PONTEVEDRA


PONTEVEDRA

Genre: Dunno

“Alvara, tama na yan, matulog ka na,” paalala ni Nanay.Tinanguan ko lang ‘to at itiniklop ang libro pang akademya kasunod nun at ang pagbagsak ko ng aking katawan sa kama.”Haah! Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko sa maghapong gawain,” bulong ko sa sarili kasabay ng pagpikitng aking mga mata.———Napamulat ako ng mata sa hindi malamang dahilan. Dalidali kong kinuha ang aking teleponong cellular at tingnan ang oras..Alas-dos ng madaling araw.Kinusot-kusot ko ang mata ko, mabalis napabangon ako ng makitang madilim sa silid ko. Hindi ko naman ugali ang patayin ang ilaw dahil takot ako sa dilim.Mabilis kong kinuha ang teleponong cellular at binuksan ang flashlight, tumayo ako para isindi muli ang ilaw kasunod ng pag balik ko sa higaan upang matulog sanang muli.”Alessia, hindi ka ba papasok ngayon?” tanong ng kung sino.Muli kong iminulat ang mata ko at tumambad sa akin ang hindi pamilya na magandang babae.”Sino ka? A-anong ginagawa mo sa kuwarto ko?” mabilis na tanong ko dito.Kumunot ang noo nito at ngumiti. “Magaling ka na sa lagnat, Alessia. Pero sige, mukhang tinatamad ka at nasobrahan sa mga nobela. Ako si Mara Sebastian, kaklase, kaibigan at kasama mo sa tinutuluyan mo, at isa pa hindi lang sayo ang kuwarto na ‘to,” natatawang wika nito.”Hindi ako si A-alessia, Alvara ang pangalan ko.” wika ko dito at tumayo.Iniabot nito sa akin ang mahabang damit, uniporme daw namin. Nang matapos ako sa pagligo ay hinila ako nito at inayosan ng buhok..lahat ng gamit rito ay makaluma..maliban lang sa teleponong cellular.Nang matapos ako nitong ayusan ay pumasok na kami sa paaralan kuno namin, ihinatid pa ako nito sa klase na nakasanayan na daw nya.Nang matapos ang lahat ng klase para sa umaga ay mag isa akong nagpunta sa kantina, na syang ipinagtataka ko ng lubos dahil pamilyar sa akin ang lugar..pero buong buhay ko ay hindi ko pa napupuntahan ang lugar na ‘to..at wala akong nakilala sa mga taong nakakakilala sa lugar na ‘to.”Alessia! Samahan mo nga ako sa banyo,” pag aaya ni Mara sa akin na sinang-ayonan ko din naman. “Grabe yung profesora namin kanina, napakahigpit nya..ay teka, hindi ka ba iihi? Bawal ang lumabas mamaya sa klase,” paalala nito.”Sige, hintayin mo nalang ako sa kantina,” wika ko dito at pumasok da loob ng banyo.Narinig ko ang muling pag bukas at sara ng pinto, hudyat na nakalabas na ang di kilalang babae. Nang matapos kong gawin ang dapat ay nagpunta ako sa harap ng salamin..tinignan ko ng maigi ang mukha ko..o mukha ng nagmamay-ari ng katawan na ‘to.”May pagkakahawig nga tayo..pero hindi ko talaga kilala ang babaeng nasa harap ko,” turan ko sa sarili. “Mukha akong baliw. Kinakausap ko ang aking sarili sa harap ng salamin,” natatawang dugtong ko.Matapos kong maghugas ng kamay ay muli kong sinulyapan ang bago kong mukha..hindi talaga sya pamilyar.Nangbuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang isang patalim na hawak ng isang lalaki.”Pumasok ka ulit sa loob Kung ayaw mong mawalan ng buhay!” sigaw nito.Wala sa sarili kong sinunod ang lalaki. Isinara nito ang pintuan at may kung anong hinanap sa kanyang bitbit na bagahe..isang bomba.”T-teka, manong, ano gagawin nyo dyan?” natatarantang tanong ko dito.”Dito ka! Kung mamatay ako, mamatay din ang nasa paaralan na ‘to! HAHAHAHA!” isang nakakakilabot na tawa ang pinakawalan nito kasunod nun ay ang pagsindi nito sa hawak nyang bomba. “Kasalanan ng mga guro dito kaya namatay ang anak ko..ang nag-iisang babae sa buhay ko. At ikaw! Ikaw ang unang magiging biktima ng bomba na ‘to!” huling salitang narinig ko bago ang...


