REVENGE INTO LOVE CHAPTER 3


Sinadya ni Zari na isuot ang napaka sikip na dress na lagpas sa tuhod nya, lalong kumurba ang magandang hubog ng katawan nya pari na ang dibdib nya ay lalong humulma dahil sa kulay nitong mustard.
“i thought, you hate the posture like that. ” nauutal na saad ni Estephen nang matanaw nya si Zari, napaka simple nitong manamit noon at alam ng lalake na ayaw na ayaw ni Zari ang mga ganitong kasuotan kaya’t sinadya ni Estephen na ganuon ang ilagay sa kwarto ni Zari para kausapin sya nito aylt magmakaawa na ibili sya ng panibagong damit pero kabaliktaran ang nangyari.
Si Zari ang nagbitbit ng Manipis na atche case ni Estephen kung saan nakalagay ang mga papeles nito.
“Good morning sir! ” chorus na pagbati ng lahat ng tauhan ni Estephen sa kumpanya habang naka line up ang mga ito sa hallway kung saan dumadaan sila ni Zari.
Sa dulo noon ay sinalubong si Estephen ni Jessica ng masiglang pagbati nito.
“you look awesome with your suit. ” nakakasuya sa pandinig ni Zari ang boses ng dati nyang kaibigan.
“Thanks, by the way..meet my new Secretary.” ani Estephen. “Zarielle Elaisha Lazistero. ”
Natigilan si Jessica, hindi nya alam kung mali lang ba ang dinig nya. unti-unti syang lumingon at bumungad ang presintableng mukha ni Zari na sa pakiramdam nya ay natalbugan sya nito dahil sa napaka ganda nitong kasuotan.
“Beshiii..”kunwari ay nabigla sya nang makita si Zari ngunit hindi nawala ang galit sa loob ni Zari.
“I forgot everything between us, so please act like Strangers. “mataray na saad ng sekretraya ni Estephen. “Let’s go sir shall we? . ” anyaya pa nya sa dating asawa.
Walang ideya si Estephen kung bakit ganito umakto si Zari gayung magkaibigan naman sila dati.
Pagsakay sa elevator ay hindi sila nagkibuan nanatiling kuyom ang palad ni Zari dahil sa Pagkamuhi sa dlaawang taong nanakit sa kanya ng Husto.
“i’ll buy a coffee. ” ani Zari nang matapos ang meeting ni Estephen, tumungo sya sa labas para bumili ng Kape at mabilis naman syang nakabalik may parte ng salamin ang kalahating pader ng office ni Estephen dahila. Para matanaw nya roon...


si Jessica at Estephen, naka kawit sa leeg ni Estephen ang braso ng lintang babae na kinaiinisan nya kaya padarag nyang binuksan ang pinto kaya’t halos, maitulak na ito ng lalake palayo sa kanya.
Lumapit si Zari at walang habas na binuhos nya sa dibdib ni Jessica ang isang baso ng kape na dapat ay para sa kanya at ang isang baso naman ay ang syang inilapag nya sa mesa ni Estephen. “oh sorry its my Fault.” sarkastiknag saad nya.
“What have you done? ” gulat na saad ni Tepen.
“how dare you! “galit naman na sigaw ni Jessica.
“oh? Hindi ba mas malala pa dyan ang ginawa mo sakin? “nakataas ang kilay na saad ni Zari.
“Go Jess, change your clothes let me talk to Zari. ” pakiusap ni Estephen.
Walang nagawa si Jessica kundi inis na lumabas ng office. “why did you do that! ” hindi na naiwasan ni Estephen na hindi mapasigaw.
“bakit? Nung may ginawa ba kayo sa’kin na mas higit pa don may narinig ka ba sakin? ” lalong nangibabaw ang boses ni Zari.
“i can’t understand.. “walang ideyang saad ni Estephen.
“Hwag kang magtanga-tangahan dahil alam natin pareho na iyong babae na’yon ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay! ” bumuhos ang luha ni Zari. ” nung araw ng aniversarry natin! Nahuli ko kayo na may ginagawang kademonyohan sa sarili nating pamamahay! “halos lumabas na ang litid sa leeg ni Zari ngunit isa ma’y walang naiintidihan si Estephen.
“i’m with you at that night baby.. What are you talking about! ” nalilitong aniya.
“Si Jessica ang kasama mo non Estephen at hindi ako! Umalis ako ng walang paalam dahil alam kong hindi mo yun gagawin kung mahal mo ako! ”
“ano bang pinag sasa-sabi mo?”
“at hindi pa don natapos dahil nalaman ng babaeng yan na buntis ako kaya pina bugbog nya ko hanggang sa malaglag ang anak natin hay*p ka! ” hindi na napigil ni Zari ang sarili nya hanggang sa sampal-sampalin nya si Estephen. ” pinatay nya ang anak natin.. ” umiiyak na aniya, walang nagawa si Estephen kundi matulala ayaw nya mang maniwala ngunit batid nyang hindi nagsinungaling si Zari kailan man.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. ipapatay mo ying tepen na yon at e hang sa building

  2. Next po. Ang ganda. Nakakabitin..

Leave a Reply


top