CRAZY EX-WIFE CHAPTER 23


– MARK-
Naninibago ako kay Jane. Wala yata syang sumpong ngayon. Umaga palang nakangiti na. Ano kayang nakain nito?
” Mark umupo kana dito. Sabayan mo kami ni blessy kumain. Pinagluto ko kayo ng masarap kaya hindi ako papayag na hindi nyo to matikman”
” Mukhang masarap yan ah. Sige dito ako kakain. Anak, ikaw magaling kana ba?”
” Okay na p0 ako papa. ” May problema siguro ang anak kong ito. Kahapon pa sya tahimik at malungkot. Masyado na siguro syang stress sa pag-aaral nya ”
” Nak, hindi mo naman kelangan ibuhos lahat ng lakas mo sa pag-aaral. Sapat na yung makapasa kalang. Wag kang mapressure ha? Proud parin naman ako sayo kahit anong mangyare dahil anak kita. Ikaw lang ang nag-iisa kong prinsesa”
” Nako! Anong kailangan makapasa lang? Kelangan sya yung pinakamagaling! Wala pa ngang nauuwing award yan dito e! Ganyan talaga ang nag-aaral nagpapakahirap para sa pangarap! ”
” Jane ang bunganga mo! ”
” It’s ok pa.. una na po ako. See you later pa! ”
” I-I’m sorry. A-Ang gusto ko lang naman Mark maging idulo ka nya. ”
” Wag mong pilitin yung bata kung hanggang don lang talaga ang kaya nya! Nuon hinihigpitan ko sya sa pag-aaral dahil sa mga kaibigan nyang masama ang impluwensya sa kanya pero ngayon, wala narin syang kaibigan alam ko sinusubukan nya naring gawin yung best nya kaya suportahan mo nalang sya ”
” O-ok sorry ulit .. ”
” Tapos nakong kumain Jane salamat sa paghanda mo. Ako na hahatid sa kanya sa school ”
” P-pero may sasabihin pako sayo —–”
” Saka mo na sabihin yan .. Una nako. Bye!”
” Blessy sumabay kana sakin ako na hahatid sayo ”
” Pa kamusta po ang trabaho nyo? Stress p0 ba kayo? Wag po kayo masyadong magpapagod ha? ” Nakakagaan ng damdamin ang pag-aalala nya sakin. Malambing na sya sakin nuon pa pero ngayon mas concern na sya sakin.
” Alam mo naman kahit na stress ako sa lahat ng bagay makita lang kita pakiramdam ko, wala akong hindi kakayanin.”
” Pa okay napo ang pag-aaral ko dahil good influence na po yung mga kinakaibigan ko ngayon. Si Reyden matalino po sya. Tinutulungan nya po ako sa lahat. Palagi nya rin pong sinasaway yung ugali kong ayaw nya. Nakaka guilty lang po pa kasi, nung una inaway ko po sya mabuti naman po pala talaga syang tao. ” kinakabahan ako sa pinagsasabi sakin ng anak ko ngayon ah. Para akong matutuwa na hindi. Yung ekspresyon nya habang nagsasalita parang inlove sya e.
” Gusto mo ba ang Reyden na yan ?”
” H-Ha? P-pa kaibigan ko lang po sya ” nagugulat pa sa mga tanong ko. Inlove na nga yata ang anak ko. Dalaga na si blessy kaya natural lang na magkagusto sya sa isang tao at ligawan din sya pero hindi ako handa. Ayaw ko syang saktan nang kahit na sino.
” Hanggang magkaibigan lang ba talaga tingin mo sa kanya? Pano kung ligawan ka nya sasagutin mo?”
” Papa talaga napaka prangka! Advance mag-isip!”
” Kelan ko pa iisipin kapag sinaktan kana ng lalaking yan. Yung ibang lalaki dyan loko-loko ha! Kala mo mabait sa una tapos sa huli sasaktan kalang. Kung may gusto ka sa kanya, hanggang don lang yon, bata kapa. Hirap talaga magkaron ng babaeng anak kaya unawain mo ako ”
” Papakilala ko sya sa inyo pa.”