nakakabingin pagsabog.Hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyari..basta ang alam ko lang ay wala akong nararamdaman na kirot..mabilis akong tumayo at lumabas ng banyo.”Saan ka magpupunta? Tingin mo matatakasan mo ang kamatayan?” tinig ng isang babae ang syang muli kong narinig. Mabilis ko itong hinarap..tumambad sa akin ang mukha ng isang babae na sunog ang mukha..nakakakilabot ang kanyang hitsura. “Huwag kang matakot sa akin, dahil kagaya ko, ay sunog din ang mukha mo. Sumunod ka sa akin,” utos nito.Dahil sa takot ay wala sa sarili ko itong sinundan. Habang patagal ng patagal, ang mukha nito ay naging maamo at nawala ang mga sugat mula sa sunog.”Saan tayo pupunta?” hindi ko matiis ang hindi magtanong.”Sa lugar kung saan nararapat ang mga patay na gaya mo.” sagot nito.Patay? Hindi pa ako patay..”P-pero..hindi pa ako dapat mamatay, may mga pangarap pa ako.” naibulong ko sa sarili ko.”Nais mo bang mabuhay muli?” tanong nito, mabilis akong tumango dito. “Kung ganon, sundan mo lang ako.”Sinundan ko lang ito ng sinundan hangang sa tumigil kami sa isang puno..normal na puno.”Ano ‘to? Mukha ba akong nakikipagbiroan?” tanong ko sa babae.”Kung yun ang sa tingin mo, binibini.” boses na nangagaling sa itaas ng puno. “Mga babae nga naman. Masyadong reklamador.” dagdag nito.”Bumababa ka dyan, Jacob.” sabat naman ng babaeng kanina ko pa kasama. “Sya si Alessia. Ang kokumpleto sa inyo upang maisilang kayong muli.” seryosong sabi ulit ng babae.”May bago ulit?” isang maliit na tinig ang nagmula sa likod ko..teka, sya si Sony! “Ako si Clara.” pakilala nito.”Hindi ko maintindihan..” naibulong kong muli.”Wag mo nalang intindihin. Pumasok ka na lang sa pinto na ‘yan,” itinulak ako ng Jacob papasok sa isang kulay puting pinto. “Hangang sa muli, Alessia.” wika nito kasabay ng pagsara ng pinto.”Ha? T-teka!” sigaw ko sa kawalan.”Sundan mo lang ang puting ilaw, mahal ko,” isang boses ng babae ang syang narinig ko.Kita ko dito ang isang maliit na ilaw..halatang malayo. Gaya ng sinabi ng boses ay sinundan ko lang ito, patagal ng patagal ay palaki ng palaki at lalong magliliwanag ang paligid..”Ms. Garcia! Oras ng klase ko ay natutulog ka?” si Ma’am. Teka? Nakabalik na ba ako? Ako na ba ulit si Alvara at hindi si Alessia?”M-ma’am? Ma’am!” natatarantang wika ko sa babae.”Ako nga. Ano? Masarap ba ang matulog ha? Nakakahiya ka. Kababaeng tao natutulog sa oras ng klase, hindi ka na nahiya sa katabi mo.” panenermon nito.Nilingon ko ang kanan ko at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.”Jacob?!” gulat kong tawag ko dito.”Liam, hindi ako si Jacob.” masungit na sagot nito. “Pero buti nalang at natatandaan mo pa ako, Alessia,” dagdag nito at ngumiti.Mabilis na lumipas ang oras..uwian na. Dali-dali akong nagpunta sa bahay at hinanap ang libro tungkol sa pamilya namin…lahat ng naging parte at history ng pamilya ng Pontevedra ay nakatala sa libro na iyon. Agad ko din naman itong namataan dahil sa laki at kapal ng libro..ALESSIA PONTEVEDRA Diciembre 15, 1896- Septiembre 12, 1915Nanlakiang mata ko sa nabasa. Sya ba ang kapatid ng Lola ng Nanay ko?”Alvara, hindi ko alam na naging interesado ka dyan. Nakikita mo ba ang litrato na ‘yan? Sya ang Lola Alessia mo. Namatay sya sa labing-siyam na taong gulang dahil sa pagsabog ng kanilang paaralan..may naging nobyo nga sya eh. Nakalagay din ang litrato nga lalaki, subalit nauna ng isang taon mamatay si Jacob bago ang Lola Alessia mo. Kamukha mo nga sya, nakakatuwa hindi ba?” pagkukuwento ni Nanay. Na lalong nagpalaki ng mga mata ko. “May bisita ka sa baba. Liam daw ang pangalan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top