Fated Hearts CHAPTER THREE


Fated Hearts ❤️
❣️ CHAPTER THREE ❣️
“SAAN mo balak magsimba?” tanong ni Rhodel.
Linggo ngayon at nakaugalian na ni Cris na mag-isang magsimba tuwing Linggo. Sanay na siya roon ngunit iba na ngayon. Napabuntong-hininga siya. Ilan kayang Linggo ang dapat niyang tiisin na kasama ang binata? No, the question should be —— how many more days or months should she endure having this Rhodel guy living with her in the same roof? Oh, well. May advantage naman ang presence ng binata. Mula nang tumira si Rhodel sa bahay niya, hindi nito nakaligtaan na sunduin siya sa trabaho gabi-gabi. At ipinagpapasalamat iyon ni Cris. Hindi pa rin naman kasi nawawala ang takot niya sa nangyari nang gabing ipagtanggol siya nito. Iyon nga lang, ang kanyang mga kaibigan at katrabaho ay halos nakakapansin na. Isa pa naman sa pinakaayaw niya ay iyong mag-entertain ng mga tanong tungkol sa kanyang buhay.
“Hoy!” pukaw ni Rhodel. Ipinitik pa nito ang mga daliri sa harap ng kanyang mukha. “Sabi ko, saan mo balak magsimba?”
“Saan pa ba? Eh, di sa simbahan,” sarkastikong anas ni Cris.
“Gee, thanks for the answer.”
“Kung gusto mong sumama, sumama ka, okay? Mamaya ka na magtanong. Nag-iisip pa ako kung saan tayo magsisimba. Alas-onse tayo magsisimba kaya mag-ready ka na. Pero maliligo muna ako.”
Hindi niya alam kung bakit nasabi pa iyon. It was not like it was her responsibility to announce whatever it was she was going to do. After all, this was her house. She wanted to take her words back but she knew it was rather too late for that.
He smiled, and she so wanted to erase that smile from his face. It was not a perverted kind of smile, but it made her feel uncomfortable.
“Okay. But I’ll take a bath first. Kaya bilisan mo.”
Moments later, she was already in the bathroom. Parang baliw si Cris sa kaka-inspect kung nai-lock ba niya ang pinto. She already did it many times. Alam niyang para na siyang sira pero hindi kasi niya maiwasan. Rhodel could be one hot-blooded male. Gusto lang niyang makasiguro. Normal naman siguro ang kanyang reaksiyon, lalo na’t isang estranghero pa rin si Rhodel para sa kanya.
Nang makalabas ng banyo ay nakasuot na si Cris ng peach na roba. Dali-dali siyang pumasok sa kwarto. Siya namang paglabas ni Rhodel ng kwarto nito at mabilis na nagtungo sa banyo.
Pagsapit ng alas-diyes ay umalis na sila patungo sa simbahan.
“This is the Saint Augustine Cathedral,” sabi ni Cris nang makababa ng jeepney.
Ngumiti si Rhodel.
Nagmistula siyang personal tour guide ng lalaki.
Para makapunta sa simbahan ay dadaan muna sila sa Gaston Park. Nang may mapansing kakaiba, nagtanong na naman ang binata. “What’s that?” tanong nito, sabay turo sa kung saan.
Sinundan niya ng tingin ang itinuturo nito. “That is, uhm, a memorial wall for the Sendong victims.”
“Oh, yeah, Sendong….” he muttered as if he remembered the devastating tragedy that happened almost three years ago.
“Anyway, tara na,” sabi ni Cris na pilit pinasigla ang tinig. Ayaw niyang magtanong pa ang binata tungkol sa bagay na iyon. Tumingin si Rhodel sa kanya pero hindi na nagtanong pa, na ipinagpasalamat niya.
Pagkatapos magsimba ay nagyaya si Rhodel na mamasyal muna sa mall. “Don’t worry, ako ang magbabayad ng pamasahe natin,” sabi agad nito bago pa man niya masabi na hindi sapat ang dala niyang pera para sa pamasahe.
“Buti naman at naisipan mong magdala ng pera.”
