The Story Of Us**Book2**Part8❤️❤️😍😍


Kapag may dimple ka..Wag mo akong ngitian,baka hindi kita makalimutan,😛😛..

**
CHApter 8 ..

NagmaHaL..
Nasaktan..
Nagpaganda !!


Wala pang labing limang minuto ng marating namin ni Jecca ang sikat na parlor sa bayan..
Napilit na naman nya ako na bagugin ang sarili ko dahil sa pinagdaanan ko!

Para daw maka move on!Kaylangan ko daw magpaganda..Sa totoo Lang,ayuko sanang makinig sa kanya..kase nga..ayaw ko naman talaga mag move On!Ayukong kalimutan si Jed,at ang masasayang ala ala namin,hanggang ngayon kasi ay umaasa parin ang puso ko na magbabalik pa sya..at willing ako maghintay,,kahit gaanu pa iyon katagaL..pero dahil makulit si Jecca at dahil narin sa pakikisama ay heto,, Nagdesisyon akong sumama sa kanya ..

“,Hello mga magaganda.. “,

Tatlong bakla ang sumalubong sa amin pagpasok namin ng parLor,tila ba nag uunahan.. gayunpaman may mga ilang costumer pang nakapila,ang iba ay nagpapaunt ng buhok,nagpapakulot at nagpapagupit..

“,Pagandahin nyo pa lalo tong kaibigan ko..”, nakangising sagot ni Jecca sa pinaka chaka na bakla na naroon..”,magpapagupit sya,yung gupit para maka move on.. “,

Pinanlakihan ko sya ng mata upang mag warning na tumigil na sya,kulang nalang kasi ay ibroadcast nya ang lovelife kong nasira..

“,Ayyy..kayang kaya ko yan.. “,isa sa mga bakla na naroon ang excited na lumapit sa akin..”,sa palagay ko,kaylangan hanggang dito lang ang maging buhok mo… “,ipinatong nya sa ibaba ng tenga ko ang isang kamay upang maintindihan ko ang tinutukoy nya..

“,Ayuko ng sobrang iksi.. kahit lampas balikat lang ..”,..

Pinaikot ni Jecca ang mga mata,,killjoy na yata ang tingin nya sa akin ngayon,base sa sinabi at ginawa ng bakla alam kung lampas sa tenga lang ang gusto nyang igupit sa akin,at ayuko naman yun..at kung papayag man ako,ito ang unang beses na magpapagupit ako ng ganuon kaiksi..

“,Ano ba Ella, ipagkatiwala mo na sa kanila yang buhok mo..mas alam nila yung babagay sayo.. “, paalala ni Jecca..

Yah.. ipagkatiwala?ano daw??wala din ako tiwala sa salitang yun,kasi nung minsang ipinagkatiwala ko ang puso ko..may sira ulong bumasag nito..

“,Oo nga girl,kung gusto mong mag move on,, umpisahan natin ito sa buhok mo..”,at kumampi narin si bakla sa kaibigan kong praning..

Saglit muna akong nag isip at kinalkula sa aking isip kung papayag ba ako sa kalokohan ni Jecca ..but then napag isip isip ko din na wala namang mawawala sa akin kung gagawin ko ito..isa pa,sawa narin ako sa lumang looks ko,,yung lagi lang akong kontento na nakalugay lang ito at nakapusod,minsan pa nga kapag tinatamad ako ay hindi ko nalang ito sinusuklay pa.. isa pa wala narin naman yung taong palaging nagsasabi sa akin ng mga salitang..
“MAGANDA KA ELLA,,HINDI MO KAYLANGANG MAGBAGO..DAHIL ANG KAGANDAHAN MO MASARAP PAGMASDAN,PARA ITONG KALIKASAN..NAPAKA PURO !! “,

Wala na ang taong yun ngayon..sumama na sya s iba..

Kaya naman pagkatapos kong makapag isip isip ay pumayag narin ako..

