𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗙𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥𝗦 𝗗𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗗 2𝗡𝗗 𝗗𝗘𝗔𝗧𝗛 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗥𝗬 𝗣𝗔


𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗙𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥𝗦 𝗗𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗗 2𝗡𝗗 𝗗𝗘𝗔𝗧𝗛 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗥𝗬 𝗣𝗔”
siguro karamihan saatin may ibang asawa na mapa nanay o tatay kase ako Aminin ko Oo may ibang pamilya tatay ko
When I was 4y/o nawalan na ako ng tatay sumama siya sa pangalawang asawa niya and kaya rin siguro nag hiwalay parents ko dahil toxic ng mother side ko, ayaw nila nakikita kame umaangat at simula pag ka bata inaapi nila kame BROKEN FAMILY
Habang lumaki ako may mga pangako si papa na minsan sinasabi niya at hindi natutupad pero kaylangan kong tanggapin dahil busy siya sa pag tatrabaho niya at kahit paano nag papadala namin siya saamin ng allowance at panggatos
7yrs old ako nalaman ko na may anak si papa sa ibang babae niya masakit para saakin kase lumaki ako walang tatay, may galit na nag tanimsa dibdib ko pero habang tumatagal nawawala ito
Wala naman kasalanan ang bata na mabuhay sa mundong Ito kaya hindi ko kailangan buntong galit sa kanya
12yrs old ako nakita ko kapatid ko masakit saakin pero nakikita ko naman kay papa na masaya siya kase tanggap namin anak niya well kapatid ko din naman yun were close until now
13yrs old nag Christmas and nag new year kame sa caloocan sa bahay namin and masaya kame kase kumpleto kame mag kakapatid pero si mama at pangalawang asawa ni papa hindi kasama well para saakin ayoko den naman masaktan si mama kapag nakita niya anak ni papa sa ibang babae
14yrs old masaya ulit kame nag pasko sa caloocan at naalala ko sabi ni papa”PWEDE NA AKO MAMATAY KASE NAGPAG SAMA SAMA KONA MGA ANAK KO” and i was shock that time
“Para kang tanga”saad ng ate ko...


sambay hampas sa braso lumaki kase kame na parang barkada papa namin and ganun din gusto ni papa
Masaya kame at huling yakap pasko at halik napala namin kay papa nun
June 2020 tumawag ka trabaho niya papa at sabing pumunta po kayo hospital importante
Kampante kame kase Baka pasuprise ng company nila kase father’s Day my mom and sister sila umalis at tumawag nalang sila saamin nung andun na sila
Sad to say wala na si papa exact date nag chat pa ako kay papa binati ko pa siya pero madayang mundo
And covid days yun kaya bawal mag burol kaya naka cremate si papa 7days den dumating yung results sa covid niya and negative naman siya at sa mismong burol ni papa andun yung Chinese fam namin sa father side and andun din pangalawang asawa ni papa at kapatid ko wala naman mangyari gulo kase nasa kalagitnaan kame ng pag luluksa and 42yrs old nawala tatay ko
Gabi daw uminom pa sila at bigla nalang natumba si papa dati pa namin siya sinasabihan wag ma uminom dahil sa caloocan 8pm to 9am umiinom parin sila and masama sa kalusugan yun and may sakit din si papa hindi niya sinasabi saamin namamaga paa niya kakainom and many people asking about sa old post ko na “I HATE FATHER’S DAY” kase yung araw na yun death anniversary ni papa
At hanggang ngayon at dati pa wala na ako galit kay papa kase wala naman patutunguhan ang isang galit mo sa isang tao, natuto ako mag patawad sa pangaral nila mama at papa
And para kay papa dream niya dati maging chef ako natutupad para sa kanya nun kahit nursing want ko
THE END






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top