“Of course. I won’t let a lady waste all of her money just for me. You see, I’m really a gentleman,” sabi nitong kumindat pa.
“Gentleman, my ass.”
As usual, tumawa lang si Rhodel na para bang joke iyon. “So, saang mall ba tayo pupunta? May SM ba dito?”
“Yup. Pero nasa upper part iyon ng siyudad. Since nandito tayo sa heart of the city, doon na lang tayo sa mas malapit na mall. Saan mo gusto? Sa Centro Mall, Gaisano City Mall o sa Limketkai Mall?”
Nagkibit-balikat ang binata. “You choose. You’re my tour guide, remember?”
Pinigilan niyang paikutin ang mga mata. She realized she always did that in his presence. Baka kung gawin pa niya iyon ay hindi na bumalik sa normal ang mga mata. “Okay, sa Limketkai Mall na lang tayo.”
Sumakay sila sa taxi patungo sa nasabing mall. Si Rhodel ang nagpumilit na mag-taxi na lang daw sila tutal ay ito naman daw mismo ang magbabayad sa pamasahe. Ang gusto lang naman ni Cris ay makatipid. But oh well, mukha namang mayaman ang lalaking ito, bakit hindi? Kung gusto ni Rhodel na magwaldas ng pera, bahala ito. Tutal, pera naman nito iyon.
Ilang minuto ang lumipas at narating na nila ang mall. Alas-dose na ng tanghali kaya napagdesisyunan nilang mananghalian na lang muna. Kumain sila sa isang fast-food chain sa loob ng mall. Pagkatapos ay napagpasyahan nilang maglibot-libot na lang.
Pumasok si Rhodel sa isang men’s wear boutique at hinintay niya ito sa labas. Pagtingin ni Cris sa kabilang boutique ay may nahagilap ang kanyang mga mata ——— isang peach dress na suot ng mannequin. Lumapit siya at pinagmasdan iyon. Hindi na siya pumasok sa loob, isa pa, wala naman talaga siyang balak bilhin ang damit.
“Bagay sayo.”
Napaigtad siya nang marinig ang boses ni Rhodel mula sa likuran.
“Bilhin mo na.”
Umiling...


siya habang pumipihit paharap sa binata. “Wag na. Hindi naman babagay sa akin yan.”
Tumaas ang kilay ni Rhodel. “Where’s your confidence? Don’t be ridiculous. Bagay sayo ang damit,” sabi nitong nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa damit na tila ini-imagine na suot niya iyon.
“No, it won’t look good on me. Trust me. At isa pa, wala akong pera.”
“Then I’ll buy it for you.”
“Tumahimik ka nga. Akala ko ba, may binili ka?”
“May tinignan lang ako. Come on, you should try the dress on.”
Umiling si Cris. “Wag na. Sayang lang ang oras natin.”
“Anong sayang? Hindi naman tayo nagmamadali, eh.”
“Rhodel, please. Wag na. Get over it, okay?”
Tumawa ito nang marahan. “Okay. If you insist.”
Lihim siyang nakahinga nang maluwag. May kakulitan din pala ang lalaking ito. Nagpatiuna na siyang maglakad at sumunod naman si Rhodel. At one point, he hurried to catch up with her. Habang naglalakad ay hindi maiwasang magbanggaan ang kanilang mga braso. And Cris did not know why but she slightly shivered from the contact. Because of this, she subconsciously rubbed her arms.
“Are you cold?” tanong ni Rhodel nang mapansin ang kanyang ginawa.
She feigned innocence. “Huh?”
“Are you cold?” ulit nito.
Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi.”
“Are you sure?”
“Uh-huh.” And before he could say something she beat him to it. “Gusto mong mag-Black Pearl?” tanong niya. Sa unang pagkakataon na nagkakilala sila ay ngayon lang niya ito nginitian. Bahagyang ngumiti si Rhodel kaya agad niyang idinagdag. “It’s just a smoothie with large, chewy tapioca balls.”
“Oh,” sambit nito, saka ngumiti. “Okay. Let’s go and grab some Black Pearl.”
