Ang malambot kong pag-ibig Chapter 7


Pinagpapawisan tuloy ng malamig si Abby, nag aalala siya na baka narinig ni Vince yong pinag uusapan nila ni Kate.
.
Abby ; nako wala yun Vince, ang sabi ni kate may gusto ako sayo—ah hindi, hindi…ano kuwan, ahh nagustuhan ko yong bulaklak mong binigay., gustong gusto ko salamat.(natataranta niyang sabi)
Nanlalamig si Abby sa mga sandaling iyon sa labis na pagkataranta niya hindi na nga niya alam ang sasabihin..
Vince : ah ganun ba, akala ko naman kung ano na.
Ngunit si Kate ay natatawa siya sa isip niya, dahil sa kilos ng kaibigan, at dapat daw na ipaliwanag ni Abby sa kanya ang bagay na tumatakbo sa kanyang isipan.
Abby : may kailngan ka ba Vince? Gusto mo ba ng tubig? Kumain ka pa, madaming pagkain.
Vince : busog na ako, gusto ko naman kayong makakwentuhan, namiss ko yong mga bestfriend ko.
Kate : sige kwentuhan tayo saglit, pero mamaya iiwanan ko na kayo dito kasi kailangan ko ng magpahinga. Alam mo naman si Baby, baka napagod na din.
Vince : No problem kate, nandito naman si Abby.
.
Lumipas ang oras ay nagpapahinga na si Kate, si abby at vince na lang ang naroon na naguusap.
.
Vince : grabe ang bilis ng panahon ano, malapit ng makita ni Kate at Alvin ang anak nila, ilang buwan na lang, may iiyak ng bata dito.
Abby : oo nga..
Vince : magiging ninang na tayo.
Abby : ako lang ang ninang, ninong ka.
Vince : hoy kapag tayong tatlo, ninang ako!
.
Sa isip ni Abby, sarap katusan ni Vince..
.
Abby : oo na sige na ninang ka na, pero ito ang tatandaan mo, mas maganda akong ninang sayo.
Vince : oo na..totoo namang mas maganda ka sakin.
Abby : hays!! Ikaw!!
.
Nagtawanan ang dalawa, ang gusto sanang marinig ni Abby ay sabihan siya ni Vince na.”Maganda ka Abby” “Ang ganda mo Abby” pero hindi ganun ang naririnig niya, kung di “Mas maganda ka sakin abby” naiiling na lang si Abby, bakit daw ba hindi pa maalis sa puso niya ang pagmamahal sa kaibiban, marahil ay sobrang napalapit na siya dito, lalo na lahat ng sikreto ni Vince ay alam na niya, siya rin ang takbuhan hingahan ng mga problema ng kaibigan, pero sa kabila ng lahat ay may nararamdaman pa din siya kay Vince.
.
Vince : Uy, Bi bakit natahimik ka?
Abby : ha wala may iniisip lang ako?
Vince : sino?
Abby : ha, Hindi naman sino, kundi Ano!
Vince : o ano nga?
Abby : hayaan mo na, huwag mo ng alamin, di naman mahalaga yun.
Vince : ay, kadaya naman, samantalang ako, sinasabi ko yong mga problema ko sa kanya, ikaw di mo maipagkatiwala sakin yong problema mo, Bi kaibigan mo ako, nandito lang din ako para sayo.
.
Tumingin si Abby sa mga mata ni Vince, Tinititigan niya ang mapupungay na mga mata ni Vince, Hanggang sa—
.
Abby : Mahal na yata kita Vince, kasi lagi nang nagugulo yong isip ko sayo, naging magulo na yong mundo ko mula ng makilala kita, at nahihirapan na akong itago pa yong nararamdaman ko sayo, Vince mahal na mahal kita.
Vince : Mahal din kita Abby…
.
Shocked si Abby, dahil nilapitan siya ni Vince at dumukwang ito sa mukha niya at dinampian siya ng halik ni Vince, sa wakas ay naramdaman niya ang mga labi ni Vince, at ang minsang dampi ay inulit ni Vince, hinalikan siyang muli sa kanyang mga labi, matagal, at hanggang sa tumutugon na siya sa halik ni Vince sa kanya, sobrang bilis ng tibok ng puso niya, di maawat ang kanyang pusong nagwawala, gaya ng halikan nila ni Vince di maawat, at Hanggang sa—-
.
Vince : Huy Abby, Abby,(malakas na sambit ni Vince) ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo??
.
Ngunit ang eksena na iyon ay nasa kanyang imahinasyon lang pala, Nagbalik sa realidad ang isip ni Abby, gusto niyang sampalin ang sarili, sa kung anong tumtakbo sa imahinasyon niya..
.
Vince : Alam mo Bi nag aalala na ako sayo ha, napapatulala ka na lang diyan.
Abby : h-ha, s-sorry!!
Vince : may problema ka nga talaga, sige na sabihin mo na sakin, mahirap mag kimkim ng problema nakaka baliw.
