Ang White Lady sa Balete


Ang White Lady sa Balete
By: ms_imci (me)
Hayy ano ba’ng p’wede ko’ng gawin? Ang tagal ng walang dumadaang tao dito. Dahil yan sa mga chismosang nagpapakalat ng fake news! Paano ba naman kasi, sinasabi nila na ako daw ang dahilan ng mga aksidente dito sa may bandang balete, duhh kasalanan ko ba’ng tanga at lasing sila? Qiqil niyo ako e.
“Teka tao ba yun?” Sinilip ko pang mabuti ku’ng tama ba ang hinala ko.
Omygoodness! Tao nga salamat Lord, ang tagal ko ng di nakakakita ng mga tao.
“Tabi tabi po, masasamang espiritu layuan niyo po ako.” Saad niya habang papalapit sa tirahan ko.
Dahil hindi naman ako masamang espiritu lumapit ako sa kaniya.
“Hi kuya!” Talon ko sa harapan niya. In fairness ang guwapo niya p’wede ng asawahin.
“Ahh.” Sigaw niya at napaupo pa.
Siguro nagulat siya sa kagandahan ko. Ganda ko talaga. Nakasuot ako ng puting bistida, at nakalugay naman ang buhok ko. No make up pure kagandahan po lamang.
“S-sino ka? M-multo ka ba?” Nauutal niyang saad. Ang cute niya...


no? Nakakafall.
“Oo kyah, ako ang pinakamagandang multo na makikita mo.” Sabi ko at nag-hair-flip. Ganda ko talaga.
“Wahhhh! Multo layuan mo akoooo!” Sigaw niya at nagtatakbo. Pero syempre hinawakan ko siya para di makagalaw, di ko na ‘to pakakawalan no.
“Ouch, di pa nga tayo nagkakalapit pinagtatabuyan mo na ako, sakit naman no’n mahal.”
“Ayan yung anak niyo Mang Kanor!” Saad ng isang lalaki at tinuro ang direksyon namin.
Tatay ba siya ng future husband ko? Meet the parents agad? Ang bilis naman ng galawan nila. Enebe kinikilig ako.
“Anak bakit ka nanaman ba nandito? Hindi mo nanaman ata ininom ang gamot mo.” Saad niya at lumapit sa akin.
“Ha? Nakikita niyo po ako? White lady ho ako tatang.” Paglilinaw ko, iba na talaga ang mga tao ngayon.
“Pasensiya ka na iho ha. Hindi ko kasi namalayan na nakalabas na naman pala to’ng anak ko. Sige mauna na kami.” Saad niya at marahan akong inakay.
Teka ano ba’ng sinasabi ni tatang? Nilalayo niya na ako sa future ko noooo!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top