💓💓💓💓💓💓💓💓💓
“SO, BAKIT ka nga pala pumunta rito sa Mindanao?” tanong ni Cris matapos sumipsip sa smoothie. Pareho silang nakaupo sa bench habang nag-e-enjoy sa Black Pearl na binili.
Nilingon ni Rhodel ang dalaga at nakitang nakatingin ito sa kanya, bakas sa mukha na hinihintay ang kanyang sagot. Kanina lang ay ngumiti si Cris sa kanya. Iyon ang kauna-unahang ngiti na ibinigay ng dalaga sa kanya. It was not a sarcastic smile which was why he was really stunned. Nakatatak pa rin sa kanyang isip ang ngiti nito. He was captivated, he cannot deny that.
“Hoy,” pukaw ni Cris.
Napakurap si Rhodel at napabuntong-hininga. “So, are we playing this game now?” he asked, raising an eyebrow. The corners of his mouth were stretched upward in a smirk, as well.
Pinaikot ni Cris ang mga mata. “Fine. Then don’t answer me.”
Napabunghalit siya ng tawa. “Kaw naman, hindi na mabiro. Actually, tumakas ako mula sa ———-”
Napasinghap ito at nanlaki ang mga mata. “Oh, my God! Don’t tell me isa kang takas mula sa preso?”
He looked at her like she had grown two heads. “Seriously?”
Napalunok ito na para bang napahiya sa nasabi. Gusto niyang tumawa nang malakas. She looked really adorable. Pinigilan niya ang sariling pisilin ang mga pisngi nito.
Tumikhim ito. “Go on.”
Nakangiti siyang nagpatuloy. “Tumakas ako sa amin. I’ve had enough of my parents holding me by the neck. All my life, lagi kong sinusunod ang mga desisyon nila. Ni hindi ko nagawa ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko. It’s like I’m their dog, not their son. Nakakasawa na. So I decided to be a rebel and run away from home. “He told her the truth but left out the fact about the arranged marriage out of it. Tumingin siya kay Cris at nakitang mataman itong nakikinig sa bawat salitang sinasabi niya. Nakita niya sa mga mata nito na interesadong nakikinig sa kanya.
“Why don’t you tell them to stop? Sabihin mo na may sarili kang mga desisyon sa buhay mo. Who knows, maybe they’ll listen,” suhestiyon ni Cris.
Umiling si Rhodel. “Hindi ganon kadali iyon. They wouldn’t simply listen to me, especially my dad. Hindi mo siya kilala, Cris. Nasanay siyang nakukuha ang lahat ng gusto. No one can say “NO” to my dad, no even me.”
“That’s not fair,” anas nito. “Anak ka nila. Ayaw ba nilang maging masaya ka?”
A small smile appeared on his lips. “Trust me, naisip ko na rin yan. But it seems like they assume I’m happy with all the decisions they make for me. They never asked me, they just assumed I’m okay with it.
Napabuntong-hininga si Cris. “Ang hirap naman ng buhay mo,” sabi nitong ikinatawa niya.
“Now its my turn to ask questions,” he said and noticed her squirming in her seat. “Nasaan ba ang parents mo?”
She looked away and sipped her smoothie. “I told you, umalis sila.”
“Saan sila pumunta? Bakit hindi ka nila kasama?”
“Just somewhere. Pasalamat ka na lang na hindi ako sumama sa kanila dahil wala kang matutuluyan sana ngayon.”
“Kailan ba sila babalik?”
“H-hindi ko alam.”
Napansin ni Rhodel na hindi komportable si Cris kaya tinapos na lang niya ang usapan. Curious man ay hindi na siya nagtanong pa. Naging tahimik bigla si Cris at hindi niya maiwasang mag-alala. Oo, wala siyang masyadong alam sa dalaga. Pero may kung ano sa loob niya ang nais na mas makilala pa ito. Ngunit sa mga oras na iyon, na-realize niyang may lihim na pinagdadaanan ang dalaga. Whatever it was, gusto niya itong tulungan.
Despite being grumpy, he knew she was vulnerable to pain.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top