” Ayoko. Saka mo na ipakilala kapag graduate kana ”
” Pa naman e! Antagal pa non! ”
” Sandali lang anak, may tumatawag sakin. ” Tumigil muna ako saglit sa pagmamaneho para tingnan at sagutin kung sino ang tumatawag . Kinuha nga pala ng police na ito yung number ko para mabalitaan nya agad ako .
” Hello Sir good morning ! ” Umaasa ako na baka tungkol ito sa kaso ni lorraine
” Sir, muntik na ho ba kayong nakabangga? May nagrereklamo po kasi sa inyo dito baka pwedeng sumaglit muna kayo dito sa presinto ngayon?” Nabigla ako sa sinabi ng pulis. Hindi ko akalain na magrereklamo pa pala yon ..
” What’s wrong pa?”
” W-wala. Hatid na kita may pupuntahan pako ”
Bago ako pumunta sa trabaho sumaglit muna ako sa presinto. Kailangan ko itong puntahan dahil kaso ito kapag binalewala ko.
” Andito kana pala Sir Mark pasok na p0 kayo sa loob kanina pa po kayo hinihintay ni madam ”
– Lorraine-
Tahimik lang ako habang naghihintay at patingin-tingin sa relo ko dahil natatagalan ako sa pagdating ng nireklamo ko. Darating pa ba yon? Kung sa bagay naman kase, hindi naman talaga malaking kaso to lalo nat hindi naman napano yung muntik nya ng masagasaan .
” Ma’am andito na p0 si Sir”
” Ahh ye—-” kinain ko ang sasabihin ko nang makita ko si Mark na ngayon ay titig na titig din sakin at nagtataka kung...


bakit ako ang nandito. Nagtataka sya kung bakit ko sya nireklamo e hindi naman ako yung muntik nya nang masagasaan
” L-Lorraine?”
” Ahhmm.. I-I have to go! Kalimutan nyo nalang yung pinunta ko dito. ” Kinuha ko agad ang bag ko dahil nataranta ako ng malaman kung sya yon. Nakita nya na si Reyden ? Ilang beses na ba silang nagkita nang hindi nila nalalaman ang relasyon nila sa isat-isa. Bigla nalang ako nakaramdam ng kaba . Nagmadali akong maglakad dahil sinusundan ako ni Mark
” Lorraine sandali! Mag-usap muna tayo”
” Nagmamadali ako Mark.. pasensya kana talaga ”
” Bakit ka andito? Ano mo ba yung muntik ko nang masagasaan?” Nanlaki ang mata ko ng bigla nalang syang nasa harapan ko at yan pa ang itatanong. Wala na sanang masama kung malaman nyang anak nya si Reyden kaya lang galit sa kanya ang anak namin at ayokong magalit din sakin ang anak ko.
” W-wala! A-anak nang kaibigan ko! Umalis ka dyan Mark!”
” Marami pakong itatanong sayo. Dun tayo sa walang makakarinig ”
” Hoy san moko dadalhin? Nagmamadali nga sabi ako! Hinihintay ako ni Alex ” lumuwag ang hawak nya sa kamay ko ng mabanggit ko si Alex pero hindi nya parin ako binitawan . Para bang ayaw nya na akong paalisin talaga ngayon.
” Mark nasasaktan ako! Ano bang problema mo? Kalimutan mo na na pinatawag kita dito nag-aalala lang yung magulang nung bata pero don’t worry sasabihin ko hindi mo lang sinasadya at mabuti kang tao ”
” Lorraine totoo ba? Sagutin mo ako ng maayos at yung totoo lang !”
Napakaseryoso ng mukha nya habang nakatitig sakin. Nakakapanghina.
