Thank God I found You


7 years Live-In-Partner and counting. Hopefully soon to be married.

Lahat naman tayo ay nangangarap magkaroon ng Happy Ending, hindi man kagaya ng kwento ni Cinderella, Snow White at iba pang mga prinsesa ang mahalaga may taong tatanggap sayo sa kabila ng mapait mong Karanasan mula sa nakaraan. At ngayon nais kong ibahagi sa inyo ang Cheessy Story kung paano kami pinagtagpo ng Prince Charming kong si Genesis Louie Canoneo

Ang kwento namin ng aking Live-in partner ay mala teleserye. Marahil kung maririnig nila ang kwento ay hindi sila maniwala, madalas ang mga nakakarinig ay napapangiti laman, hindi mo mawari kung naniniwala nga.
Isa akong dating kasambahay, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa ako ay maagang nagka anak. Kinailangan ko makahanap ng trabaho agad upang matustusan ang pangangailangan ng anak ko gawa ng ang ama ay hindi ako pinanagutan. Ang aking Live-in partner naman ay graduate mula sa isang malaking Unibersidad. Kilala ang kanilang pamilya na may kaya sa buhay sa aming probinsya. Mula sa Maynila ay kinailangan niyang umuwi ng probinsya upang samahan ang kanyang lola na may sakit. Naghanap sila ng tiga pag alaga at yun na nga ako ang namasukan sa kanila. Duon kami nagka kilala at nagkalapit, sabi pa nga niya unang pagkikita palang ay na in love na siya sa akin. Hindi ako lubos makapaniwala nuon dahil may agwat ang aming antas ng pamumuhay pero sa huli ay naging kami din. Hindi ito nagustuhan ng kanyang pamilya kaya nag desisyon kami manirahan sa ibang probinsya. tinalikuran niya lahat ng luho na meron siya, iniwan niya ito at pinili...


na makasama ako. Kung dati ay may sarili siyang sasakyan at magagarang kagamitan, tinalikuran niya ito para lamang makapiling ako. Lumipas ang mga taon at ngayon 3 na ang aming mga anak. Bumalik na din kami sa aming probinsiya at dito na naninirahan sa bahay ng kanyang yumaong lola. Nakakausap na niya ang kanyang mga pamilya ngunit hindi parin ako tanggap. Hindi na naibalik ang dating meron siya subalit hindi ko nakita sa kanya ang panghihinayang. Bagkus ay nagsusumikap kami pareho upang ang dating mga binigay sa kanya ay maibalik namin sa paraang kami ang nagsumikap.Mahigit 7 years na kami pero hindi parin siya nagbago andun parin ang napapanatili niya ang pagiging ConCHEESEtent ng aming relasyong sa pamamagitan ng mga jokes, pagluluto, at pag aasikaso sa amin. Minsan nga isang araw lang kami hindi magkita akala mo isang taon na dahil tawag siya ng tawag at sasabihin niyan na mimiss na niya ako. Kakaalis ko palang mag tex na siya agad ng I miss you. Araw araw lagi niya ako sinasabihang maganda ako. kahit na tumaba na ako at minsan parang losyang, sasabihin niya parin maganda ako at yayakapin, hahalikan. Lagi pa niya ako pinapaalalahanang mag ayos. Pag nakita niyang hindi ako naka suklay, siya mismo ang magsusuklay sa akin. Kahit matanda na ako at may 3 nang anak, todo aruga parin siyan. Hindi man kami kinakasal pa pero nakikita ko na ang pagiging cheesy niya pang habang buhay na yata. Nagpapasalamat ako dahil ako man ay naging dalagang ina, tinanggap parin niya ako at sa tagal ng panahon, hindi siya nagbago.

09454381701






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top