Abby ; ano nga ba ang problema ko? Wala naman, wala akong problema okay ako, okay na okay ako!(natatarantang sabi)
Vince : hay ito, ayaw magsabi, ano pa at naging kaibigan mo ako, kung ayaw mong ishare yong problema mo, mabuti pa kaya magpahinga ka na muna, uuwi na din ako, maaga pa kasi ako bukas sa trabaho.
Abby : sige, mag iingat ka?
Vince : Salamat.
.
Tuluyan ng naka alis si Vince, samantalang siya ay naroon pa sa Garden, sobra ng ginugulo ng puso niya ang isip niya, nag aalala siya na baka dumating yong araw na maibubuking niya ang sarili kay Vince, kung hindi siya nag-iingat, at hanggang sa paglipas ng mga araw, buwan nagsimula si Abby na magtake ng Culinary course, gaya ng sinabi niya ay gusto niyang maging isang magaling na Chef, bihira na silang magkita ni Vince, dahil si Vince ay sobra na itong abala sa trabaho nito bilang TV Personality, isa na itong News Anchor, madami ding nag ooffer kay Vince ng pag momodel dahil sa good looking man ito, may magandang pangngatawan, na talaga naman Complete package, kaya naman madali itong napansin, sumikat dahil sa angking kagwapuhan, at syempre matalino din.
.
Kate : Ang Swerte naman ni Vince, ayun at sikat na agad.
Alvin : Eh kung hindi lang sana sa kalagayan mo, sana isa ka na ding sikat.
Kate : sweetie, hindi mahalaga sakin ang pagsikat, ang mahalaga lang sakin ay ikaw at ang baby natin na konting panahon na lang ay masisilayan na natin siya.
Alvin : oo nga sweetie, sobrang saya ko sweetie, salamat ha..
Kate : nagpapasalamat ka na naman, ako nga ang dapat magpasalamat sayo, dahil hindi mo ako pinababayaan, lagi kang naka alalay sakin, sa amin ng baby,(sabay himas sa kanyang tiyan)
.
At Hanggang sa lumipas pa ang mga araw ay nailuwal na nga ng kaibigan ni Abby na si Kate ang panganay na anak nila ni Alvin.
.
Abby : Ang cute naman, pakarga naman ako sa cute na baby na yan.
Vince : ako din pakarga ako.
Abby : Hey, ladies first ano.
Vince : Bakit lady naman ako ah.
Abby : Tse, mas maganda naman ako sayo!!
Kate : Hoy kayo...


ha, huwag ninyong pag agawan yong baby namin.
Alvin : hayaan ninyo, gagawa ulit agad kami ni Kate, para tig isa na kayo.
Kate : kelan ba sweetie, ngayon na ba.
Abby : hay grabe sila, ah basta ako muna ang mauunang kumilik sa baby.
Vince : sige payag na ako.
.
Nagtatawanan na lang silang magkaibigan, si Abby at Vince ay libang na libang sa anak nila Kate at Alvin.
.
Abby : sana may ganito na din akong baby na cute na cute.
Vince : O di mag asawa ka na, para magkaroon ka na ng baby.
Abby : Hindi ako mag aasawa.
Vince : aba eh paano kang magkakaroon ng ganyang baby, kung di ka mag aasawa.
Abby : Basta.
Vince : ako din yata, Parang naiingit ako kay Kate, gusto ko na ding magbuntis—
.
Nagulat si Vince dahil binatukan siya ni Abby.
.
Vince : Aray ko naman!!
Abby : May Matris ka?(nakatawang sabi)
Vince : meron, hindi pa nga lang fully develop!
Abby : Baliw ka!!
.
Napuno ng mga tawanan sa loob ng private room ni Kate, dahil sa mga biruan nilang magkakaibigan, natigil lang ang tawanan nila ng pumasok ang doktor. Masayang masaya ang mag asawang Alvin at Kate dahil matatawag na talaga silang isang pamilya..at sa paglipas ng mga araw buwan at sumapit ang araw na pagbibinyag ng anak ni Kate at Alvin, gaya ng kanilang napag usapan, ninang at ninang ang dalawa na sina Abby at Vince, at ganun din ang mga barkada ni Alvin.
.
Brando : sa wakas, mag kumare na kami ni Abby.
Marlon : oo nga, mukhang gumaganda si Abby.
Abby : ay hindi naman po sir Marlon.
Brando : oo nga eh, paganda ng paganda.
Abby : sir brando naman, ayan na naman po kayo, binobola na naman po ninyo ako.
Brando : aray ko, ang sakit kapag may sir, po at opo, pakiramdam ko talaga sobrang tanda ko na.
Alvin : meron kasing pinagpapagandahan si Abby.
.
