Meet Again Chapter 11


Written by: Anhellian27
Lunes na ngayon at ngayon sasabihin kung sino nanalo.Nag ayos ako ngayong araw at naka plancha ang aking uniform.Buti nataon na may plaplanchahin mga damit ng nagpalaba kay nanay kaya pinasabay ko na sa kanya.
Ang plancha namin ay uling ang gamit kaya sobrangbinit talaga.
“Wow nay ang saya ko ngayong araw” sabi ko kay nanay.
“At bakit naman? Pagtataka ni nanay
” Paano kasi nay nung first day namin sa class at bagong enroll naka plancha itong uniform ko,ngayon lang uli ito na plancha.”
Sabi ko kay nanay sabay tawa.
Natawa din si nanay sa akin.
Maya maya nakarating na ako sa school, kaso late ako hinarang na ako sa gate ni kuya guard kasama ko ang ibang na late.
“Ano ba yan kung kaylan naka ayos ako saka naman ako nalate!”
” hindi ko makikita sasayaw sila jervey ngayon dahil may program.
Natanaw ko si mam angel at kinawayan ko.
“Kinausap nya si kuya guard tapos pinapasok na kami lahat ng late.
“Thank you ma’am sabi ko pag daan ko”.
Tumango lang siya sa akin at alam ko na ibig nyang sabihin.
Sa malayo ako nakatanaw habang sumasayaw sila jervey.
“Ang saya ko naman naka abot ako!”
“Oh my ghash!!!
” Ang bilis ng pintig ng ugat ng aking puso!!!
“Hahaha!”
“Yung tipong oramismo hihinto siya at kailangan ng cpr nya!
“Whahaha!”
“Na imagine ko na naman na malayo ako at nasa stage siya… tapos nag slow ang pag sayaw nya sabay hawak sa buhok para ayusin sabay tingin sa akin!””
“Oh my gally wow!” Kilig na kilig ako pero pinipigilan kong tumawa at ngumiti.
“Bigla siyang huminto sa sayaw at may pinitas na gumamela sa gilid ng stage saka siya dahang dahang lumapit sa akin,
“nag sitabihan silang lahat at sa gitna siya dumaan kung saan marami ka year din namin.”
“Palapit na ng palapit para ibigay ang hawak nyang flower sa akin!”
“Ayan na!” Sabi ko habang kinikilig.🥰
“Aray naman!” Sabi ko dahil sa pag hila ng buhok ko.
Pag talukod ko si dhang pala hinila buhok ko.


/> “Hoy ashlee alam ko na ginagawa mo!
“Nag iimagine ka noh?
“Kasi halata sa mga mata mo ang saya at titig na titig ka kay Mr. J hindi kana kumukurap!”
.”hahaha” sabi ni dhang sabay tawa at may kasamang kurot sa tagiliran.
“Ha?
“Ako?”
“Nag iimagine?”
“Ako pa mag iimagine?”
“Ayan ba tingin mo sa akin? Seryosong sabi ko kay dhang.
Bigla sya tumahimik.
Sabay sabi kong…
“Whahahaha!!!!” Hindi ko na mapigilang tumawa
“Tama ka dyan beshie dhang sabay akbay ko”.
“Alam na alam mo ako at kilalang kilala.!”
Tawa ako ng tawa…
“Hahaha syempre naman kasi mana ka sa akin!” Sabi ni dhang.
“Sabi ko sayo hahanap hanapin mo rin siya at aabangan.” Dagdag nya pa.
Maya maya ay natapos na din ang saway nila jervey at sumunod ang pagsasalita ng aming punong guro.
“Hala ngayon din pala bigayan ng certificate ng mga student teacher!”
Bigla kong naalala.
“Kaya pala may program ngayon” dagdag ko pa.
Dahil sa mas mahaba ang pagtituro ko ako pa rin bibigyan ng certificate ni mam.
Isa isa nang tinawag per year and section.
Next na ang 4th Year at section namin.
“Ashlee Sy from IV Gold!” Announce ni Sir lakandula.
“Kabado akong umakyat at nahihiya ako!”
Inabot ni Ma’am Angel ang Certificate at nagpasalamat siya sabay picture sa amin.
“Yehey may papakita ako kay nanay!”
Pero nung nasa stage ako nilinga linga ko ang lahat ng abot ngbaking tanaw na mga studyanteng nanonood sa amin para tignan kung nakita ako ni jervey kaso ang nakakalungkot umakyat na atah sila sa taas para magpalit ng damit.
Masaya ako na malungkot dahil sa alam nyo na.any way natapos na din ang program.Nadelay pag announce ng nanalo sa poster making.
Bumalik na ako sa room kasama ng iba naming classmate.
“Congrats !!”sabi nila sa akin.
“Masaya kaya ako!!!” sabi ko sa sarili ko
“Ang saya saya kaya!”
Pero naka upo ako at nakatulala ako sa dulong upuan malapit sa bintana.
Nakatulala sa kawalan
“Nag iisip ng tulang nais ko ilathala.”
“Nag simula akong gumawa ng tula.”
Abangan po sa next chapter.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top