When a Single Mom meet the HOT CEO Continuation of Chapter 9


Kate’s POV:
Nanghihina akong humiga sa kama nang bumalik ako sa kwarto.
Sinara ko na rin ang pinto para wala na munang umistorbo sa akin.
Hindi ko akalain na masasaktan ako ng husto, nung malaman ko ang dahilan kung bakit ganito ang trato ni David sa amin.
Kapareho niya ng ugali ang ex-boyfriend ko.
Binibigyan nila ako ng motibo, at alam ko na sa huli, iiwan din nila ako.
Nakakatawang isipin na hanggang ngayon, sariwa pa rin ang sakit na dinulot ni Derick sa akin.
Sakit na kailanman hindi na mabubura.
____
Flashback:
“Ano pala ang sasabihin mo, Kate? Bakit parang atat na atat kang makausap ako?”,
“–Ang dami ko pa naman na ginagawa sa opisina.”, sambit ng binata nang magkita kami sa restaurant.
Talagang kinulit ko pa siya na makipag-meet sa akin dahil gusto kong isurprise siya tungkol sa magiging anak namin.
“I’m pregnant, love. Three weeks pregnant.”, diretsa kong turan na walang paligoy-ligoy.
My man is actually handsome.
Kaya masasabi ko talaga na ang saya ko dahil naging jowa ko siya.
“Wait, seryoso ka ba?”, he replied.
“Oo, nagpacheck-up ako kanina. Isang buwan na kasi akong hindi dinatnan kaya inalam ko na agad. Alam nating dalawa na may nangyari sa atin, diba?”, nakangiti kong wika.
“But Kate, hindi pa ako handa. I mean, look, malapit na akong mapromote sa opisinang pinagtatrabahuhan ko. Kaya kapag nalaman nila na magiging ama ako, tiyak maapektuhan ang promotion ko.”, tugon niya na ikinalungkot ko.
“P-pero, sabi nila, swerte raw ang mga buntis.”, muli kong sambit.
But he just hold my hand at bahagya itong dinampian ng halik.
“Love, I hope you understand my situation. Mahal kita, pero mahal ko rin ang trabaho ko.”, seryosong sabi niya.
“W-what do you mean, by that?”, nauutal kong tanong.
“Gusto kong ilihim muna natin ‘to. H’wag mong ipagsabi sa mga kakilala ko na buntis ka at nabuntis kita.”, litanya ng binata.
“Ginusto natin...


‘to, Derick. Kaya hindi ko mapagbibigyan ang gusto mo.”, madiin kong sambit.
Pinaparating niya kasi sa akin, na itago namin ang bata.
At sa madaling salita, kinakahiya niya ito.
“Hays. Hindi mo kasi ako maintindihan, Kate. Malaking pera ang makukuha natin kapag na-promote ako. And once na maging president ako, magiging maganda ang buhay nating dalawa. I’m not doing this just for my own sake. But I’m doing this for our future.”, wika niya para malinawagan ang isip ko.
Kung sabagay, he has a point.
Kaya kahit mahirap, pumayag ako sa gusto ni Derick.
Nilihim namin ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Naging okay naman ang relasyon naming dalawa. Nabibigay niya ang mga pagkain na paborito ko.
At isang buwan ang tinagal, ay tuluyan na siyang na-promote sa trabaho.
Akala ko, ‘yon na ang huling beses na pagtitiis ko na tumago sa mga pamilya at kaibigan niya.
But I was wrong, dahil lalong naging malala ang lahat.
“Aalis ka?”, naiiyak kong tanong.
“Kailangan eh. Malaking kliyente ang tatagpuin ko sa Canada. And I need to go there.”, pagsasaad nito.
Nalulungkot ako, kasi mawawalay kami sa isat-isa. Masyadong malayo ang Canada kaya sa tuwing iniisip ko ‘to, ang daming negatibo ang pumapasok sa utak ko.
“Love, hindi ako magtatagal do’n. So please wait for me. Hayaan mo, pag-uwi ko, magpapakasal tayong dalawa.”, pagpapangako niya.
‘Wait for me.’
Umasa ako sa katagang ‘yon.
Pero umabot ng ilang taon at hindi na siya bumalik pa.
Masyado s’yang sinungaling!
Kahit pagpadala ng pera, wala akong natanggap mula sa kanya.
And I hate him.
Kinamumuhian ko ang taong ‘yon!
END OF FLASHBACK…
____
Naramdaman ko naman ang pagpatak ng aking luha, kaya marahan ko itong pinunas.
Kahit anong gawin ko, nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko ‘yon.
Kaya yung mga pinapakita ni David sa akin ngayon, alam kong hindi totoo
Dahil nakikita niya lang sa mukha ko ang dati n’yang minahal.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top