POLICE LIEUTENANT TJ DE LEON arrested my HEART❤ Chapter 15:


Author’s note📝
(This is based on a true story but the characters,places and conversations are fictional only📌)
📍TJ POV📍
After ng sagutan namin ni Rhian,hindi na siya umimik so I asked her a sorry, paawa effect..so I decide na ihatid na siya pauwi but she insist na magbus na lang siya.Ewan,takot ito baka makita daw siya ng Family niya na nagsama kami.She be there in a bus,pero nakasunod ang sasakyan ko sa bus for her safety na rin.Nang bumaba siya at pumasok sa bahay nila,doon na rin ako umalis.Ang sarap sana makibonding sa Family nila na enjoy na enjoy pero hindi pa ako wini-welcome ni Rhian sa Family niya.
Pagdating ng Apartment,agad kong tinawagan si Rhian pero hindi sumasagot.
”Sasagutin mo ba ang mga tawag ko o babalik ako diyan sa bahay nyo..ang saya diyan mukhang mag-eenjoy talaga ako kina Mama at Papa..” text ko sa kanya
“Mama at Papa mukha mo!!” reply niya halatang galit at agad niyang sinagot ang tawag ko.Takot pala!
“Oh,anong kailangan mo?” saad niya agad na nakataas ang kilay.
“Wala lang,masama bang tumawag?di ba pwedeng na miss lang kita?”
“Nakakadisturbo...


ka!!”
“Bakit?enjoy ka ba diyan kaya ayaw mo akong tumawag,”
“No,matutulog na ako kaya disturbo ka!”
“Matutulog ka na pala..huwag ka nang lumabas ha,maraming lalaki sa labas..baka maagaw ka nila,”
“Ok,boss..matutulog na ako mamaya” nakangiti niyang sagot
“Good Commander!!,siyangapala baby,aalis ako bukas papuntang training center..ihatid mo naman ako..” paglalambing ko sa kanya kahit wala kaming level,masakit iyon ha..
“Wow,bakit naman kita ihahatid?nasaan ba ang asawa mo?”
“Ikaw ang asawa ko,..sige na Rhian,gusto ko nandyan ka para maging inspirasyon sa mga gagawin ko..” paawa effect kong sabi
“Iba ka rin Mr.De Leon,ok what time ka aalis tomorrow?”
“6:30 am.I’ll trust you..”
“Ang aga naman,baka natulog pa ang kaluluwa ko niyan ,so don’t expect too much baka hindi kita mahatid..”
“Basta hihintayin kita..promise me?”
“Oh,sige na matulog na ako..goodnight”
“Goodnight baby,I love you..” sabi ko sa kanya at nagkiss sa screen ng laptop ko pero bigla niyang in-off without saying ‘I love you too’ man lang sana..
Magdamag kong inisip si Rhian,kakaiba talagang pag-ibig ang nararamdaman ko sa kanya.Sana bukas,hindi niya ako bibiguin na ihatid kahit wala siyang sasakyan.Ihahatid ko rin siya sa kanila para vice versa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top