Meet Again Chapter 12


Written by: Anhellian27
May tula akong ginawa habang ako ay nakatulala sa bintana.
Isang gabi ako ay nanaginip na ako ay may asawa at anak at hindi kilalang tao ang aking napangasawa.Lumipas dw ang ilang taon at may kanya kanya nang mga buhay.
Si jervey daw ay binata pa sa panaginip ko at habang ako ay nag search sa facebook nakita ko siya at nag isip daw ako kung i aadd ba siya nang mga panahong iyon.
Nasa trabaho ako nang mga oras na daw yun at Hawak ko daw yung celpon nag iisip kung iaadd ko ba iaaccept nya ako o idededma.
Bigla ko daw mapindot ng di sinasadya at lumipas ang ilang oras na add nya ako.
Nagpakilala ako at nag reply naman siya sa akin.
Hanggang sa nagpalagayn na ng loob kaso dahil sa may pamilya ako parehas...


kami nag low alam nyo na.
Present:
Habang naka upo nga ako naalala ko panaginip ko at naisip kung sakaling mangyari nga ang mga bagay na ganun at hindi kami para sa isat isa…
Itong tula na ito ay para sa kanya.
PAUBAYA
ORIGINAL WRITTEN BY ME
@Anhellian27
Mundo ko’y kumukulimlim
Unti unting dumidilim
Sabay ang lakas ng hanging
Puso ko’y may daing.
Di ko namalayang malayo ang tingin
Lungkot ng repleksyon sa salamin na patingin
Gusto ko sana’y ito ay basagin
Mga alala’y dala ay hapis.
Ngunit sinikap sa isip
Ang magagandang alala
Nagbalik tanaw sa nakaraang lumipas na
Tanging alala mo’y nandito pa.
Sadyang mundo’y tila madaya
Ang muli kong saya ay kapalit ay paraya
Sa magiging sinta mo’y ingatan ka nya
Tulad ng pagpapahalaga ko at pag sinta.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top