Matapos nilang maayos ang papers nang kanilang kasal ay dumeretso sila sa bahay ng mga magulang ni Marco para don na mag hapunan.
” Im glad na isipan narin ng anak ko ang lumagay sa tahimik” nakangiti sabi ng ama ng binata si Francis Martinez
“ Salamat po tito, na sumangayon po kayo sa balak po namin” nakangiti niyang sabi rito.
“ Naku, matagal kuna nga yan gusto ng lumagay sa tahimik. Masaya talaga ako para sa inyo hija” walang patid ang ngiti nito sa kanya.
Umupo sa tabi niya si Marco “ kaya nga dad ng makita ko si Lara hindi kuna nilubayan. Kaya ngayon hindi kuna papakawalan”
Matapos nilang makapag hapunan sa bahay ng binata ay agad siyang hinatid ni Marco sa kanila.
Pagkahinto ng sasakyan ay, nakita niyang lumabas si Chesca sa pintuan malamang narinig nito ang ugong ng sasakyan.
Halatang kararating lang nito galing sa vacation dahil sa sout nitong panlakad.
“Hi, Chesca” bati ng binata rito dahil sa pagud narin ito ay hindi na ito bumaba mula sa sasakyan. Agad itong nag paalam para makapag usap silang mag kaibigan.
Nag beso sa kanya ang kaibigan . Sinama niya ito sa kanyang kwarto para sabihin rito ang kanyang plano.
” What? Have you lost your mind Lara?!”
hindi makapaniwala si Chesca sa kanyang binalita rito na ikakasal na sila ng binata. Pinakita niya rito ang singsing na magkasama nilang binili nong araw din nag propose ang binata sa kanya.
Napatayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya ” That is an expensive ring but come on, Lara magpapakasal ka sa taong gumahasa sayo. I can’t believe this!”
Napatayo siya at niyakap niya ito.” mag tiwala kalang sa akin please, I’ve got this you have nothing to worry about” suyo niya sa kaibigan.
” Arggggh, saan mo ba iniwan ang utak mo ng mahanap natin. Nakikipag laro ka sa apoy, what if malaman ni Marco na ikaw yong babae victima nila noon?”
” Hindi yan mangyayari dahil malapit na ako, bukas na darating ang walang hiyang si Abner. Kailangan mapaghandaan kuna iyan”
Napapa iling ito sa kanya.” Hindi mo alam ang pinasukan mo Lara, maari ikapahamak mo ito”
Hindi niya mapigil ang maiyak” Ano ang gusto mong gagawin ko? Hahayaan ko nalang sila? Hindi ako papayag na basta basta nilang iyon matatakasan. Hindi ako pwedi mag sumbong sa pulis ano ang maipapakita kung evidencia? Sa tingin mo rin ba papaniwalaan ako ng mga pulis laban sa mga ‘yon?”
Napabuntong hininga siya” Andito na ako, wala na itong atrasan” aniya rito
Dertiminado na siya sa kanyang plano wala nang makakapigil pa sa kanya.
Umupo ito sa tabi niya saka bumuntong hininga. ” Ano pa ngaba ang magagawa ko”
Matagal nang nakaalis ang kaibigan pero hindi siya gumagalaw mula sa kanyang hinihigaan. Inisip niya ang pagkikita nila ni Anton at ni Mike at ni Abner bukas. Nag iinit ang sulok ng kanyang mga mata. Muli bumangon ang galit niya. Hindi siya makapag hihintay sa muli nilang pagkikita.
Sumang ayon sa kanya ang panahon dahil ikakasal narin sila ng binata. Pwedi niyang unahin si Marco pero kinakailangan pa niya ang binata dahil ito ang magdadala sa kanya sa mga kaibigan nito. Magdamag niyang pinag-isipan ang pagkikita nilang lahat. Kahit pagud siya ng araw nayon dahil sa marami silang nilalakad ng binata pero sa isipin mag kikita sila ni Abner ay tila nawala ang pagud niya. Kaytagal niyang hinintay ang pagkakataon ito.
ABALA siya sa pag hahanap ng kanyang susuotin para mamayang gabi. kinakailangan niyang paghandaan ito dahil ayaw niyang makilala siya nito ayaw niyang masayang ang pinagpaguran niya. Matagal umusad ang oras inip na inip na siya. Inabala niya ang sarili sa pag sa-soundtrip sa pag tulong sa paglilinis ng bahay hanggang sa sumapit ang gabi.
Naka upo siya sa sala inantay...