***.
“,Andyan na si Pogi… “,

Nakaupo ako sa waiting area dahil may costumer pa si Bakla ng mapatili ito..mula sa paggugupit sa costumer nito ay tila ba kinikilig ito habang nakatingin sa labas..

“,Asan???.. “,,sinundan ng isa pang bakla na naroon ang mga mata nito..

“,Mabubuo na naman ang araw ko dahil nakita ko na naman ang inspirasyon ko.. “,

“,Hoy wag na kayong mangarap,di kayo papansinin nyan kahit pa ibenta nyo ang kidney nyo… “,..

Nahimas himas ko ang noo dahil hindi ko magets kung sino ba ang pinag uusapan nila..
Napatingin ako kay Jecca, kasalukuyan na syang nagpapalinis ng kuko sa paa..

Sa totoo lang naiinip na ako at nababagot pa,,
Pero no choice ako kundi maghintay na lamang,,isa pa..malapit naman na matapos si Bakla…

“,Ang hard mo naman sa amin sissy,,mabait naman yang si Pogi eh,,alam mo bang nung nagpa tattoo ako sa kanya sa pwet binigyan nya ako ng discount..ayy grabeh dahil sa ginawa nyang yun hindi ako nakatulog magdamag.. “,..

“,Hoy malandi,hindi lang ikaw ang nakapag moment kay pogi noh ..alam mo ba nung isang araw hinatiran ko sya ng pagkain agad nya yung kinain without tanong tanong kung may gayuma ba yun o wala?ang kaso..hindi parin tumatalab sa kanya yung gayuma na inilagay ko kasi hanggang ngayon di parin nya napapansin ang kagandahan ko.. “,

Ako naman ang nagpaikot ng mata sa ere,sino ba yung alyas pogi na pinag uusapan nila at mukhang patay na patay sila?gwapo kaya yun?
O yummy kaya para umakto sila na parang sinasapian sa kilig???..

Pero nag eenjoy naman yung ibang mga costumer nila dahil nakangiti nalang na nakikinig sa usapan nila, gayumpaman hindi naman sila humihinto sa trabaho nila..

“,Oh my God..kaylangan ko na talaga ng oxygen..im gonna die !!! “,Tili pa ng isang baklang naroon….

Dahil naintriga ako sa kung anong pinag uusapan nila at hindi ko na yun ma take ay sinundan ko ang pinagtutuunan ng atensyon nila..

At natagpuan ko yun sa labas.. ! Dahil sa tumatagos na salamin ang kabuuan ng salon ay kitang kita ko mula sa labas ang view na kanina pa tinatamasa ng mga bakla..

Oh My God.. feeling ko lumuwag ang garter ng suot kong panty na may tatak na SO’EN dahil sa magandang tanawin na nasa Labas..

Mula sa kabilang kalsada ay tanaw ko ang isang lalaking kina’car wash ang kulay pulang sports car..

Walang babaeng dumadaan sa harap nito ang hindi mapapatingin dito..The guy was so Hot,mas hot pa sa summer,..he is so yummy also,ah kaya naman pala kinababaliwan ito ng mga kabaklaan at pinapatigil nito ang mundo nila ..

Kahit sinong makakita sa lalaki,hindi pwedeng hindi sya mapansin!hindi dahil sa pogi sya kundi dahil sa halos buong katawan nya yata ay puno na ng tattoo.. May six packs abs ang lalaki at napakaperperkto na pagkakalapat ng abs nya sa katawan..nag gygym siguro!!

Malaki ang katawan nya,kayumanggi lamang ang kulay nya kaya naman nangingintab iyon dahil sa malakas ng sinag ng araw.. at dahil malaki ang katawan nya nakakalaglag panga din ang muscles nya na sa tuwing gumagalaw ito ay umaakyat pababa ang mga iyon..higit sa lahat na agad pansin sa kanya ay ang suot nyang brief na may makapal na garter na may tatak na Bench!! ..tapos ay nakapantalon sya ng loose.. okay ! mukha syang pang playgirl magazine ! Yung pinagpapantasyahan ng mga babae bago matuloy..

