CRAZY EX-WIFE CHAPTER 11


CRAZY EX-WIFE”
CHAPTER 11
– MARK-
Hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay nang agawin agad ni ate si Blessy. Pinanggigilan nya Ito Kaya nainis ako.
” Ate! Dahan-dahan naman! ”
” Nagagalit Ang papa baby! Ang pretty kasi nitong batang Ito mana sa tita ”
“Tsk! Ayos lang mamana Ang itsura wag Lang Ang ugali ha? ”
” Pektusan Kaya Kita dyan?! Mama Ang apo mo andito na bilis!” Agad din namang kinuha ni mama Ang apo nya Kay Ate. Natutuwa akong pagmasdan Ang pamilya ko na masaya. Akala ko Hindi ko na mabibigay to sa kanila.
” Jane magpahinga ka muna sa kwarto. Wag ka mag isip nang kung ano-ano para hindi ka mabinat ha? Ako na muna magbabantay sa anak natin ”
” Akin na nga yang anak ko nahihilo na Yan sa inyo Ang ingay nyo na! ” Umiiyak si Blessy sa kanila Kaya kinuha ko para tumigil nanaman.
” Kita nyo na? Sa papa lang daw syA. ”
– LARA-
Habang kinakausap ko Ang pasyente ko tahimik lang din si Lance Reyden at tumitingin sakin. Nakakatuwa dahil nakangiti syA sakin. Parang nakakaintindi na agad syA ng sitwasyon. Alam nyang nagtatrabaho ako Kaya behave Lang Sya..
” M-ma M-ma! ” Napatingin ulit ako sa kanya ng magsalita syA. Tinawag nya akong mama. Nakakatuwa pala marinig Yung unang salita ng baby. Lumapit ako sa kanya para buhatin syA.
” Baby pwede bang bigkasin mo ulit? ”
” M-ma ! M-ma! ” Sabay tawa nya sakin .
” Very good naman Ang baby Nayan. Pero baby Hindi ako Ang mama mo. Ti-ta! Ikaw nga baby, Ti-ta! ” Pinipilit Kong tita ang itawag nya sakin pero talagang mama lang Ang Kaya nyang bigkasin.
” Hindi bale, matututo Karin.” Ansarap pala sa pakiramdam magkaron ng anak. Kahit Hindi ko tunay na anak si Reyden feeling ko sakin din syA galing at sa araw-araw na magkasama kami, Lalo akong napapamahal sa kanya . Kahit minsan sobrang nakakapagod na, isang ngiti nya lang sakin nawawala. Parang alam nya Kung Pano ako pasasayahin Kaya naman Mahal na Mahal ko Sya.
” De-de! De-de!” Hala naghahanap na ng Dede Ang Mahal Kong baby nakalimutan na kitang padedehin. Masyado mo akong inaliw sa mga ngiti mo ”
Inilapag ko muna si Reyden para maka dede syA ng ayos.
” Magbabasa lang Ang tita saglit ha? Pakabusog ka dyan baby ”
– ALEX-
Pinag aaralan ko Ang mga kilos ni Lorraine at gusto ko maging mabait sya sakin para mas madali ko syA matulungan . Ilang Buwan narin Kami dito sa states.
Ngumiti ako ng pagmasdan ko syang kumain ng paborito nyang chocolates. Meron pa syang amos sa mukha Kaya lumapit ako sa kanya para punasan syA .
” Mark gusto mo?” Minsan napapagkamalan nya akong asawa nya. ...


Minsan nga, niyayakap nya Rin ako. Hindi ko naman na binibigyan ng malisya dahil sa sitwasyon nya. Ewan ko pero curious ako Kung magkamukha ba kami ng asawa nya Kaya nya naiisip yon o pareho kami ng ginagawa sa kanya .Never ko pa kasi nakita Ang asawa nya kahit sa picture Lang .
” Sige lang Lorraine . Kakatapos ko Lang kumain. After mo dyan, may itatanong ako sayo ha?”
Tumango-tango syA sakin at hinawakan Pako sa magkabilang pisngi.
” Sige .. Gusto ko Yan Mark. Gusto Kita kausap palage”
Asawa nga nya Ang dahilan Kung bakit nabaliw syA ulit. Hindi nya matanggap Ang nangyare sa kanila. Wala na akong Ibang mas madali pang paraan na naiisip kundi Alisin na si Mark sa buhay nya. Tanggalin na si Mark sa isip nya para gumaling na syA. Pero hanggat di pa nangyayare yon, hahayaan ko nalang muna na tingnan nya ako bilang Mark.
” Lorraine tapos kana? Maupo kana dito”
” Ano ba sasabihin mo? Ang laki na ng tiyan ko. Lalabas na Ang anak naten honey ”
” Lorraine makinig Kang mabuti sakin ha, hindi ako si Mark, ako si Alex ” sinubukan ko Lang Kung maniniwala ba Sya sakin
” Hon.. nagbibiro ka nanaman. Magkaka anak na tayo oh, excited kana? “..
” Lorraine maghiwalay na tayo ” Dun ko nakita na umiba na Ang awra nya. Marahil ay don syA lubos na nasaktan. Nang sabihin ni Mark sa kanya Ang linyang yon.
” H-Ha? H-Hindi! H-Hindi! ” Napahawak syA sa tiyan nya at para bang naiisip nya na hindi talaga syA buntis.
” Nasan Ang anak ko?! Ang anak ko ! ” Napasabunot syA sa sarili nya.
Hinayaan ko Lang syang mag panic . Gusto Kong Makita Kung ano Ang mga Kaya nyang gawin kapag depressed Sya para matutunan ko Kung Pano sya kokontrolin .
” Lorraine anong nangyare? Bakit ka iniwan ni Mark? ” Lumapit ako sa kanya at iniharap syA sakin..
” Ayokong umiyak.. Mark ayokong umiyak.. ” paulit-ulit nyang sinasabi sakin.
Ayaw nyang ipakita sa asawa nya Ang kahinaan nya. Ayaw nyang ipakita na nasasaktan syA sa pagkawala ng anak Nila.
” Sinaktan ka nya? Sige iiyak mo Lang.”
” Buntis si Jane.. buntis si Jane.. Mark! Mark! ” Humagulhol syA ng iyak
Niloko rin syA ng asawa nya. Pinagpalit sya sa iba Kaya Hindi nya malimutan Ang pangalan ng babaeng pinalit sa kanya . Masyado syang nasaktan sa ginawa sa kanya. Pakiramdam nya Wala ng nagmamahal sa kanya maliban sa asawa nya Kaya hindi nya matanggap sa sarili nya na iniwan na syA ng taong akala nya sasamahan syA kahit na sa pinaka masama na pangyayare sa buhay nya at nabigo nga syA. Dahilan para maging baliw Sya.
” Babalik si Mark hintayin mo Lang ” Gusto nya ng assurance . Natakot na syAng maulit na mawalan ulit syA ng Mahal sa buhay. Kailangan Kong ipamukha sa kanya na babalik si Mark sa kanya para tumigil syA. Sa kanya lang umiikot Ang Mundo ni Lorraine and that’s bad idea. Kung hindi syA deserving sa pagmamahal na binigay sa kanya mas deserve nyang kalimutan nalang. Mas magandang ituring nalang syA ni Lorraine na isang masamang panaginip. Gagawin ko yon at uumpisahan ko na. Deserve nyang mabuhay ulit ng maayos kasama Ang anak nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top