I hate you, James
-By: Raiehme Delacroix
-Genre: Love Story
///Errors and typo grammatical errors ahead///
I’m Aiah Precar simple lang ang buhay ko, anak lang ng isang maid.
Yes mahirap lang kami pero ginagawa parin ni mama lahat ng makakaya nya para sa pangangailangan namin araw araw.
Isang araw kasama ko si mama sa mansion ng amo nya, wala naman akong gagawin kaya tinulungan ko syang magpunas sa mga bintana. Maya maya lang may naghagis ng putik sa bintana at agad naman na ikina galit ko iyon.
Kaya tumakbo ako papalabas at tinapunan yung lalaki ng tubig na ginamit ko pang punas sa bintana.
“Nababaliw kana ba bata, ha?” galit na galit nyang sabi sakin.
Gusto ko syang sipa sipain pero pinigilan ako ni mama.
“Aiah tigilan mo yan, mag sorry ka kay James” utos sakin ni mama. At doon ko nalaman ang pangalan ng lalaki, James.
—–
“Aiah! Hoy Aiah!” tawag sakin ng mokong.
“Kanina kapa tinatawag ni ma’am, HAHAHA lagot ka” natatawa nya pang sabe.
“Ms. Precar kung wala kang interesadong makinig sa klase ko, bukas yung pinto pwede kanang lumabas.” sabi nya sakin kasabay ang itsura nyang may pagka dismayado.
Nanahimik lang ako kase nakakahiya at naiinis ako sa itsura nung kumag na yon.
Tumango nalang ako sa teacher namin at nakinig nalang sa kanya. Hays mamaya ka talaga sakin James.
Maya maya lang at dumating na ang lunch break kaya inayos ko muna ang mga gamit bago ako lalabas ng classroom.
Papalabas na sana ako ng classroom nang bigla namang nangangasar ulet si James.
“Hoy Aiah! kaya di ka nakinig kanina noh kase nasa isip moko” nangaasar na sabe nya. Gago ang kapal ng mukha.
“Hoy kumag, kapal mo ah! sino kaba para isipin ko? Pwede ba bad trip nanga ako dumagdag kapa hayop”
“Oi oi oi ano yan? yieeee tanghaling tapat nagaasaran yung lovebirds”
“Sa kaka-asar nyung yan tamo magkakatuluyan kayo nyan, yieee ship! barko barko!”
“James and Aiah, boom Jamaiah”
“Sabi panga nila THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE” pangaasar pa nilang lahat saming dalawa.
“Magsi tigil nga kayo! study first ako noh, tsaka bat ako magkaka gusto sa kumag nayan ehh di naman sya pasok sa standards ko che!” nagmamalditang sagot ko sa kanila.
“O baka naman gusto mo talaga ako Aiah?” nakangising sabe ni kumag.
“Pshhh ket babaliktad pa ang mundo, I hate you! I hate you James!” sigaw ko sa kanya.
“I love you too” tipid nyang sagot na ikina pupula nmn ng mga pisngi ko.
Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ko kaya sinampal ko nlng sya sabay lumabas na. Hindi ko alam kung bat ko nagawa yun huhu, good luck nalang sakin kung anong mangyayare sunod.
—–
“Ito yung bayad, wag mona suklian” binigyan ako nung babae ng 1k ket limang pirasong mansanas lang naman ang binili nya.
“Wag po ate, eto napo sukli nyu” nagmamadaling kumuha ng panukli sa wallet ko dahil nakakahiya namang tumanggap ng malaki diba?
“No need, itago mo nalang yan.” huling sabi nya sabay umalis na.
Wow grabe ganyan ba pag mayaman? pshhh hayaan mona at least may 1k ako diba? ang nakakainis lang sa mga mayayaman ay hambog tskk.
Todo bantay parin ako dito sa paninda ni mama nang bigla na naman natanaw ng mga mata ko si James.
“Hi manang Aiah” nangangasar nyang sabi.
Tangina naman oh panira talaga ng araw ang kumag na toh.
“Ano na naman ha?”
“Oh chill ka naman jan oh, bibili lang ng mansanas eh. Magkano isa?” tanong nya habang tinuturo turo nya ang mga ito.
“30 pesos ang isa, 100 pesos pag apat” sagot ko sa kanya habang naghahanda ng supot.
“Sige apat nga” aniya
Binalot kona yung mansanas nya sabay bigay sa kanya toh.
Bago kopa makuha yung bayad ay agad na may ibang humablot sabay tubakbo ng mabilis dala yung mansanas ni James.
Malamang hinabol ko yung magnanakaw pero may dala pala syang patalim. Shuta bat ko kase hinabol huhu, pwede pa naman ako kumita doon sa mga natira pang mansanas diba? huhuhu ang tanga mo Aiah di ka nagiisip.
Bago pako lapitan nito para saksakin ay napatumba naman sya ni James ng isang suntok lang. Wow ang lakas.
“Gutom nako tapos nanakawan mo lang ako ng mansanas, abay gago ka ah!” pasigaw na sabe nya doon sa lalaki tsaka masama rin ang tingin. Tumakbo na papalayo yung lalaki, natakot ata kay James.
Totoo bang niligtas nya ako O sadyang gutom lang talaga sya.
“Here, take it” may inabot sya sakin na isang daan sabay nag skate na sya papalayo dala yung mansanas.
—–
Natanaw ng mga mata ko si James na nagiisang kumain sa canteen. Bumili ako ng dalawang medium burger, dali daling tumakbo sa table ni James at tinabihan sya.
Nagulat naman ito pero tuloy parin sya sa pagkain. “Here” kinuha ko yung kamay nya sabay nilagay doon yung isang burger na binili ko.
