THEY’RE INTO EACH OTHER Chapter 11


THEY’RE INTO EACH OTHER
Chapter 11
Nakauwi na ako sa bahay at sobrang pagod ng araw na ito. kinamusta naman ako kagad ni fort kung okay na ba ako kase ang tagal kong hindi kumikibo at ni hindi nila ako makausap ng maayos.
Itinuon ko na lamang sa pagluluto ng aking tanghalian yung mga umiikot sa aking isipan para naman may destruction ako. wala na rin man lang akong kasama rito sa bahay dahil tuluyan na akong iniwan ang aking mga magulang.
Saktong 2:45 noon ng matapos akong magluto kase naman nasun*g yung una kong niluto kaya umulit ako. habang kumakain naman ako hindi ko arin tuloy maiwasang isipin mga nangyari kanina.
Handa ko ba talaga siyang papasukin sa aking puso?
Kaya ko bang sabihin sa kanya yung about sa pagitan ng aming pamilya?
Kaya ba niya akong patawarin?
Kaya ko ba talagang sabihin ang lahat sa kanya?
Nahinto ako sa pagkain at nawalan na ako ng gana kaya pumunta ako sa aking room para itulog lahat ng iniisip ko. ilang minuto siguro ng bigla kong marinig na may nagdodoorbell kaya lumabas ako at sinilip kung sino.
Noong una expect ko is si fort pero, si andrew and amoy alak ito. medyo l*sing na ri siya kaya medyo natutumba-tumba ito. inalalayan ko naman siya at sinabihan na huwag siyang mag iinom lalo na nagmamaneho siya.
“Totoo bang nililigawan ka ni pareng danfort cath?” medyo may pag uutal nito ng sabihin sakin yun. hindi ko naman kaagad sinagot yun dahil alam kong masasaktan siya kapag sinabi kong oo.
“After mong kumalma umuwi kana” sabi ko ngunit naramdaman ko yung paghigpit ng hawak niya sa aking mga braso.
“Pinapauwi mo na ako kagad-d …. kase ba-a …. kase-e … haha …siguro pupunta rito...


yung ahas na pare kong yun!” medyo tumataas na yung tono niya at nagagalit na ito kaya naman sinabi kong ipahinga na lamang ito.
“Andrew, please tumigul kana ang dami mong tanong” sabi ko at medyo naiinis na ako sa kanya kase paulit ulit nalang mga sinasabi niya yung iba out of topic na o hindi na dapat binabanggit pa.
“Ta-tam-ma hinala ko! … nagkakadevelopan-n na kayo” natumba kami ng oras na yun kaya pinilit kong makabangin ngunit pinipigilan niya ako.
“Andrew ano ba!? …. nasasaktan na ako” napasigaw ko dahil iba na yung ikinikilos niya.
“Hin-ndi! …. alam ko kapag ginawa na natin yung ginagawa ng mag asawa siguro hindi mo na ako ipagpapalit!” sinubukan niya rin akong “alam niyo na” pero, nakakuha ako ng chance para makakalas sa pagkaka-corner niya sakin. may parang dem*nyo ang sumanib sa kanya nung oras na yun kaya sinamp*l ko siya.
“Ikaw pa ba yan andrew?! … bakit binabast*s mo ako!” nag umpisa ng tumulo mga luha ko habang siya naman napayuko at nakita ko pagtulo ng kanyang mga luha.
“So-sorry cath” sabi niya habang pareho pag agos namin ng mga luha.
“Umuwi kana please” tumalikod ako habang tunatanong ang aking sarili bakit lahat nalang ng mga malalapit sakin sinasaktan ako.
“Cath ….patawarin mo ako hindi ko sinasadya-a” hinawakan niya ako kaya kaagad akong bumitaw dahil nawalan na ako ng tiwala sa kanya.
“Umalis kana!” napasigaw ko habang ang mga mata ko ay lagi nalang lumuluha sinubukan pa niyang lumapit sakin ng sinabihan ko siyang tatawag ako ng mga kapulisan. umalis siyang umiiyak habang ako nagkulong sa kwarto ko at nagsisigaw.
Malaya kong nagagawa ito dahil kahit makailang beses akong sumigaw wala naman makakarinig dahil sa lakas ng tugtugan ng mga kapit bahay namin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top