Meant to be? Chapter 36


4th yr. high pa ako non at 1st year college naman si Alodia sa kursong Business Ad.
Nagkakilala kami because of a common friend.
“Inaamin ko. NagkA crush agad ako sa kanya.”
Sinilip nya ang reaksyon ni Nice, habang nakasandal ito sa dibdib nya at nakapulupot ang kanyang kamay sa may tyan nito.
Kahit di nya mabasa sa mukha nito alam nyang medyo na hurt ang dalaga.
“Maganda naman talaga sya diba?”
Tumingin ito sa kanya at tumango.
“Pero mas maganda ka”
“Bola”
Pigil nya ang mga ngiti gaya rin nito.
“Tapos inamin rin nya sa kaibigan namin na crush nya din ako.”
“Kaya yon! Niligawan ko
Sinagot nya ako kaagad ng walang kahirap hirap.
Sabi pa nya swerte ko daw dahil ang dami nang naghihintay na suitors nya di nya masagot sagot. Ako itong isang ligaw lang, sagot agad.”
“Nag pasalamat nAman ako don.
Kasi first time kong manligaw. Sabi ko pag binasted ako nito di na ako uulit.”
“Ayon! Naging maayos at masaya naman kami. Masyado syang maalaga, pati birthday ko sya ang naghahanda.
Kaso lang yong parents nya may ibang gusto para sa kanya.
Masyado silang mayaman at maimpluwensya.
Hindi pa namin kalevel yong net income at properties nila. Kakapanalo pa lang ni Papa non pero may kompanya na kami .”
” Sa states nakadestino ang Papa nya hanggang penitisyon sila kasama ng mama at kapatid nya.
Naging malabo kami pati Communication namin. At kahit nong di pa sya nakakaalis, nagtatago kami para lang magkita. Kasi bantay sarado na sya ng kuya nya.
Yon ang utos ng papa nya, mula nong malamang naging kami na.”
Mataman lang na nakikinig si Nice.
“Alam mo, naamaze ako sa story nyo..
Actually Ace kinilig ako.. ” pero ang totoo deep inside she’s aching.
“Continue pa ba?”
Tumango lang ang dalaga
” Ahm.. Almost a year na di maayos yong contact namin. Basta yong last naming encounter. Nangako syang ako lang. At kami dapat ang magkatuluyan sa future. Kaya umasa ako non tapos biglang nawala yong contact namin,
Tapos nakita ko sa post nya sa account ng friend namin na may kasama syang ibang lalaki.
Nagchange kasi sya ng account. Siguro utos ng papa nya. Tapos yon kinontak ko sya uli.. Nag effort din ako na magbalik kami sa dati. Kaso on and off pa rin.. Gang sa marami na akong nakikita na posts nya na masaya sya hanging out with her friends, birthday ko nakalimutan na nya, monthsary, anniversary namin.
‘ Gang nakalimutan ko na rin sya at naging playboy ako dahil sa kanya. Dahil sa inis ko na di ko sya mahagilap at makausap. Kapag kasi nawala na yong tao sayo, tapos yong iniwan nya sayo puro happy memories. Mag lo long ka talaga sa kanya. ”
“Buti lumipas ang panahon, naka move on din ako, pero hindi kami naghiwalay. Hanggang umuwi sila for vacation, nagkita uli kami.. Lovers uli.. Tapos.. Aalis na naman.. Every vacation ganon uli, bonding..
Kami pa rin kahit may mga gf na ako non..
Kahit nalaman nya ok lang sa kanya, basta wala lang daw bibitaw at di ako mambubuntis..”
” Hanggang parang naging laro na lang sakin yong samin.. Di na ako umasa pa.. Parang hinalintulad ko na sya sa mga nagiging gf kong kaliwat kanan na .. Ang dating tahimik lang sa babae naging matinik!
Boom!
Nagulat ako sa boom ha”
HAHAH
“Tapos yong last nga na uwi nya.. 6 months ago..
” Nag iba sya.. Puro sya I love you , dikit ng dikit para syang napapraning sakin. Until she decided to give her all to me.
Pero ako non, parang revenge yon sakin e. Feeling ko kasi pinag laruan nya na lang ako. Iba iba na kasi nakikita kong kasama nyang lalaki sa mga posts.. Kaya nagulat ako na.. Ako pala yong nauna.
She preserved it for me ”
” Tapos akala ko, magiging okay na kami after all na parang hide and seek.
Pero naglaho na naman syang bigla.”
Napuno na ako.. Sabi ko ayoko na!
Tapos ngayon babalik sya, sasabihing buntis sya. Hindi ako sigurado kahit na ako ang nauna. Kung wala na bang sumunod.”
“Nong nagkita kami sa hotel. Sinabi nyang pinili niyang sumunod sa parents nya noon para masecure ang kami sa future. Hindi na daw hahadlang ang parents nya samin ngayon lalo na mag kaanak na rin daw kami.”
Matagal nakakibo si Nice.. Hanggang tumulo na pala ang luha nya Mabilis nya itong pinahid
Pagsilip ni Ace..
Oh..
Pano kato nagkita nong nakalipas na 6 months? May contact pa kayo non.
Oo, sinabi nyang uuwi sya. Kada uuwi sya.. Sinasabihan nya ako. Wala pa kami ni Khate non. Nong umalis sya uli. Don ko niligawan si Khate. Parang naging match maker lang namin kasi mga papa namin ni Khate...


kaya naging kami.
Nakapunta na sya sa inyo Ace, si Alodia.