Napaismid ako,lalo na ng makitang isang grupo ng kababaihan ang tila nagpapansin sa lalaki.. tila sila mga bulateng naasinan ng kausapin sila ng lalaki..Anluwag ng pagkakangiti ng lalaking yun at lalo lamang tuloy lumalalim ang dimple nya.. at bago umalis ang grupong iyon ay kumaway muna ang mga ito at nag uunahan ng tumakbo sa kilig!

Ayy..nakaka imbyerna,andami ng problema ng mundo ay ganito pa ang makikita ko..hmmp!

Peo kahit ganuon ay hindi ko matanggal ang tingin ko sa lalaki.. na ng mga sandaling yun ay may buhat buhat ng isang balde ng tubig at isinaboy iyon sa puro sabon na kotse.. !!..

Nakatingin parin ako sa kanya ng biglang mapahinto sa ginagawa ang lalaki,tila yata naramdaman nya na may mga matang nakatingin sa gawi nya at bigla nalamang napatingin sa kinaroroonan ko!

Shit ..!..

Naitaas ko ang hawak na bag at itinakip ko sa mukha ko,dahil sa hindi naman tinted ang salamin sa salon ay paniguradong nakita ako ng lalaking yun na nakatingin sa kanya..the worst part,pinagnasaan ko sya..hmp!malandi..

Napapikit ako,sana hindi nya ako nakita,sana at sana.. hindi nya ako NAKILALA !!!

***..
MAGKAkasabay kaming lumingon sa pintuan ng tumunog ang wind chimes na sign na may taong pumasok sa loob…

Nagsimula na akong gupitan ng mga oras na yun ni Bakla..pero napatanga na lamang kami ng makita kung sino ang taong iniluwa ng pintuan..

“,Oh my God!.. “,isang bakla ang umarte na kunwari ay nangingisay na sa kilig dahil sa taong kapapasok lang!!….

Napangiti lang naman ang taong yun pagkatapos ay bumaling sa akin.. nagtama ang mga mata namin at—-kumabog ang traydor kong puso..

“,Sabi ko na nga ba,ikaw yan eh.. “,sabi ni Jake ng makaharap ako..si Jake yung lalaki sa labAs kanina,,yung nagkacarwash .. ang kaibahan lang,,may damit na sya ngayon at hindi na nakikita ang brief nya..

Lahat ng mga matang naroon ay nafocus sa akin..Ang lahat ng mga matang yun may mababakas ang inggit at tila sinasabing napakaswerte ko dahil pinapansin ako ni Jake ngayon..

Saglit kong sinulyapan si Jecca,,nanunudyo ang mga matang nakatingin sya sa akin..Mukhang nag eenjoy syang makita ako na may kausap na ibang lalaki..hindi ko naman sya masisisi, pagkatapos ng break up namin ni Jed ay nagalit na sila ni Iya sa kanya,,isa rin si Jecca sa nag cheer up sa akin ng mga panahong lubog pa ako dala ng sakit!! Si Jecca din ang nagsabi sa akin ng mga katagang..
“KAPAG NASAKTAN KA,LUMANDI KANG GAGA KA!”,

Kaya pakiramdam ko nagpipiyesta na ang mga cell ni Jecca ngayon sa saya.. Pero maging masaya pa ba sya pag nalaman nyang isa na namang pinsan ni Jed si Jake??..at gusto kong iwasan ang mga taong may kinalaman sa kanya,isa pa kung sakaling maka move on man ako,,at makahanap ako ng higit pa kay Jed,im gonna sure na hindi si Jake ang taong yun,lalong lalo naman si Kyle.. ayuko ng ma: involved sa kanilang tatlo…pass muna ang puso ko !!..

***
“, Ihahatid kita mamaya,may shop ako dyan sa tapat, hihintayin nalang kita pagtapos mo.
“,bago lumabas si...


Jake ay sabi nya,, kumindat pa sya sa akin..

