HIS HEARTLESS LOVE CHAPTER 12


( PAUL SANTIBAN )
_______________
——continueFlashBack ——
“Sir nasa Boracay po lahat ng mga Santiban . At yung pinapahanap niyo pong babae ay nasa Pamilya Santiban rin naka tira, mag mula ng umalis sila ng Mindoro at mamatay ang ina ni miss Sherin , napag alaman korin na ang Ate nito ay ang nawawalang anak ng mga Santiban na si Paula na matagal ng ipinapapatay ni Senior Gustavo. ”
Ani ng tauhan ni Jeppy na inutusang alamin ang kinaroroonan ni Sherin at ang buong information tungkol sa babae.
Napa angat naman ng ulo si jeppy at napa tigil sa pag pupunas nito ng Mga Baril niya. At kunot nuong inaalala ang itsura ng ate ni Sherin na isang beses na niyang nakita sa bulacan.
“Kung ganon isa palang santiban si Sharina (Paula) kung alam kolang na isa palang kaaway ang babaeng yun edi sana pinatay kona yun nung gabing yun. e si Sherin ano Pa ang tungkol sa kaniya. ” tanong ulit ni Jeppy.
Matagal na nilang Mortal na kaaway ang mga Santiban nung una ay dahil lang sa Negosyo, ngunit mas lumala ng Mapatay ni Pablo Santiban ang Ama ni Jeppy. At hindi Pa na isang taon ang pagka matay ng ama niya ay nag asawa ulit ang kaniyang ina na isa sa matalik na kaibigan ng kaniyang ama na ngayon ay Step Father na niya si Gustavo Roichi. At ngayon ay meron na siyang Kapatid sa ina at yun ay si Carla Roichi.
‘Sana lang ay hindi ka santiban sherin ,dahil ikaw ang hindi ko kayang kalabanin o masaktan. dahil ikaw ang aking Queen ang gusto Kong mapang asawa . ‘ ani ng isip ni Jeppy. At lihim siyang napapangiti sa kaniyang naisip
“Lumipat siya rito sa maynila para maka sama ang ate niya at dito na rin nag patuloy sa pag aaral. At Fourth year highschool na ito sa Paaralan na pag aari ng mga Sandoval. ” sabi ng tauhan.
“Sige umalis kana. Tawagan mulang ako kapag may bagong info kang nalaman. ” aniya at tumango naman ang Tauhan bago umalis.
“Sir excuse me ho. Nasa Sala ho sina Senior Gustavo at seniora Vea ” ani ng Kasambahay na Kakapasok lamang .
Napa kunot nuo naman si Jeppy kung ano ang ginagawa ng kaniyang StepFather at ina sa bahay niya.
” okey paki ready narin ng Dinner” sagot ni Jeppy sa Katulong.
itinago muna ni Jeppy ang kaniyang mga Baril at kinuha naman niya ang kaniyang phone sa gilid ng Kama bago bumaba . Ng makaka baba na siya at papasok na sana siya sa Sala ng marinig niya ang pag iyak ng kaniyang ina.
” Gustavo paano na tayo huhuhu? ” umiiyak na sabi ng kaniyang ina.
” hindi ko alam darling. Sa ngayon ay kailangan muna natin ang tulong nina Jeppy at Carla. ” sagot naman ni Gustavo . Kaya napa kunot nuo lalo si Jeppy . Gusto Pa sana niyang makinig ngunit lumingon sa Gawi niya si Gustavo kaya nakita siya nito .
” Dad, mom anong gingawa niyo rito. ? ” nag tatakang tanong ni Jeppy.
Kahit na Hindi niya tunay na ama si Gustavo ay sobrang ginagalang niya ito. Dahil nung nabubuhay Pa ang kaniyang tunay na ama ay si Gustavo ang tumulong sa kaniyang ama nuong Baon sa pagkakautang sa Casino . At ngayon ay Asawa na ito ng kaniyang ina at nabago ang buhay nila dahil sa yaman ni Gustavo Nuon ay mahirap Pa silang mag ina sa Daga. , ngayon ay billionario na siya at dahil yun sa tulong ng Kaniyang Step Father.
