The Legend of Five Deadly Fox Chapter 2


The Legend of Five Deadly Fox★
Chapter 2: Spirit Sword
~Prince Morrie’s PoV~
NAKATUTOK lamang ang aking tingin sa dalawa kong kaklaseng naglalaban sa loob ng magic barrier.
Isang Witch at isang Ice-User ang magkalaban sa mg oras na ito.
“Sprektus Maidé,” bigkas ng witch na si Helmer sa spell.
Biglang naggapangan ang mga baging ng puno papunta kay Fiona (Ice-User) at tila iginapos ang kanyang katawan, pinaikutan ng mga baging ang buo nyang katawan dahilan upang hindi na sya makagalaw pa.
Dahan dahan namang lumapit sa kinaroroonan nya si Helmer at sinabing, “Sumuko ka nalang, ayokong saktan ang isang binibining katulad mo.”
Sa ‘di malamang dahilan ay biglang ngumisi si Fiona.
“Mukang ikaw ang dapat na sumuko, ginoo.” At nanlaki ang mata ni Helmer at nagulat ang lahat dahil biglang nagkaroon ng yelo ang mga paa ni Helmer paakyat sa kanyang buong katawan.
“Drydiós,” mabilis na sambit ni Helmer sa Spell at agad namang nabasag ang yelong unti-unting bumabalot sa kanyang katawan.
Bakas naman ang gulat nya ng makitang nakawala na si Fiona sa mga baging na gumapos sa kanya kanina.
“P-paanong…”
“Ice Hammer!” Sigaw ni Fiona at isang napakalaking Hammer na gawa sa yelo ang nagmula sa kalangitan at tila pupukpuking pako si Helmer.
“Weldyús Isvel.” Kasabay non ay biglang nabalot ng apoy ang buong katawan ni Helmer dahilan upang matunaw ang malaking Ice Hammer na gawa ni Fiona.
“Spretatiús Grímsól,” muling bigkas ni Helmer sa spell at isang napakatalim na kidlat ang tatama sa kinaroroonan ni Fiona.
Dahil sa napakabilis na pangyayare ay hindi na nagawang ilagan ni Fiona ang matalim na kidlat at ito’y tumama sa kanya, tumilapon ang buo nyang katawan at hindi na nakatayo pa.
Nakakamangha! Ngayun lang ulit ako nakakita ng ganitong labanan.
“Isang napakagandang laban! Ngunit sa huli ay may kailangan paring manalo.” Napalingon ako sa lalaking nagsalita—si Carter.
Nakita ko namang hindi sya nakatingin sakin kaya hindi ko nalamang pinansin ang sinabi nya. Baka mamaya kausap nya lang ang sarili nya.
Matapos non ay nawala na ang magic barrier sa field at kasabay non ay ang pagkawala rin ng mga galos at sugat nila Fiona at Helmer. Thats the power of Magic Barrier, hindi nya lang pinoprotektahan ang mga manonood kung sakaling may lumabas na kapangyarihan, pinoprotektahan nya rin ang mga nilalang na naglalaban sa loob.
“Ang susunod namang maglalaban ay sina…!” Sigaw ni Miss. Elizabeth na ngayun ay nasa gitna ng magic barrier.
Kasabay naman ng kanyang pagsigaw ay ang pagpapakita ng dalawang imahe sa aming harapan.
Hindi na ako nagulat nang makita ang sarili kong muka sa imaheng ipinakitang susunod na maglalaban at ang kalaban ko ay si…..Prince Glither Yu, ang Prinsepe ng Cosmic Kingdom.
“.. Prince Grey Morrie Quinton at Prince Glither Yu, mukang magandang laban ito.” Pagpapatuloy ni Miss. Elizabeth.
~Third Person’s PoV~
Nang tawagin ang pangalan ng dalawang prinsepe ay agad na silang naglaho papunta sa loob ng magic barrier.
Walang emosyon ang makikita sa mukha ng dalawa. Marami naman ang nananabik na makita ang kanilang mga tinatagong kapangyarihan.
“Maghanda!” Sigaw ni Miss. Elizabeth sa kanila at ihinanda naman nila ang kanilang mga sarili, “Simulan na!” Pagpapatuloy nya at agad na syang naglaho palabas ng magic Barrier, naiwan ang dalawang prinsepe sa loob na nag-aabang sa pag-atake ng bawat isa.