” A-ang alin?” Bumilis ang tibok ng puso ko
” Totoo bang, pinatay ang mga magulang mo ? Hindi naman talaga sila namatay lang sa sakit gaya nang sinabi mo sakin? ” Nabigla ako sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata para hindi nya ako pag isipan
” A-anong sinasabi mo? San nanggaling yan?”
” Totoo rin ba na, ginahasa ka?”
” Hindi ko alam ang sinasabi mo Mark! Ano bang mga tanong yan?!” Nagagalit ako sa kanya pero deep inside umiiyak ang puso ko sa sakit.
” Nabaliw ka? Hindi lang isang beses? ”
” Kalokohan yan Mark! Bakit naman ako mababaliw? ”
” Last time na nabaliw ka because of me? Because of our son? Totoo ba? Ha?” Nakikita ko ang sakit sa mga mata ni Mark . Totoo ba tong nakikita ko sa kanya? Dibat wala narin syang pagmamahal sakin. Nararamdaman ko narin ang mga luha sa gilid ng mata ko at gusto na nitong pumatak pero tumingin ako sa taas para hindi bumagsak
” Lorraine sumagot ka! ”
” H-hindi totoo yan !! Kung sino man ang nagsabi sayo nyan umiimbento lang sya! ”
” Lorraine hindi nagsisinungaling ang mga papel na to! ” Hinagis nya sakin ang mga records ko sa hospital nila Lara . Nasa harapan ko na ang ebidensya at kahit anong sabihin ko hindi maniniwala si Mark
” Ano naman ngayon? Ano naman ngayon kung totoo lahat ng yan diba?!” Nagtapang-tapangan parin ako kahit sakit na sakit nanaman ako ngayon. Gusto ko nang ilabas ang mga luha ko . Mga luhang gustong-gusto nyang makita sakin. Masaya kasi sya na nalulungkot ako e
.
” Bakit hindi mo sinabi sakin to? Sana natulungan kita noon! ”
” Tulong? Mark hindi ko kailangan ng tulong! Alam mo kung ano ang kailangan ko nuon hanggang ngayon? Peace of mind! Kaya please? Wag mo na akong guluhin! Mag move on ka narin dahil ayaw ko ng maalala yan! ”
Niyakap ako ni Mark kaya hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tinulak ko sya palayo sakin.
” Pagmasdan mokong mabuti! Tingnan mo kung pano ako umiyak dahil nasasaktan ako! Diba ito naman gusto mo? Ang malungkot ako? Ito na Mark! Totoong pinatay ang mga magulang ko sa harap ko at ginahasa ako ng mga demonyong tao! Nabaliw ako! Oo hindi lang isa kundi dalawang beses dahil namatayan ako ng anak! Nabaliw ako kasi akala mo masaya ako! Nabaliw ako dahil iniwan moko! ”
” Lorraine hindi ko alam! Hindi mo kasi sinasabi sakin lahat kaya hindi kita maintindihan. Ngayon lang naging malinaw sakin lahat. ”
” Akala ko kahit hindi ako magsalita alam mo ang nasa puso ko dahil sa ganon moko sinanay. Umasa ako sayo, nagtiwala, minahal kita Mark hindi lang dahil kailangan kita kundi dahil hindi ko alam kung pano ulit mabuhay kapag wala ka. Hindi mo alam lahat yon dahil sumuko ka at wala ka ng magagawa pa!”
” Bibigyan ko ng hustisya ang mga magulang mo Lorraine . Bubuksan ko ulit ang kaso. Patawarin moko . ” Sinubukan nya ulit lumapit sakin pero hinarang ko agad sya.
” W-wag mokong lalapitan! May pamilya kana.. ayaw ko ng gulo. Maayos na ang buhay ko at wag na wag mo na ulit bubuksan ang kasong yan dahil ayaw kong maranasan ng iba ang mga pinagdaanan ko. Naiintidihan mo Mark? Ayoko! “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top