“Jeppy wala ng natira . Wala na ang Mansyon at ang tatlong Kumpaniya ng Roichi Group. Huhuhu son tulungan mo kaming mabawi lah—
” Hindi ko kayu maintindihan. Ano bang ng yare? ” naguguluhang tanong ni Jeppy
” ibinagsak ni YoungLady Vanessa ang Tatlong kompaniya , at ni Hack rin ng mga Grupo niya ang pera ng mga kompaniyang pag aari ng Roichi Group at maging ang mga Private Bank Account namin ng mommy mo ay Ni Hack rin nila. Maging ang mansyon ay kinuha rin ng Salvi Group. Wala ng natira saamin ngayon . Tanging kayo lamang ni Carla ang pag asa namin. JEppy ” malungkot na sabi ni Gustavo.
” anong Ginawa niyo Dad. ? Hindi kayo ibabasak ng YoungLady kung walang dahilan .. ”
” Wala Jeppy. Kahit na kailan hindi sumagi sa isip ko na banggain ang Salvi Group lalo na ang Grupo ni Vanessa alam Ko gano ka Kalakas at Kalupit ng OTSO APOLO , ang mga Santiban lang ang Kalaban ko, natin . ” sagot ni Gustavo
” Kung Ganon anong Rason ni Vanessa hindi naman gagalaw ang Otso Apolo kung walang kasalanan ang Roichi Group. ”
” son pwede bang dumito muna kami ” umiiyak na sabat ng kaniyang ina.
” oo naman po . Mamaya na natin pag usapan ito. Kakausapin ko si Vanessa para malaman ko ang Dahilan niya. Nasaan nga pala si Carla ? ”
” baka nasa Condo niya ” sagot naman ni Gustavo .
” tinatawagan ko siya kanina. Pero naka patay ang Phone niya ” sagot naman ni Vea sa asawa.
———
Masayang magka yakap at sumasayaw habang sumasabay sa malamiyos na musica sina Paul At Sherin Na para bang sila lang ang taong naroon sa Resort, nasa kalagitnaan ng pag sasayaw ang mga Couples ng may biglang pumasok at nag eskandolong...


Babae sa party.
Nagulat Pa si Sherin ng Halikan ng babae ang Boyfriend ng kaniyang ate Sharina. At malakas na itinulak naman ni Josef ang babae.
” Paul Sino siya.? Bakit siya ng gugulo dito? Bakit niya hinalikan si Kuya Josef ? ” kunot nuong tanong ni Sherin sa binata ngunit hindi man lang siya sinagot nito at Seryoso lamang na nanunuod sa kaguluhan.
” paul tinatanong kita. Sino siya.? Kilala moba yan? Bakit niya inaaway ang Ate ko? ” tiim bagang na tanong ni Sherin .
” siya si Carla ,ang babaeng malandeng higad na may Gusto sa boyfriend ng ate mo ” Sagot ni Anne na nasa Tabi lang pala niya.
Ngunit mas Nag init Pa lalo ang ulo ni Sherin ng makita niyang itinulak ng babae ang ate sharina niya. , napa kuyom siya ng kamao at susugurin na sana niya ang babae ng mabilis siyang nahawakan nina Anne at Jessa.
” Sherin. Wag kana makisali kayang kaya yan ng Ate mo. ” sabi ni Anne.
” hindi ! Hindi lang ako basta manunuod lang dito habang sinasaktan ng babeng yan ang ate ko. ” galit na sagot ni Sherin sa dalawang babae.
” Agent Jessa paki alis dito si Sherin ” utos ni Paul na siya namang kina init lalo ng ulo ni Sherin.
” aba bakit. Hayaan niyo akong ipag tanggol ko ang ate ko. !”
” baby ako na ang gagawa niyan para sayo. igaganti natin si Paula. ” pag aalo ni Paul rito.
” sige hindi ako makikisali hayaan niyo nalang ako rito. ” sagot niya sa Binata.
Tinitigan naman ni Paul si Sherin na para bang kinikilatis niya kung nag sasabi ba ito ng totoo. Pagka tapos ay hinakbayan niya nalamang ang Dalaga para hindi ito maka Galaw. .
Nagka tinginan naman sina Jessa at Anne. Dahil sa mga kilos ni Paul para kay Sherin at nagulat Pa sila ng tawagin ni Paul si Sherin ng Baby.