“Minsan lang pinakilala ko sa family ko. Yon lang. ”
” Ang tagal nyo na ni Alodia Ace.. Apat na taon na, kahit papano di pa kayo naghihiwalay. Samantalang tayo. 4 months pa lang.”
” Oo nga.. Pero yong 4 months natin, pakiwari ko parang 4 years na rin. Ganon siguro pag tinamaan ka talaga noh?”
“Talaga ba.. Alam mo, ngayon ko lang narealize.. Sa laban namin ni Alodia.. Feeling mangungulelat ako neto. Sa haba ng panahong pinagsamahan, sa estado sa buhay, sa pagkakaroon ng anak sayo halimbawang sayo man. Dehado ako tsong Ace..”
” heheh.. Walang sukuan..dahil ang tanong.. Sino bang nandito?.”
Tinuro ni Ace ang dibdib.
“Si Alodia ang nauna.. Sinapawan ko lang.. Pag ako umalis sya ang maiiwan.”
“Bakit aalis ka ba?”
Nagkibit balikat lang si Nice.
“Tulog na tayo”
“No heartache? No bitter feelings ?”
“Basta mahal kita.. Gooooodnight!”
“Heh.. “napakamot ng batok si Ace.. Tsaka bumulong sa punong teynga nya
“Pwede ba akong umiskor.”
Nilingon nya ito at halos mag tama na ang mga mukha nila.
“Next time na tayo maglaro ng basketball.. Don sa b-court sa malapit.”
“Hehe Alam mo ba si Jang.. Niyaya nya akong maglaro nong gabing yon,”
“Jang?”
“Si Alodia.”
“Owh, Jang pala.. E di bukas yayain mo sya, ikaw na magyaya. Baka feeling tigang ka na, e di don ka sa kanya magpakasasa,kahit siguro buntis yon.. Di ka uurungan. Don ka na!”
“hehehe . Joke lang e.”
“Inaantok na talaga ako.. Goodnight na ha.. ”
Hinarap nya ang binata, humalik sa pisngi nito.
“I love you Ace cream, ang sarap mong kainin.” sabay kindat nya.
“O ayan ayaw nya, pero nang seseduce naman, labo mo tsang Nice!”
” HAHAHA, pandinig ko, changhai rice.. whatever! ”
“Haha.. I love you po! “Pahabol ni Ace.
Hindi na nya ihahatid sa kwarto, matukso pa sya..
” Pagkahiga ni Nice.. Di na nya napigilan ang mga luha. Hindi nya alam kung paano sya lalaban, paano na lang kung kay Ace nga ang dinadala ni Alodia. Totoo.. Perfect match ang dalawa, pati yong love story nila.. nakaka inspire din na sa tinagal tagal hanggang ngayon, magiging connected pa rin sila. ”
Parang gusto na lang nyang isiping bangungot lang ang nangyayari.
At baka maging isang magandang alaala na lang ang lahat sa kanila ni Ace. Baka magkatotoo nga yong sasabihin nya na lang sa magiging apo nito na sya sana. Baka nga hindi magiging sila sa ending.
One week after matapos ang reunion nila ng tropang couples, nagpasya na silang umuwi.
Nalaman din nila na si Venice ay nasa states nagbabakasyon at mukhang doon na raw ito mananatili at mag aaral.
Nai withdraw na rin nila ang binigay na pahabol na bayad na 100k sa ginawa nilang. endorsement? .
Pag kauwi nila.. One week na nagprepare si Ace para sa kasal nila.
Plano nya na ring lumipat ng university para makaiwas kay Khate at magsasama na sila ni Nice sa university na lilipatan. Excited na sya masyado.
Husband and wife in the same university.
Pero habang naghahanda sila, may pabor na inutos ang papa nya. Pinababalik sya ng Manila. Mismo sa araw ng kasal nila sa huwes. Nangako itong makakabalik pa sya ng maluwag pa ang oras kaya inagahan nya, nakaready na pala ang ticket nya.
Pagdating sa Airport diretso sya sa isang Ridge Hotel. At di nya akalain pagdating don si Alodia ang makakameeting nya.
Makikipag collaborate ang pamilya ng dalaga sa kompanya nila. Sinabi ni Alodia na di alam ang plano ng papa nito. Dahil nakalimutan na daw ng papa nya ang apelyedo ni Ace. Pwera na lang kung kuya nya, dahil di sya limot non.
So, nagkataon lang daw na nagkainteres ang papa nya sa kompanya nina Ace na na research nito. Wala daw personalan.. Basta ang sinabi ng papa nya sa kanya kung sino man ang lalaking iniibig nya ay pwede na nyang pakasalan dahil may napatunayan na sya sa pamilya.
At di nga daw kilala ng papa nya si Ace.
Wala ring nagawa si Ace. Dahil nagkasundo na ang mga ama nila.
Diyatat di sya makakaiwas kay Alodia.
Nag pautos pa ito sa P. A nito na kunan sila ng litrato.
Rumeact agad si Ace. Sinabi naman nitong hiningan sya ng papa nya ng pictures sa proof ng meeting nya with the owner.
At pinapapasa agad ito sa dalaga.
Pinapangiti pa sya ni Alodia, ginawa nya in the name of partnership. Kay lapit lang ng mukha nila sa isat isa. Todo ngiti si Alodia.
Di na rin naka palag si Ace ng nag friend request ang babae, accept nya na lang.
After she send those pictures to her father in states. Naisip nyang itag ito kay Ace. And a smile of victory appears in her lips.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top