Nag-umpisa na siyang kinabahan ng hindi makita si Chesca. Agad niya hinanap si Marco para ayain nang umuwi.
“ Nasaan si Chesca?” tanong nito ng hindi makita ang kaibigan.
“ Umalis na siya hon, kanina pa kasi tumawag ang mommy niya, yong katulong nila dinala sa hospital. Sinabihan kuna ako nalang ang magsabi sayo. Gusto ko nga sana sundan, kaya lang masakit talaga ang ulo ko” paliwanag niya rito.
“ Baka napagud kalang kahapon, dami kasi natin nilakad eh” inalalayan siya nitong makasakay sa kotse.
“ Hon, masaya kaba na buo na kayo ng barkada mo?” pag iba niya sa paksa nila.
“ Oo naman hon, matagal ko na din hindi nakita yong kaibigan kong yon, lalo na yong isa pa namin kaibigan si Erik. Pangarap ko na buo kami sa kasal natin” tugon nitong nakatuon ang tingin sa dinaanan.
“ Hays!” Bumintong hininga ito.
“ sana okay na sila ni Abner pag uwi niya rito” dugtong nito.
Gusto niya sanang magtanong pero na isip niya wala siyang pakialam sa kung ano man ang iringan ng dalawang magkaibigan. Ang mahalaga sa kanya ay ang apat na ito.
“ Hayaan mo hon, magigig okay din kayo” sabi niya na lamang rito saka hinilig niya ang ulo sa sandalan ng upuan pinikitpikit niya ang kanyang mata. Hindi na siya ginambala ng binata.
Ilang minuto ang lumipas ay narating nila ang bahay ng ginang.
Inilalayan siya nito makababa ng kotse.
“ Hon, hindi na kita ayain pumasok, gusto ko na talaga matulog, medjo sumakit parin ang ulo ko”
Hinalikhalikan nito ang noo niya “ Sige hon, kita nalang tayo bukas, uminom ka ng gamot bago matulog.” bilin nito saka hinalikan siya nito sa labi.
“ Ingat hon” pahabol niya ng makasakay na ito sa kotse.
Hinatid niya ito ng tanaw hanggang sa mawala sa paningin niya ang kotse ng binata. Agad siyang sumakay sa nakaparadang puting sasakyan at humarurot ito papalayo.
“ Surprise!!” Sigaw niya sa harapan ni Mike nakahiga ito sa sahig putok ang labi at maga ang mata.
Nagulat ito ng makita siya” L-Lara?” bulalas nito.
“ Oo ako nga” galit niyang sabi rito
“A-Ano ba ang atraso ko sa iyo para gawin mo sa akin to?” Naguguluhan nitong tanong. “ Ano ang kasalanan ko sayo?”
“ Ano ang kasalanan?” Sinampal niya ito ng baril na hawak niya.
“ Wala kang natandaan o nagmaang maangan ka lang?” Galit niyang tanong rito.
Nag-isip ito kung ano ang nagawa nitong kasalan. Pero hindi talaga pumasok sa isipan nito.
natatandaan nito nag lalampungan sila ni Chesca at inaya siya nitong lumabas sinakay siya nito sa puting kotse na akala niya ay sasakyan ni Cheska ng may bigla nalang humampas sa batok niya.
“ Saan ka ba nagagalit yon nilandi ko si Chesca? siya naman ang nauna nag papahiwatig na gusto niya ako”
Sinampal niya itong muli” wag mo akong gaguhin. Alam kong alam mo ang ibig kung sabihin”
“ Lara, please wala akong matandaan kasalanan sa iyo. Pakawalan muna ako rito”
Nagtagis ang bagang niya” Naalala mo ang babaeng nag mamakaawa sayo na tigilan mo? habang hinahalay mo? Diba ang sabi mo noon wala akong magagawa?” Ako yon tanga!” Muli niya itong hinampas.
Natigilan si Mike sa narinig halatang nag iisip ito pilit inalala ang sinasabi niya.
“ Ako yong babae pinag tutulongan niyong gahasain magkakaibigan....