Matagal na syang nakaalis ay nakatulala parin ako sa pintuang nilisan nya..putek!hindi ko mahagilap ang kamalayan ko dahil sa sinabi nyang yun..

“,Hoy .. impakta..”,,,kung di pa ako binatukan ni Jecca ay dipa ako makakabalik sa katinuan”,…
“,sino yung yummy na yun?grabe ka hah,nagpaputol kana ng hair mo pero feeling ko ang haba pa rin nya, kainggit ka hmmp!!”,
kunwari nagtatampo si Jecca..

“,Oo nga,nakakainggit ka naman,”,,kandahaba ang nguso ng isang bakla na naroon..nagseselos sa nasaksihan..

“,,Alam mo bang isang dekada na ang nakakaraan bago sya pumunta dito?tapos ikaw lang pala ang pupuntahan nya dito??,ano bang wala sa akin na meron sayo??..”,..

Humagalpak ako ng tawa,iniisip ba ng mga ito ng may something kami ni Jake?daahhh!!

“,Kung alam ko lang na may ganap kayo ni Poge,di sana kinalbo na kita.. “,,biro pa ng baklang gumupit sa akin..Hmmn,buti nalang maganda ang gupit nya kundi papatulan ko sya..pero alam ko namang nagbibiro lang sila,,ang hindi ko ma take ay si Jecca,im sure..
ipapakwento na naman nya sa akin ng detalyado kung anong meron sa amin ni Jake,,at hindi pwedeng maglihim ako sa kanya dahil mas matalino pa sya sa Detective Conan.

***
Kung may traydor man na kaibigan ..si Jecca na siguro yun .. Nauna na syang umuwe sa akin,syepmpre pa,para asarin lamang ako..para daw makapag moment kami ni Jake..at hindi daw yun mangyayari kung sasama pa sya sa akin,,kaai nga ako lang naman daw ang niyaya ni Jake na ihatid at hindi pati sya..

Gusto kong tumakas kay Jake,ayukong magpahatid sa kanya,may kalayuan naman ang apartment ko sa bayan pero mas titiisin ko nalang kahit magkakalyo sa paglalakad ang mga paa ko keysa naman magpahatid ako sa kanya..

Ganap ng alas syete ng gabi ng lumabas ako ng parlor,buo na ang pasya kung takasan si Jake pero di ko yun nagawa ng makitang nasa tapat ko na pala ang kotse nya ..

Mabilis na bumaba si Jake sa kotse ng makita ako.. “,,Lets go ..”,sabi nyang nakangiti,damn hes dimples,,nakakainggit.. bat ba kasi imbes na dimple ang meron sa akin ay pimples pa ang ibinigay ng Diyos sa akin???..

At dahil uso mag inarte paminsan minsan.. “,Jake hindi mo to kaylangang gawin ..”,tumanggi ako..sabi ko nga diba ayuko ng mainvolved sa kanila..

Nawala ang magandang ngiti sa mga labi nya sa sinabi ko.. “,Bakit naman?para nagmamagandang loob lang naman ako eh.. “,

“,Alam ko naman na kaya mo to ginagawa ay dahil kay Jed.. Nakokonsensya kaba sa ginawa nya dahil pinsan mo sya?na kaylangan mong maging nice sa akin… para kahit papanu ay gumaan ang loob ko??..sorry pero wala ka naman kinalaman sa amin ni Jed,labas ka sa kung anuman ang nangyari sa amin,kaya hindi mo ito kaylangang gawin.. “,,oo ngat may utang na loob ako sa kanya dahil iniligtas nya ako dati pero sampung beses na akong nagpasalamat sa kanya and i guess sapat na yun para mabayaran ko sya.. kaya hanggat maaga kaylangan ko ng putulin lahat ng koneksyon ko sa Kay Jed,,at sisimulan ko to kay Jake.. isusunod ko nalang si Kyle,siguro…

Dahil saglit na natigilan si Jake ay inakala kong nainis sya,pero.. nagulat ako ng bigla syang tumawa..”,seryoso?yan talaga ang iniisip mo sa akin?well..hindi about kay Jed tong ginagawa ko,this is about me and my fucking behavior..i saw you kanina alangan namang hindi kita pansinin diba?hindi ba mas parang nakakabastos naman kung pagkatapos kitang makita ay lagpasan nalang kita?but sorry to say but thats not in my vocabulary..kahit sinong kakilala kong tao ang nakikita ko inooffer ko ng ride .. at dahil hindi ka naman ibang tao sa akin ay heto ako..inaalok kitang ihatid..kaya wag ka ng mag isip ng kung ano ano..now.. get in .. *,”,.

