Author: Ren Salazar
Kasaluluyang nasa honeymoon pa rin ang bagong kasal na sina Bekket at Schiyev. Isang linggo rin silang mananatili. Ikatlong araw pa lang nila ngayon at panay laro at pasyal ang gingawa. Wala ni anumang nangyayari.
” Bekki….” Tawag ni Schiyev. Ang dulo ng kanyang daliri ang ginamit niya para kalabitin si Bekket na kasalukuyang nakatingin sa hawak nitong telepono. ” Bekki…” Kinalabit niya uli ito.
” Ano ba kasi?kita mong may tinitingnan ako sa telepono ko ,oh! Hinihintay ko yong reply ni Dome tungkol sa transaksyon namin with the Tan Empire. Malaking deal to kaya kailangang kong tutukan.” Sagot niya sa babae at muling itinuon ang tingin sa telepono.
Nakadapa si Bekket sa kama habang si Schiyev naman ay nakasandal sa headboard. Magkasalungat na direksyon ang dalawa.
” Ganon ha….” Bulong ni Schiyev. ” Teka nga …..”
Bamangon si Schiyev at saka dinaganan si Bekket sa likod.
” Honeymoon natin pero trabaho pa rin iniisip mo. Tingnan mo nga ito. Sige na. Dalhin mo ko dito.” Idinikit pa talaga ni Schiyev ang kanyang telepono sa mukha ni Bekket. ” Sige na….” Pagmamakaawa nito. ” Hmm?” Nagpacute pa siya kay Bekket.
Imbes na magalit si Bekket sa asawa, natuwa pa siya rito. Parang wala lang kay Schiyev na bakla siya.
” Hmm…ang cute mo talaga ,girl. Pero mas cute pa rin ako sayo no..” sabi niya.” Saan ba iyan? Maganda ba diyan?” Kinuha niya ang telepono ni Schiyev at tiningnan ang gusto nitong puntahan.
” Sige na,Bekki. Ilang araw lang tayo rito kaya punta tayo diyan. Sulitin ko na habang nandito pa tayo. ” Pakiusap niya habang nananatili pa rin sa ibabaw ng likod ni Bekket.
” Ugh…ang bigat mo. Madami ba nakain mo kanina?”
” Iniiba mo naman yung usapan,eh.” Nagtampo kuno si Schiyev. Umalis sa ibabaw ng likod niya at nahiga. Nagtago sa ilalim ng kumot.
Bumangon si Bekket mula sa pagkakadapa sa kama.
” Uy…nagtampo ang bata..” tukso niya kay Schiyev. Ngunit walang reaksyon galing sa asawa. ” Uy,girl…alisin mo nga yang kumot.” Hinihila niya ng pababa ang kumot na nakatakip sa mukha ni Schiyev.
At sa ilalim ng kumot na iyon ay siyang mahina niyang tawa. Aaminin man niya o hindi,kinikilig siya ngayon dahil sa panunuyo ni Bekket. Kahit pala bakla, napapakilig siya.
” Ayaw mo? ” Sabi niya.” Ayaw mo talaga? Sige ka..baka magbago isip ko,uuwi tayo ng pinas ng wala sa oras.”
Inalis naman ni Schiyev ang kumot sa kanyang mukha at tiningnan ang naka upong si Bekket. Nakaharap ito sa kanya.
” Pupuntahan natin yon?” Tanong niya.
” Ah uh…” Sinabayan pa niya ito ng tango.
” Talaga? Talagang talaga?” Paninigurado niya.
” Oo nga! Ang kulit!”
” Yes! ” Sa saya niya ay napalo niya ang legs ni Bekket.
” A..araayy…” Hinipo hipo pa ni Bekket dahil sa sakit na palo ni Schiyev.
” Ay.. sorry…sorry…” Agad nyang niyakap ang bakla. ” Sorry,Bekki.” Ulit niya. ” Pero salamat ha..” sabay halik sa noo nito.
Pinuntahan nga nila ang lugar kung saan gustong marating ni Schiyev. Ang Venice. Sumakay sila ng bangka at namasyal sa paligid ng iyon. Naging abala sa pagkuha ng litrato ang babae. Panay selfie ang ginagawa. Nang makitang nakatingin sa kanya si Bekket. Dumikit siya rito at kinuhaan ng litrato silang dalawa.
” Bakit hindi ka nakatingin sa camera?”
” Wala lang. Mas gusto kitang tingnan kesa sa Camera. Natutuwa kasi ako dahil napakasaya mo. Hindi na bago sakin ang lugar na ito. Kaya mas gusto kong namnamin mo ang ganda ng paligid. Kumuha ka lang ng kumuha ng picture. Remembrance mo. Kasi ilang araw na lang uuwi na tayo.”
” Ang lungkot naman. Pero kapag nagkatrabaho na ko at malaki yung sahod ko,babalik ako rito. ” Saad ni Schiyev.
” Sana kasama pa rin ako kapag dumating ang araw na iyon.”
” Hmm..hindi natin alam. Pero sa ngayon,i enjoy ko muna habang nasa harapan ko pa.” At bumalik na sa pagkuha ng pictures si Schiyev.
Tuwang tuwa si Bekket sa kakamasid sa kay Schiyev. Nalungkot tuloy siya dahil pagkatapos ng dalawang buwan,hindi na niya masisilayan ang...