Si Brando ay dating Crush na crush ni Abby, pero ngayon parang naglaho na ang crush niya, marahil daw noon ay batang isip pa siya, kaya nararanasan niya ang pagkakaroon ng Crush, pero ngayon yong nararamdaman niya para kay Vince ay masasabing hindi iyon crush, kundi isa na iyong pagmamahal, sa kabila ng alam naman niya na binabae ito, hulog na hulog na ang puso niya sa baklang kaibigan..
.
Kate : Abby, may Problema na naman siguro yang kaibigan nating yan, tingan mo mukhang aburido.
Abby : mukha nga.
Kate : puntahan mo siya Abby, ikaw muna ang bahala sa kanya, madami pa kaming iistimahing bisita
Abby : sige Kate.
.
Nilapitan ni Abby si Vince..
.
Abby ; Bakit mukhang problemado na naman ang sikat?
Vince : Sana nga hindi na lang ako naging sikat, lalo na ngayon, madami ng nakabantay, nakasubay, madaming nakamasid.!!
Abby : Isa lang naman ang sulusyon sa problema mo, ipakita mo kung sino ka talaga.
Vince : hindi ganoon kadali Abby.
Abby : huwag kang matakot, nandito naman kami sa likod mo parati.
Vince : alam mo Bi, masaya ako na nakilala kita.
.
Nakaramdam ng tuwa ang puso ni Abby sa sinabi ni Vince.
.
Vince : Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko kayo ni kate, mabuti pa kayo tanggap ako, pero ang sarili kong magulang ay hindi nila matatanggap ang isang kagaya kong pusong babae.
Abby : hindi ka naman kasi mahirap tanggapin, Mabuting anak ka, mabuting kapatid, mabuting kaibigan, kaya hindi ka mahirap tanggapin.
Vince : oo para sa inyong mga kaibigan ko, pero ang ibang tao hindi, magulang ko nga isinuka si Kuya, kaya magagawa din sakin ni papa yun.
.
Naging duwag si Vince sa kanyang papa, ayaw nya daw kasing maranasan yong ginawa ng papa niya sa kuya Andrei niya. Nagpasya ng umuwi si Vince, dahil naaabala na na naman niya ang kaibigan,,dahil konting oras na lang ay umaga na. Nahiling ni Vince na sana ay wala na daw si Natalie sa kanilang bahay, at nang dumating nga siya sa bahay nila ay wala na roon si Natalie, mabilis na siyang pumasok sa kanyang kwarto, at sa paglipas ng araw ay mas abala na si Vince sa trabaho, madlang na siyang nauuwi ng kanilang bahay na pinagpapasalamat niya.
.
Abby : Vince!!!
Vince : hi!!
.
Lumukso na nman ang harot na puso ni Abby, nag aabang si Abby ng masasakyan ng biglang huminto sa tapat niya ang kotse ni Vince.
.
Vince : saan ang punta mo? halika sakay ka na.
Abby : pauwi na ako, kakatapos lang ng klase ko.
.
Bumaba si Vince at ipinagbukas nito ng pinto si Abby.
.
Vince : Sakay na.
Abby : salamat.
.
Agad namang sumakay si Abby, gaya ng dati ay nag unwind muna ang magkaibigan.
.
Abby : iba na ang sikat, hectic na sa mga schedule.
Vince : mainam nga yun eh, para makaiwas na din ako sa bahay, ikaw kumusta na?
Abby : ayos lang naman, gaya pa din ng dati.
Vince : madami ka na sigurong alam iluto.
Abby : syempre naman, gusto ko yong ginagawa mo kaya heto, nagpapakadalubhasa.
Vince : sana minsan ipagluto mo naman ako, gusto ko yong pinaka masarap.
Abby : sure.
Vince : alam mo namiss kita Bi.
.
Gumuhit naman ang mga ngiti sa labi ni Abby.
.
Abby : namiss din kita.
Vince : alam mo minsan mag stroll ulit tayo, o kaya naman out of town.
Abby : pwede din, kaso hindi ako sigurado sa mga schedule ko, pa iba iba kasi kami ng schedule.
Vince : ganun din kaya ako, basta saka na lang nating pagpalanuhan, gusto ko din makapag relax kasama ang bestfriend ko..
.
Nakaramdam ng lungkot si Abby dahil sa isiping hanggang bestfriend lang sila ni Vince..
.
Vince : oh bakit may problema ba?
Abby : wala naman, bakit mo ba nasabing may problema ako.
Vince : wala parang nakita ko kasi sa mga mata mo eh.
Abby : ganun ba, hindi na baleng problema yong nakikita mo sa mata ko at hindi muta.
.
Nagtawanan silang magkaibigan, samantala naman, may mga mata na nakamasid sa mag kaibigan, nanliliit ang mga mata nito at tila nanlilisik, sinasamaan ng tingin ang dalawang magkaibigan,, at hanggang sa nagulat si Abby nang biglang sumulpot sa harapan nila ang isang babae, sosyal ang pananamit nito, sopistikada ang dating, mukhang mataray at mababakas din na mayaman ang babae..
.
Itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top