Napahiya nalang ako sa mahabang sinabi nya.oo nga naman may point naman sya,after all naging ex ko din ang pinsan nya..kaya nman siguro nagmamagandang loob nalang sya,,kaso..bakit parang nararamdaman kong may malisya sa akin?or guni guni ko lang..

Ng hindi ako kumilos agad ay muli syang nagsalita .

“, Siguro naman mahal mo pa ang buhay mo at hindi mo gugustuhing pagtulungan ka ng mga bakla dito??..”,

Lumingon ako sa shop na pinanggalingan ko at nakita kong ansama ng tingin ng mga baklang barbero sa akin..Bigla akong natakot kundi lang ngumiti na naman si Jake sa akin..

“,Get in.. “,pang uulit nya at pinagbuksan nya pa ako ng pinto ..hes so gentleman..at wala na akong nagawa ng halos itulak na nya ako papasok dahil malapit na akong sugurin ng mga bakla.. im Glad kasi kaninang nagpagupit ako ay hindi naman nila ako kinalbo despite sa pagseselos nila..

At dapat ko iyong ipagpasalamat..

**..
..
Ng tumapat kami sa pintuan ng apartment ay mabilis na bumaba si Jake ng maihinto na nya ang kotse,,at dahil likas na sa kanya ang paguging gentlemen ay nag abala na naman syang pagbuksan ako ng pinto..

“,So kayo na pala ang nag dedate ngayon??”,

Pagbaba ko ng kotse ay magkasabay naming nilingon ang tinig mula sa likuran..

Kumunot ang noo ko ng makita ko si Kyle,madilim ang anyo at tila ba mas brokenhearted pa ang itsura nya keysa sa akin,
Lalo akong naguluhan ng makita ko ang dala dala nyang supot..ah take out mula sa McDonald’s??.. ayukong sanang mag assume pero para sa akin kaya yun?..hinintay ba ako ni Kyle??..

Marami pa sana akong gustong itanong mula sa naguguluhang kong isipan pero hindi ko na yun naituloy ng bigla nalang bitiwan ni Kyle ang hawak na supot..Natapon sa lupa ang softdrinks nito…

Then kusa akong napatili ng bigla na lang nyang sinugod si Jake at walang ano anong sinuntok ito !! ..

Sa lakas ng suntok nya,tumama sa dashboard ang mukha ni Jake..

“,Kyle ano ba ,tama na ! “,Pinigil ko si Jake ng tangkain nyang sugurin pa ulit si Jake..

Ah si Jake,mukhang nakabawi na sya sa pagkakagulat at naiintindihan na nya ang pangyayari.. napatayo sya ng tuwid at inayos ang sarili.. napamura pa ito ng makapa sa bibig na may dugo iyon.. pero mas okay narin yung bibig nya ang napuruhan,keysa naman yung mukha nyang tumama sa dashboard,,…atleast hindi dumugo mukha nya,,yung mukhang sinasamba ng mga kabaklaan..

“,Kyle tama na !! “,, mariin kong saad kay Kyle..

“,Hayaan mo sya Ella,..gusto nyang makatama?okay lang pagbibigyan ko sya.. “,nakangisi pang sagot ni Jake,,baliw na yata,at mukhang nag enjoy pa sya na nasapak na sya at putok pa ang bibig.. lalo pa syang dumipa at inasar pa lalo si Kyle..wala yatang balak lumaban si Jake sa pinsan nya.. kasi nga kahit papanu ay pinsan nya parin ito !!

