Mafia boss missing wife Four


Mafia boss missing wife”
By Gail Montenegro
Four
Pinagmamasdan ni carla ang asawa habang nagdadrive ito panay kasi ang kanta nito ,hindi ko alam ang title pero ang sarap pakinggan na parang saakin nito mismo sinasabi at inuukol ang kanta ,na pakiramdam ko ako ang laman ng kanta nito.
“You should know, everything i go
Alway’s on my mind, in heart ,
In my soul baby…
You’re the meaning in my life,
You’re the inspiration,
you bring feelin to my life
You’re the inspiration
I wanna have you near me
I wanna have you hear me sayin….
No one need you more than I need you….”
Ibinaba ko ang bintana ng kotse nais kong langhapin ang malamig na simo’y ng hangin kasabay ng magandang musika ng aking asawa habang nakapikit ang dalawa kong mga mata, ang boses nito ay napakasarap pakinggan ngunit sa biglaang pagsigid ng kirot mula saaking ulo ay isang pamilyar na boses ang naririnig ko,,
……”i love you sweetheart ikaw ang buhay ko ,walang dahilan ang lahat ng pagpupursigi ko kung hindi ko lang din sayu iaalay
You’re the meaning in my life baby ,ikaw lang ang naging inspirasyon kaya hinanap tlga kita ng maabot ko ang mithiin ko ,salamat sa matagal na paghihintay”……………
“Ouch….” umiiyak na anas ni carla habang hawak ang kumikirot na ulo…
Itinigil ni jordan ang pagpapatakbo ng kotse saka dinaluhan ang umiiyak na asawa “honey…honey look at me please ,,anong masakit huh? Anong masakit tell me?” Nagpapanic nyang sigaw sa asawa para marinig sya nito.
Hindi magawang sumagot ni carla sa asawa dahil patuloy parin nyang naririnig ang baritonong boses iyun sa utak nya ngunit sa malambing sa paraan
“i love you….mahal na mahal kita bella”…
“Aaah…tama nah…” matinis nyang hiyaw na halos mag eco sa buong kalsada ng mc.arthur highway hanggang sa Maramdaman nya ang pangihina at ang malalaking braso ng kanyang asawa…
“No…carla…carla…” namumutlang tawag ni jordan sa asawa ,pilit nyang hinanap ang gamot na iniinom nito sa bag nito at maging sa dashboard ngunit hindi nya makita kaya mabilis nyang binuhay ang makina na kotse ,napagpasyahang dalhin nlang ang asawa sa hospital.
Walang tigil sa kakalakad si jordan hindi mapakalma ang sarili dahil sa takot sa maaaring maging resulta kapag nagpatuloy ang ganitong pangyayari kay carla ,alam nya sa sarili nya na pagpapakita ito ng senyales sa maaaring pagbalik ng memory lost nito , ang isa sa mga gamot na pinapainom ko dito ay upang tuluyan nitong di maalala ang nakaraan at ang isa pa ay para sa pananakit ng...


ulo nito ngunit isa man sa dalawa ay hindi ko nakita sa bag nito na syang nakapagtataka,, naikuyom nya ang sariling kamao dahil sa isiping baka hindi na ito umiinom ng gamot kaya ito nagkaganon.
“Doc.lukes… maayus na po ang asawa nyu tinurukan ko lamang sya ng ilang antibiotics at iba pang gamot para sa kumikirot nyang ulo..”
“Salamat” tipid nyang sagot ,nagpaalam sya dito na pupuntahan nya ang kanyang asawa ng bigla ay magtanung uli ito.
“Doc…damage po ang bandang sentido ng pasyente ,gusto ko sanang malaman ang ibang detalye para sa mabigyan sya ng mga kinakaylangan nyang gamot,, may memory lost puba ang pasyente tingin ko kaylangan nya —-”
“No….” malamig na saad ni jordan sa kausap na doctor “may doctor sya at may mga gamot na sya nagkataon lang na naiwan namin sa bahay.” Putol ko sa iba pa nitong mga sasabihin. Tumango na lamang ang doctor bago nagpaalam na aalis na.. mabilis nyang tinungo ang silid na kinaroroonan ng kanyang asawa pagpasok ay kaagad nya itong nilapitan maliban sa dextrose ay wala ng ibang nakakabit pa dito ,wala nadin ang bakas ng sakit sa magandang mukha nito..
“Honey….wagmo ng piliting alalahanin pa ang nakaraan ,tuluyan munang kalimutan, ako…ako lang at ang mga anak natin ang dapat mong isipin wala ng iba…” naiiling nyang bulong kay carla habang Nahihimbing parin ito sa pagtulog base sa lalim ng paghinga nito hindi na ito dapat makaalala pa kung kinakaylangang araw araw nya itong bigyan ng tabletas para sa tuluyang pagkalimot nito ay gagawin ko masiguro lamang na hindi na ito makaalala pa kahit kailan.
Makalipas lamang ang ilang oras ay nagising na si carla wala na ang masakit na nararamdaman nya mula sa kanyang ulo..
“Honey…hindi na tayu nakadalo sa special wedding ng kapatid ko ,pero ok lang mas importante ka kahit sa anong bagay” malambing na bulong ni jordan saakin habang haplos haplos nito ang aking pisngi…
“I’m sorry honey…” nahihiya nyang sambit sa asawa ng dahil sakanya ay hindi nito nasaksihan ang special na araw ng kapatid nito…
“Anu kaba ayus lang ,tinawagan kona sila kanina ,mas mahalaga ka kesa sa anu paman ,uunahin kita kesa sa anu mang bagay dahil mas importante ka honey ,,mababaliw ako oras na may mangyaring masama sayu carla” seryoso nyang sambit sa asawa bago ito tinulungang tumayu at niyakap ng mahigpit.. maayus na ang kalagayan nito kaya minabuti ni jordan na iuwi na lamang ang kanyang asawa kesa ang magtuloy pa sa reception ng kapatid.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top