(by: HeavenInHell)
Maang na nakatitig lamang siya kay Mrs. Villanovan na nananatili pa ring nakatingin sa kaniya, marahil ay naghihintay sa kasagutang maaari niyang ibigay.
Alam niya sa sarili niyang hindi niya dapat tanggihan ang ganitong mga bagay, ang ganitong mga pagkakataon. Lalong-lalo na sa sitwasyon niya ngayong kailangan na kailangan niya talaga ng pera.
Ngunit hindi kaya niya pagsisihan sa huli ang magiging desisyon niya? Mukhang wala namang masama kung tatanggapin niya ang alok ng ginang. Malaking tulong na rin iyon para sa kaniya at sa pag-aaral niya sa kolehiyo. Pero merong isang bagay na bumabagabag sa kalooban niya, hindi niya lang malaman kung ano.
Isang buntong-hininga muna ang kaniyang pinakawalan bago muling tumingin sa taong kaharap.
“O-okay po Ma’am. Payag po ako.” medyo nagaalinlangan pang sambit niya.
Halos hindi na rin siya makatingin dito sapagkat nahihiya siya sa maaaring maipintas sa kaniya ng ginang.
Marahil ay isipin na nitong isa siyang mapagsamatalang babae kung kaya’t bigla-bigla niyang sinunggaban ang alok nito dahil lamang sa pera.
Ngunit mabilis din niyang pinalis ang isiping iyon. Alam naman niyang hindi ito ganoong klaseng tao. Unang kita niya pa lang sa ginang ay alam niya niyang napakabuti nito.
“Alright! It settled then, by the way, wag mo na akong tawaging Ma’am. Just call me Mama or Mommy na lang iha.”
Isang tipid na ngiti lamang ang isinukli niya dito. Napakabait talaga ng matandang ito, tuloy ay hindi niya lubos maisip kung paanong nagkaroon ito ng anak na kagaya ni Dhelord. Walang duda, malamang nagmana sa ama.
Napa-iling iling na lamang siya nang biglang may sumagi sa kaniyang isipan.
Napatingin siya sa kaniyang relo bago mariing napapikit. Hindi niya man lang namalayan ang oras.
‘Mag-aala singko na pala?! Sh*t! Kailangan ko nang umuwi at maghanda. Baka ma-late na naman ako nito sa trabaho.’
Mabilis niyang kinuha ang kaniyang shoulder bag na ang tanging laman lamang ay ang kaniyang cellphone at wallet.
“A-ahmm… magpapaalam na po sana ako Ma’am ay este M-mama pala. Kailangan ko na pong kasi talagang umuwi.”
Mapagpaumanhing saad niya. Akmang tatayo na sana siya ng bigla itong magsalita.
“W-wait! What! Hindi ka pa pwedeng umalis iha!”
Pigil sa kaniya ng ginang. Malumanay na nakahawak ang kanang kamay nito sa braso niya. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pag-aalala.
‘Teka lang? Bakit pag-aalala?’
“You can’t go home right now, iha? Natutulog pa ang anak ko.”
“Ano pong kinalaman ng anak niyo sa pag-alis ko?” nagtataka kong tanong.
“You see, maaari na namang magwala ang anak ko kapag hindi ka niya nasilayan sa paggising niya. And I can’t barely see him like that anymore. Tama na sa’kin ang halos ilang taong paghihirap ng anak ko.”
“P-pero kaila…”
Hindi na niya natapos ang sasabihin ng...