At lalo ko lang tuloy naisip na lalong lumayo sa mga ito,,i mean..oo ngat lahi silang gwapo pero may lahi din silang basagulero..san bang lugar sila galing??sa BUGBUGAN STREET,SUERTE MAKAILAG??.. At hindi kaya sila mabubuhay ng walang nasasapak??

At si Kyle?anong pinaglalaban nya ngayon..

“,Alam ko namang fuckboy ka,Jake,bilib nga ako sayo eh..lahat ng babaeng gusto mo,kaya mong kunin..pero sana naman wag mo ng pakialaman pa si Ella ! “,.

The hell..ano bang pinagsasabi ni Kyle? para hinatid lang ako ni Jake eh.. iniisip na ba nya na malandi na ako dahil pangalawang beses na ito na nakita nya kaming magkasama?pero wala naman kaming ginagawang masama?..kaya anong dinadrama ni Kyle?dinamay pa nyang sinayang yung coke ng Mcdo..sayang natapon tuloy..

“,Eh ano bang pakialam mo,Kyle?babae din naman si Ella ah..at masama ba kung isama ko sya sa pila.. “,

Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Jake,alam kong iniinis lamang nya si Kyle..pero nasaktan naman ako sa isiping para namang ginawa nila akong bola ng Basketball nyan,pingapapasa pasaan.. Awww!
.
It really hearts..

“,Then back out Jake,,kasi hindi kita hahayaan..”,

Then nagtitigan silang magpinsan..parang may kidlat na namagitan sa kanilang dalawa,,napaisip tuloy ako,may galit din ba sila sa isat isa kaya may pinaghuhugutan talaga sila ng lakas ng loob na magpipinsan na magbugbugan? hindi ba sila pwedeng mag usap ng maayos..

“,Alam ko namang kay Jed ka kampi,Jake..pero kahit magsama pa kayo ng kupal na yun wala akong paki,now kung may balak ka kay Ella ngayong wala na si Jed..itigil mo na,,kasi habang nandito ako..hindi mo yun magagawa!”,

Nakita kong pinigil ni Jake ang namumuong galit dahil sa sinabi ni Kyle.. “,Alam ko rin namang ganundin ang balak mo,Pinsan..”,pinagdiinan ni Jake ang salitang “Pinsan”..”,alam kong matagal mo narin naman hinihiling na mawala si Jed diba?..at dahil hiniling mo nga yun ay heto,wala na nga sya..
Pero ako man hindi ko hahayaan na magtagumpay ka kung may balak ka pa..Now wawarningan kita bago ko pa makalimutan na kadugo kita…STAY AWAY FROM ELLA!! “,..

Kung ibang babae siguro,malamang ay nagwindang na ang puso nila sa saya dahil lumalabas na pinag aagawan sila pero hindi eh., pakiramdam ko ngayon .. ayuko ng nangyayaring ito,hindi ko to gusto .. ! hindi ko hiniling hindi ko pinangarap.. Uso namang mag move on mag isa diba?pero panu ko to gagawin kong pagkatapos ko sa isa ay heto at may dalawang gwapo pang nakapila?

Anong gagawin ko?sana pala hindi nalang ako naging si Ella.. mas gugustuhin ko pang maging nobody nalang keysa naman ganito,feeling ko ako pa ang sumira ng relasyon nilang magkakadugo .. ayuko na mh






Share On Whatsapp

"9" Comments
  1. sana all may ipinaglalaban ka ❤❤❤

  2. …hmmmn.. how to be ella po haha

  3. Sana all

  4. asan n poh part 9 ng book 2 nkakabitin magbsa ganda ng story

  5. .. Sana maka update ako mmaya hehe.. ❤️😘

  6. nice story..kakabitin

  7. sana oll pinag aagawan..nxt na po pleaseeeeeee

  8. wow nmn tlgang haba ng buhok ni ella pinag aagawan next na pls pls excited much

  9. naks ganda mo ella haba pa ng buhok

Leave a Reply


top