“Earth Balls,” unang bigkas ni Prince Glither at napakaraming mga ‘bato’ ang biglang lumutang at isa-isa nya...


itong ipinukol sa kinaroroonan ni Prince Morrie.
Nagtataka naman ang lahat dahil hindi parin gumagalaw sa kinatatayuan nya ang prinsepe at wala parin syang kahit anong sinasambit na spell upang protektahan ang kanyang sarili sa mga batong papalapit na sa kanya.
“Prince Morrie! Kaya mo yan!” Sigaw naman ni Princess Scarlet sa kanyang kaibigan.
Napakarami nang bata ang papalapit sa kanyang kinaroroonan ngunit hindi parin sya gumagalaw at sya’y nakapamulsa lang na para bang walang nangyayare sa kanyang paligid hanggang sa isang bato na ang tatama sa kanyang braso at lahat ng nanonood ay nakatutuk lang ang mga mata sa kanya.
Akala ng lahat ay tatama na kay Prince Morrie ang bato ngunit isang espada na lumiliwanag ng kulay puti ang humati sa batong sana’y tatama sa kanya.
Lahat ay nagulat, namangha at nanlaki ang mga mata dahil sa nangyare maging si Prince Glither ay nagulat sa biglaang paglitaw ng Umiilaw na Espada mula kung saan.
“Isang Spirit Sword!” Gulat at manghang sigaw ng lahat.
(A/N: Spirit Sword… Isang armas o espada na kayang pagalawin gamit ang isip.)
Agad namang pinaghihiwa ng Spirit Sword ang lahat ng bato bago paman ito tumama kay Prince Morrie.
“Sabi ko na nga ba, ikaw lang ang may kakayahang ma-master ang spirit sword,” nakangising sambit ng isang misteryosong nilalang na nanonood ng labanan.
“Lightning Strike!” Agad na sigaw ni Prince Glither sa spell at biglang naging kulay itim ang mga ulap sa kalangitan at isang napakatalim na kidlat ang inilabas nito patungo sa kinaroroonan ni Prince Morrie.
Wala namang mababasang takot, gulat o kaba sa mukha ni Prince Morrie, nakapamulsa lamang sya at nasa harap nya lang ang lumulutang na spirit sword.
Sa isang iglap ay napunta ang spirit sword sa itaas at hinarang ang napakatalim na kidlat.
Tumama ang kidlat sa espasa na tila walang nangyare, hindi man lang nagasgasan ang espasa o nasira dahil sa matalim na kidlat.
Lahat ay namangha, nagulat at nanlaki ang mga mata dahil sa kanilang nasaksihan.
“Gaano ba katibay ang spirit swors na’yon?!” Gulat na wika ng mga ananonood na estudyante.
Saglitan namang nawala ang gulat sa mukha ni Prince Glither at sya’y nagbigkas muli ng spell.
“Meteor Storm!” Kasabay non ay ang pag-ulan ng napakaraming meteor mula sa kalangitan.
Halos yumanig ang buong paligid sa unang pagbagsak ng meteor sa lupa.
Katulad kanina ay ganon parin ang hitsura ni Prince Morrie, na para bang walang nangyayare sa kanyang paligid at parang wala syang kinahaharap na panganib.
Sa pagbagsak ng pangalawang meteor ay diretso ito sa kinaroroonan ni Prince Morrie.
Nagtataka parin ang lahat dahil kahot na alam nyang tatama sa kanya ang meteor ay hindi parin sya umaalis sa kanyang kinaroroonan.
Nang malapit nang tumama sa Prinsepe ang meteor ay biglang napunta sa harapan nya ang spirit swors at naglabas ito ng liwanag na pumalibot sa kanyang katawan.
Bigla namang yumanig ang lupa nang tuluyan nang bumagsak sa kinaroroonan ni Prince Morrie ang meteor, nabalot din nang usok ang buing serge.
Lahat ay nangangamba sa kalagayan ni Prince Morrie kaya nakatutok lamang ang kanilang mga mata sa kanaroroonan nito.
Nakangisi naman si Prince Glither dahil sa tingin nya’y sya na ang nanano.
Isang misteryosong estudyante naman ang nakatingin sa kinaroroonan ni Prince Morrie habang nakangiti at sinabing….,
“Hindi ka parin talaga nagbabago, Fox of Light, Arrius.”
To be continued…
Thanks for reading..
Wait for chapter 3.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top