie,” wika saakin ng kaibigan kong si Princes Scarlet, tinanguan ko lamang sya bilang sagot.
Maglalaho na sana kami papunta sa Serge nang biglang magsalita sa aming gawing kaliwa, “Maaari ba akong sumama sa inyo? Hindi ko pa kase alam kung saan ang Serge.”
“Sige ba! Bakit naman hindi, halika. Humawak ka sa amin,” agad na sagot naman ni Scarlet na tila ba nagagalak. Hayst, ang babaeng ‘to talaga.
Ngumiti naman sa kanya si Carter at humawak sa braso namin ni Scarlet.
Diretsyong nakatingin naman ako sa harap at natulala dahil sa kakaibang enerhiyang nararamdaman ko sa lalaking nakahawak sa aking balikat.
“Huy! Prince Morrie, Tara na!” Natauhan naman ako sa napakalakas na boses ni Scarlet at ipinikit na ang aking mga mata upang maglaho papunta sa Serge.
“Nandito na ba ang lahat?!” Tanong ni Miss sa amin sa malakas na bosea upang marinig naming lahat.
Sumagot naman kami ng ‘nandito na’.
“Kung gayon ay simulan na natin ang 1v1 Match!” Halos lahat ay nagalak dahil sa sinabi ni Miss. at lahat ay tila na excite at hindi na makapaghintay.
To be continued…
Thank you for reading..
Wait for Next Chapter.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top