Nagtataka sya nung una pero tinanggap nya naman. “Thank you” dagdag ko pa. Medyo nahihiya ako kase ngayon lang ako nag thank you sa kanya, sa isang James San Diego.
Naglalakad ako sa daan papauwi nang bigla namang sumulpot sa harap ko si James kasabay ng bisikleta nya. “Tara”
“Ha? Anong tara?” nagtatakang tanong ko.
“Ihahatid kita pauwi malamang, baka mapano kapa ang hina mopa naman HAHAHA” nangangasar pa nyang sabe.
Simula sa araw na yun ay meron nakong kaibigan, di ko akalaing magiging kaibigan ko tong kumag na toh. Kahit minsan inaasar nya ako, kahit minsan binibiro nya ako, kahit minsan nanggagago sya na realized ko na worth it naman pala maging kaibigan si James. Dahil sa lahat ng oras ay sya lang ang nandiyan para sakin, at sya lang din ang nakakaintindi sakin.
“Mama! tignan mo” dali dali akong bumaba papunta sa kwarto ni mama para ipakita sa kanya yung poster na free scholarship for college.
“Wow, Aiah free scholarship! nakapag register kana ba?” tanong sakin ni mama.
“Hindi pa ma, pero bukas magpapa register ako. Need lang naman mag take ng exam nila tapos pag nakapasa… Free college papuntang America aaaaaaaackk” Excited na sabi ko sa kanya.
“Pupunta kang America?” narinig ko yung boses ni James sa likuran ko.
“Yes James!” pinakita ko sa kanya yung poster.
“Hindi pwede”
“Huh? bakit naman?” tanong ko.
Laking pagtataka ko lang kase tinaasan nya ako ng boses habang sinasabi ang mga salitang yun.
“I-I mean… good for you” ngiti nya sabay yakap sakin ng mahigpit.
Ang weird ni James ngayon pero hinayaan ko nalang muna.
—–
Inaya ako ni James sa mansion nya, “Ang laki!” saad ko. Pero nung makapasok nako sa loob ay puno ng pagkagulat at panghinayang ang kalooban ko. Konti lang yung gamit sa loob tapos walang katao tao.
“Ikaw lang magisa?” hinawakan ko yung kamay nyang nanlalamig.
“Oo ako lang, both of my parents are busy” “Trabaho lang nila ang iniisip nila.” sabi nya na naiipit ang boses.
Niyakap ko si James para mapagaan ang loob nya sabay pinaupo “Paglutuan nalang kita ng paborito mo ha, dito kalang.”
Habang nasa kusina ako nagtitimpla ng sinigang bigla naman ako nakaramdam ng yakap mula sa likod ko.
“Aiah…” malambing na tawag nya sakin.
“Hmm… James?”
“Wala po” tipid nyang sagot.
Agad akong nakaramdam ng umaagos na luha sa balikat ko, umiiyak si James. Tatanungin ko sana sya kung ok lang ba sya pero mas humigpit ang yakap nya sakin kaya hinayaan ko nalang muna syang umiyak sa balikat ko.
—–
Dalidali akong tumatakbo papunta sa gaganaping exam. Jusko baka male-late nako huhu sayang! andun pa naman nakalaan yung kinabukasan ko. Kinabukasan namin ni mama. Kaya di pwedeng hayaan konalang ang opportunity na toh.
Bale nasa park na ako nun at tuloy parin sa pagtakbo nang bigla namang sumulpot yung bisikleta sa daanan ko. Napada ako sa lupa buti naman at di ako nasaktan.
Lumapit ako doon sa lalaking nakahandusay sa daanan.
“James!” nagulat ako kase sya pala yung nag bike na muntikan na akong ma bangga. “Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ko.
“Ia-angkas sana kita papunta sa pupuntahan mo eh, ouch” hinawakan nya yung tuhod nya.
Ilang minuto nalang at maguumpisa na yung exam pero di ko din naman kayang hayaan si James na naka handusay dito eh.
“Aiah help, ang sakit huhu” natatawa ako sa kanya at nak-kyutan at the same time.
“tara nanga isakay na kita pauwi” tinulungan ko syang tumayo at dahan dahang pinaupo sa likuran ng bike.
“Hawak ka ng mabuti baka mahulog ka”
Sumunod naman ito sa sinabi ko sabay pumedal na.
Pumasok ako sa loob ng mansion nila sabay pinahiga si James sa sofa.
“Dito ka muna ha, wag kang malikot babalikan kita mamaya.” utos ko sa kanya sabay tumakbo na ulit papalabas.
Pagkarating na pagkarating ko sa loob pinigilan naman ako ng foreigner na teacher. Wala na baka tapos nanga.
“I’m sorry Miss but you’re 35 minutes late, you can’t take the exam anymore. Isa pa matatapos na yung exam maya maya.” aniya
Grabe yung pagkahinayang ko. Sinubukan pang pagaanin nung teacher ang loob ko pero wala parin.
Umuwi nako ng bahay at sinalubong naman ako ni mama.
Pagkaupong pagkaupo ko palang ay napaluha agad ako sa kanya kasabay narin ang paghagulhol ko.
“Aiah, ok lang naman yan eh. Meron pa namang next year diba?” kalmadong sabi ni mama habang pinapagaan nya ang loob ko.
Siguro pwede pa naman next year eh.
—–
Naisipan kong puntahan si James sa mansion nila kase di nako nakapunta kahapon kase aayoko namang nakikita nya ako na umiiyak at baka paniguradong magi-guilty sya.
“James?” tawag ko sa kanya pero di ko sya nahanap.
Sinubukan ko syang puntahan sa likod...