” aba kakaiba rin ang Trip ng isang Mafia Boss. Bagets ang Hanap. Ilang taon naba si Sherin? ” pabulong na sabi ni Jessa kaya anne.
” 17 pero mag 18 narin next week halos magka sunod lang sila ni Josef ” sagot ni Anne.
” nako Child-abuse ” naka ngising sabi ni Jessa
” G*ga baka marinig ka ” sagot naman ni Anne.
BANG*
isang malakas na putok ng baril ang umalingaw ngaw at nag pagulat sa kanila.
” Ay Putcha sapol na sapol ” malakas na sabi ni Jessa ng makita nila ang Pag baril ni Sharina sa Gitna ni Carla.
“Ate! ” gulat na sabi ni Sherin ng makita niyang may hawak na ng baril si Paula(Sharina)
” sorry baby Hindi ko napag handaan mabilis nakuha ni Paula ang baril ko. ” sabat naman ni Paul.
” bakit ka kasi may daladalang baril ” pagalit na sabi ni Sherin sabay kurot sa Tiyan ng Binata.
“,araay baby masakit ” napapangiwing sabi ni Paul dahil sa sobrang sakit na pagkakakurot ng Dalaga sa kaniyang Tiyan. ..
” Sharina/ Paula ” magka sabay na Sigaw ng mga Taong naroron ng makita nilang nawalan ng Malay ang ate niya. Kaya mabilis siyang napa bitaw kay Paul at kaagad na lumapit kaya paula
” ate. !” Umiiyak na sabi ni Sherin.
” oh my god she’s pregnant ” bulalas ni Anne na siya namang ikinagulat nila.
Mabilis nilang isinakay ng sasakiyan si Paula at isinugod sa Hospital. Naiwan namang umiiyak si Sherin. Natatakot siya para sa kalagayan ng kaniyang ate.
Napa lingon si Sherin sa Babaeng kaniyang umaaway sa kaniyang ate. Na ngayon ay hawak hawak na ni Jayson.
Mahigpit na napa kuyom ng kamao si Sherin at Nanlilisik ang mga matang naka tingin sa babae.
” Jayson Dalhin niyo yan sa Hideout , susunod ako “. Rinig niyang utos ni Paul sa Tauhan.
” baby let’s go pupunta tayu ng Hospital. ” sabi ni paul ng maka lapit na ito sa Dalaga.
Ngunit nanlaki ang mata ni Paul ng Mabilis Tinakbo ni Sherin ang Kinatatayuan ng Babae at malakas na binigyan ng Flying kick ang Mukha ni Carla dahilan para matumba ito kasama ni Jayson pagka tapos ay malakas na Hinapakan ang Leeg ng Babae.
Halos hindi naman maka paniwala si Paul sa kaniyang nakikita . Si Sherin na Napaka inosente na may angelic face na ngayon ay nasa Kaniyang Harapan na Tapak tapak ang leeg ng isang babaeng nawalan ng malay dahil sa sobrang lakas ng pagkakasipa sa Mukha nito.
Napapalunok na lamang ng sariling laway si Paul. Parang ibang Sherin ang nakikita niya ngayon.
” white Lady tama napo baka mapatay niyo na tong si Carla “. Ani ni Jayson.
” tumahimik ka kung ayaw mong basagin ko Yang Balls mo ” sagot ni Sherin dito na kina putla naman ng ni Jayson.
Mabilis nilapitan ni Paul si Sherin at niyakap ito sa likod. Sabay bulong.
” let’s go baby tama nayan “. Bulong ni Paul habang yakap yakap niya sa likod si Sherin.
Bigla namang Bumalik sa katinuan si Sherin at nanlaki ang kaniyang mata ng makita niya ang kaniyang paa sa Leeg ng babae.
” Paul ah anong ginawa ko? ” namumutla niyang tanong sa binata at mabilis na inalis ang paa sa leeg ng babaeng walang malay.
” wala naman baby. Pinatulog mulang siya. Let’s go puntahan na natin si Paula ” sagot ng binata.
” Jayson ilayo mona yan ” pahabol na utos ng binata na mabilis namang sinunod nito.
//next 13
“FeelingGroom”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top