” Viel….gising ka,anak. Pakatatag ka. Nandito lang kami.” Hindi matigil tigil sa pag iyak si Larry habang nakasunod sa itinutilak na higaan niya patungong operating room.
Kararating lang nila sa hospital at diretsong or na ang batang si Viel. Kasama rin sina Yssa at Leslie na hindi rin mapalagay ang loob sa nakikita nila. Naroon rin sina Rodney at Lee na siyang hawak hawak sa kamay si Viel.
” Anak…. Patawarin mo ko.” Nangigilid ang mga luha ni Lee habang sinasambit ang pangalan ng anak. ” Yong….”
” Sir..kami na po ang bahala sa bata. Maghintay na lang po kayo.” Wika ng isang head nurse na makakasama sa or.
” Pakiusap gawin nyo po ang lahat. Iligtas nyo po yung bata.” Hinawakan ni Yssa ang palad ng nurse.
” Opo.” Tumitig ito kay Yssa sabay pisil sa mga kamay nitong nakahawak sa kanya.
” Salamat.” Saka lang binitawan ni Yssa ang kamay ng nurse.
Walang nagawa ang lahat kundi ang hintayin ang paglabas ng doktor sa pintuan ng OR na iyon. Pero hindi nila alam hanggang kelan at ilang oras na maghihintay.
” Lee…saan ka pupunta?” Pigil ni Larry sa kanya nang bigla itong tumayo.
” Lalabas lang ako saglit.” Wala sa loob nitong pagsagot.
” Hinawakan ni Yssa ng kamay ni Larry. Nagpapahiwatig na hayaan na muna si Lee.
Si Leslie naman ay napatingin na lamang habang si Rodney ay nakayuko at napasuklay sa buhok nito.
Sinundan ni Lee ang nakahilerang mga halaman ng hospital. Hanggang sa makarating sa isang malaking puno at may mahabang upuan na gawa sa semento sa ilalim nito. Huminto at umupo.
Tumahimik. Gusto niyang mag isip ng positibong bagay pero hindi niya magawa. Sumasagi sa kanyang isipan ang sitwasyon ng anak na si Viel. Napakagat sa labi at napatingala sa langit. At tuluyang hinayaang dumaloy ang luha na kanina pa gustong kumawala mula sa kanyang mabibilog na mga mata.
” Diyos ko. Patawarin mo ko sa king mga pagkakamali. Huwag nyo po sanang kunin sa kin ang anak ko. Ngayon ko lamang siya nakikita. Nayayakap. Hayaan nyo po sanang makasama ko siya hanggang sa aking pagtanda. Pakiusap.” Parang ulan na nag uunahan sa pag agos ang mga luhang bumabagsak sa kanyang pisngi.
Napakasakit sa isang ama ang makitang nahihirapan ang anak. Lalo nat ngayon lamang niya ito nakakasama. Mas lalo siyang nalungkot nang makakita ng kumpletong pamilya at masayang naguusap.
Samantala…lumabas din pala si Rodney pagkatapos mauna si Lee. Nagpalakad lakad. Nais niya ring malibang at pansamatalang makalimutan ang pangambang nananahan sa dibdib niya. Natatakot rin sa maaring susunod na mangyayari.
Hindi niya sinasadyang makakita ng chapel na nasa loob lang ng paligid ng hospital. Sa unay nag alinlangan. Pero pumasok na rin. Umupo at taimtim na nanalangin.
” Alam ko…alam ko madami akong nagawang kasalanan sa iba. Lalo na sa iyo( tukoy nito sa taong nakapako sa krus) . Sana…sana pakinggan nyo po ako. Mahal ko na kasi yung bata,eh. Ewan ko ba don. Ang lakas ng dating. Napatiklop ang isang tulad ko na napakasama sa mata ng mga tao. Ni minsan,hindi ako naging masama sa paningin nya bukod sa pamilya ko. Please naman ,oh. Huwag nyo po muna siyang kunin sakin..sa amin . Lalong lalo na sa tunay nyang papa. Kasalanan ko po,eh. Ipinagkait ko sa kanilang dalawa ang mga sandaling magkasama sana sila. ” Napahagulgol na rin si Rodney nang mailabas ang nasa loob ng puso niya. ” Ehermm…ako na lang. Ako na lang po kunin nyo....