THAT NERDY GUY IS NOW MY BOSS KABANATA 9


“ALIS,” malamig na ani ni Andrius kay Micah ngunit hindi agad ito nakuha ng dalaga.
Narinig niya naman ang sinabi ng binata subalit parang nabingi siya dahil sa sobrang pagkatulala.
“H-ha?,”
“Umalis ka may kukunin ako” malamig na sabi Andrius dahilan para maibalik sya sa tamang pagiisip.
“Ay sorry soryy!,” Sabay layo niya sa table.
Naikagat niya ang sariling labi at napapikit dahil sa sobrang kahihiyaan. Ano ba ang iniisip niya kanina? Hahalikan siya? Aish, Gumising ka nga Micah!
“Are you even listening?,”
Naibalik lang siya mula sa malalim na pagiisip dahil sa untag sa kaniya ng lalaki. Kanina pa pala siya nito kinakausap ngunit hindi siya nakikinig.
“Ay sorry po, m-may..may sinasabi po kayo?, hehe” napapahiyang ani ni Micah.
“Tsked,” singhal ni Andrius at napasandal na lang sa kaniyang table. Pinagcrossed-arm ang dalawang braso at walang emosyong tinitigan si Micah.
“Sabi ko, ituloy mo na ang paglilinis mo,” kalmado ngunit may lamig na sabi ni Andrius habang nakasandal sa lamesa at nakapamulsa.
“A-ah hehe, opo opo, sabi ko nga maglilinis na ako,”
Ramdam ni Micah ang bawat tinging ipinupukol sa kaniya ng lalaki habang naglilinis. Naco-conscious tuloy siya sa kaniyang damit. Feeling niya masyado itong maiksi at daring.
“S-sir? May kelangan po kayo sa’kin?,” lakas loob na harap niya sa boss.
“Nothing,” sagot nito pero hindi pa din inaalis ang tingin sa kaniya.
Napalunok siya saka ulit tumalikod at nagsimulang maglinis. Pinalubo niya ang kaniyang bibig dahil sa nararamdang kabang nararamdan niya. Napahinga siya ng malalim saka pinagsawala na lang ang lahat.
Pero hindi pa nga lumilipas ang dalawang minuto, muli siyang humarap. At gaya ng inaasahan, hindi pa din inaalis ng lalaki ang tingin sa kaniya
“Sir, pwede po bang ‘wag nyo kong titigan. Hindi po kasi ako makapag-concentrate sa paglilinis eh,” sinubukan ni Micah na wag magtunog naiinis pero nabigo yata siya.
Napataas kasi ang isang kilay ng binata dahil sa sinabi niya.
“Inuutusan mo ba ako?” Sabi nito.
Napalunok si Micah at napahawak ng mahigpit sa kaniyang panlinis. “H-hindi naman po sa ganun pero po kasi—,”
“Miss Salvador,” ma-awtoridad na sabi ng binata. Napakurap ng ilang beses si Micah
“Y-yes po?,”
Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi nagsalita si Andrius. Kinakabahan tuloy ang dalaga.
“Nothing,” Ani nito.
Gusto ng babaeng magdabog sa mga oras na ito pero pinigilan niya ang sariling gawin iyon. Feeling niya kasi pinagt-tripan siya ng boss niya. Naiinis tuloy siya.
Tatalikod na sana ulit siya para ituloy ang paglilinis pero tinawag ulit siya nito.
“Miss Salvador—”
“SIR!,” inis na ani Micah. Hindi niya na kasi napigilang sumigaw dahil sa inis. Pero agad din siyang napayuko at huminge ng pasensya dahil sa biglaang pagakto niya.
Hindi makapaniwala si Andrius dahil sa inaasta ng dalaga. “Huh,” singhal nito.
“Gusto ko ng kape, bilisan mo,” dugtong ng lalaki.
“A-ah sige po, ” natatarantang ani...


ni Micah saka mabilis na lumabas ng pinto.
Nasapo agad ni Micah ang dibdib nang makalabas siya sa opisina ni Andrius. Hindi niya alam kung bakit parang nalulunod siya na ewan sa bawat titig nito sa kaniya. Kinakabahan siya.
“Miss Salvador!,” tawag sa kaniya ng lalaki. Kung hindi siya nagkakamali, sekretarya ito ni Mr. Zapanta. Si Gio Alvarez.
“Hello po Sir!” Bati niya dito at bahagyang yumuko.
“Just call me Gio,”
“Uhm, Micah na din po ang itawag niyo sakin ,hehe”
“Sige sige, pero.. nasa loob ba si boss?” Tanong nito sa kaniya kapagkuwan.
Tumango siya bilang sagot.
“Anong pinagawa niya sayo?,” Halos pabulong na sabi ni Gio
“E-eh, ” naisip niya na naman ang ginawang pangiinis sa kaniya ng lalaki kanina. Napailing -iling na lang siya. “W-wala-wala naman po, pinapakuha lang ako ng kape,”
“Talaga? Hindi naman umiinom si Sir ng kape,” ani ni Gio na siyang ikinagulat ng dalaga.
“Hah? Pero sabi niya….”
“HHHAHA, baka nagiba ng taste si Sir nang makita ka. Hay si Sir talaga, napaghahalataan. HAHHAHHAH,” tawa pa nito na siyang ikinakunot-noo ni Micah.
Hah?
“Ay sige na, ipagtimpla mo na si sir ng KAPE. Andun yung sa loob ng room. Katabi ng mga mga inumin,” saad ni Gio. Natatawa pa rin.
Hayy,
Nakuha naman agad ni Micah ang sinabi ni Gio. Pumasok siya sa room at wala naman siyang naabutan na kung sino man doon. Agad niyang ginawa ang ipinaguutos sa kaniya ni Mr. Zapanta. Ang ipagtimpla siya ng kape.
Papalabas na siya ng pinto nang biglang bumukas ito dahilan para magulat siya.
“Ay miss sorry! Okay ka lang ba? Natapunan ka ba?,” Ani nito sa kaniya.
“Okay lang ako, “Micah, habang pinupunasan ang konting natapong kape sa damit niya.
“Excuse me?,” untag niya sa lalaki dahil hindi pa din ito umaalis sa pinto. Hindi kasi siya makalabas.
“H-hah, ay s-sorry sorry,” ani ng lalaki.
Mababakas sa mukha ng lalaki ang matinding paghanga kay Micah. Natulala siya saglit sa pambihirang ganda na meron ito.
“Pwedeng padaan?,’
“Ah s-sure. Sorry ulit,”
“Sige salamat,” ngiti ni Micah saka siya tuluyang lumabas at naglakad papalayo.
“TRIM! BWISIT KA ANDITO KA NA NAMAN!,” Sigaw ng isang babae sa malayo.
“Hey cass! Guess what? May nakita akong anghel kanina. Sobrang ganda, nalove at first sight ata ako,” ani ng binata sa bagong rating na babae. Si Cassandra.
“Naku, nagdaday-dream ka na naman noh!. Nakalimutan mo na ba? Ako ang pinakamaganda sa building natoh!.aist tara na, nasa 49th floor yung opisina natin nandito ka na naman! Bubuwisitin mo na naman si baby Andrius ko, halika na,” higit ng babae sa binata.
“I think i’m inlove..” bulong ni Trim sa sarili habang nakatingin sa dinaanan ni Micah kanina.
Hays, mukhang aaraw-arawin niya ang pagpunta sa floor natoh para lang makita ang babaeng bumihag sa puso niya.
Aish.
TO BE CONTINUE






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. bakit di po complete

Leave a Reply


top