‘Ano ba yan Danica. Kanina ka pa hikab ng hikab ah .. anong oras ka ba natulog kagabi? Nilingon ni Fria ang kapatid na nakaupo sa passenger’s seat ng kotse habang bumibyahe sila papunta sa hospital na inaaplyan ni Danica
‘Huh? A-ano teh?’ Nangangalahati ang mga mata ni Danica na nilingon ang ate.
‘Ang sabi ko anong oras ka nakatulog kagabi? Bakit parang wala kang tulog.. tignan mo na ngangalumata ka.. ‘
‘Nakatulog naman ako.. mga tatlong oras siguro..’
Napatingin si Danica sa rear mirror, nakita nya ang panakaw na sulyap ng bayaw sa kanya na para bang alam na nito ang dahilan kung bakit wala syang tulog ,agad na napabawi si Danica ng tingin at umiwas na magpakita sa salamin.
Nangingiting ibinalik ni Marco ang mga mata sa kalsada.
‘Ano! Tatlong oras?Ano ka ba naman..alam mong mayinterview ngaun tapos nagpakapuyat ka! hay naku Danica ha! Pag ikaw hindi nakapasa pasa sa mga interview naku.. uuwi ka talaga ng pilipinas!! Nagiging pabaya ka..’
‘Fria..’ mahinahong sinuway ni Marco ang nag gagalaiting asawa.
‘Naiinis lang ako.. parang walang iniintindi .. gingawang biro ang interview.. aba dito nakasalalay ang future mo kaya dapat -‘
‘Honey.. stop nagging her.. lalong maprepressure ang kapatid mo eh.. suportahan mo na lang.. hindi makakatulong yang panenermon mo..’
Tila naman naputulan ng dila ang ate nya at sa wakas pinili na lang na tumahimik.
Napa thank you ng lihim si Danica sa ginawang pagtatanggol sa kanya ng bayaw.
Malaki rin ang pasasalamat nya dahil wala itong binanggit na kahit ano sa kanyang ate tungkol sa nangyari.
Bwisit kasing Clark na yun..
Muli nyang napabuntungan ang binata.
Hindi ako pinatulog sa ginawa nya..
Pano ka banaman makakatulog kung sa twing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha nya ang lagi kong nakikita..
Tapos yung halik nya.. hindi maalis alis sa isip ko..
Masyado nyang ginulo ang utak kagabi..
kakainis..
Talagang hindi na mauulit yun…
Namimihasa na sya.. hindi ko naman sya boyfriend pero kung makahalik sya sakin kala mo pag aari nya ako! Grr….
Kalma Danica.. tandaan mo .. interview mo ngaun.. alalahanin mo ang dahilan kung bakit napadpad ka dito sa tate.. mag focus ka sa mas importanteng bagay.. inhale.. exhale.. hay.. Lord.. kayo na pong bahala sa kin. Ipasa nyu lang ako sa interview ko ngaun promise kahit hindi na ako mag boboyfriend okay lang.. bigyan nyu lang ako ng work agad.. para matuwa naman ang ate ko sa kin..
Kanina pa nakatitig si Clark sa hawak hawak nitong papel.
Nakailang ulit na nyang binasa ang nakasaad na report dito pero tila hindi pumapasok sa utak nya ang nilalaman nito.
Damn.. i cant do this..
Im literally not getting anywhere
My mind is drifting away..
‘Tok!tok!
‘Yes..’
‘Um.. Clark. Did you check the schedule i made this morning? ‘ bungad ni Claire sa kanya pagbukas nito ng pintuan ng kanyang opisina.
‘Huh? Um.. not yet..hindi ko pa kasi tapos basahin ang mga ito..’
‘Thats weird.. kanina mo pa binabasa yan ha.. dati rati naman wala pang thirty minutes nakagawa ka na ng feedback form nyan.. is there something bothering you?’
‘Ha? Um.. wala naman.. hindi lang siguro ako nakatulog masyado kagabi.. ‘
‘Okay.. coffee ?’
‘Huh?’
‘I said how about a coffee.. baka sakaling magising ang isip mo.. you look disoriented.. ‘
‘Is that so.. do i really look terrible? ‘
‘Yeah.. but dont worry ikaw parin naman ang pinakagwapong naging boss ko..’
‘Oh really.. now i feel awake.. thanks..’
‘Hahaha.. see.. im really more than just a secretary for you.. i can be anything you want me to be…‘ she slowly move to clarks side and without any hesitation she seated on his lap with her...