A WIFE’S CRY Chapter 13


A WIFE’S CRYπŸ’”
πŸ’”Chapter 13πŸ’”
Pagdating na pagdating palang nila ni Lexter sa bahay ng mga magulang nito ay sinalunong na sila na ng napakaraming tao at ang atensyon ng lahat ay nasa kanya..
“Diba si Aileen Montecarloss yan? Napakaswerte naman ni Alex at Teresa at ito ang napangasawa ng anak nila.” Rinig niyang bulong ng isa sa kasama nito.
Ang apelyidong Montecarlos ay kilala sa bansa dahil isa ang daddy niya sa mga successful na businessman at tinitingala ito ng mga tao dahil na rin sa yaman.
Hinawakan ni Lexter ang kamay niya para sabay silang haharap sa mga magulang nito. Babawiin niya sana ito pero hindi siya nito hinayaan. “Kahit ngayon lang.”
“Happy Birthday, Ma.” Bati ni Lexter sa ina na wala man lang kabuhay buhay napakawalang modo talaga. Pero nagulat siya ng siya ang batiin ng ginang.
“Mabuti naman at nakapunta ka Iha.” Ngiting sabi nito kaya ngumiti na rin siya ng pilit. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Makikipagplastikan ba?
“Pinilit lang po ako ng anak niyo.” Pranka niya ng sabi. Kaya sinamaan siya ng tingin ni Lexter pero inirapan niya lang ito. Bakit? Nagsasabi naman siya ng totoo a!
“Pagpasenyahan mo na ang anak ko ganyan talaga yan.”Biro nito kaya peke nalang siyang tumawa para makisakay.Birthday pa naman nito.
” Matagal na po kong nagpasensiya diyan sumuko na ko. “Pabulong niyang sabi.”May sinasabi ka ba Iha?” Akala niya ay hindi nito narinig. “Ahh wala po.”
“Sige maiwan ko na muna kayo.” Sabi nito kaya naiwan na nga silang dalawa ni Lexter.”Di mo ba alam na lahat sila nakatingin sayo?” Parang galit ito o ano.
” E ano naman ngayon? Masama bang mag-ayos paminsan minsan? Saka wala namang masama kung tignan nila ko. Ehh ikaw nga kanina ka pa rin nakatingin!”
At iniwan niya ito doon! Kukuha nalang siya ng wine. Makikipagkilala na rin sa ibang tao para lalo itong inisin. Wala siyang pake kahit magalboroto pa ito!
” Hi, miss you are? “Bati sa kanya ng isang lalaki.” Aileen. “saka niya inilahad ang kamay niya.” You’re daughter of Aries and Lexeen Montecarlos am I right? ”
” Ako nga. “Sabi niya at ngumiti.” Youre father was well known in the business world. You know what ang ganda ganda ko. Ang swerte ng asawa mo sayo. ”
” May kailangan ka kaya ka lumapit sakin tama ba? “Mukha kasing sa negosyo ang pakay nito at hindi talaga siya. Mukha itong may asawa na.
“Pwede mo bang banggitin ang kompanya namin sa daddy mo? Youre father will help a lot. Alam ko naman pakikinggan ka niya.” Sabi na nga ang galing niya talaga.
“Sana sinabi mo agad para dina humaba usapan natin.” Biro niya pa. “I’ll tell my dad.” Sabi niya pagkatapos nitong sabihin ang pangalan ng kompanya.
Ganyan naman talaga ang mga tao magaling kapag humihingi ng pabor. “Ms. Aileen pwede po bang magpapicture ang ganda ganda niyo po kasi.” Sabi ng isa.
“Sure.” At ayun nga nagpicture sila. Maya maya pa ay muntik na siyang mamamatay sa kaba dahil may bumulong mula likod niya. “Iniinis mo ba talaga ko?”
Kahit hindi siya humarap ay alam niyang si Lexter iyon. “Really? Nakikipag-usap ka sa mga taong di mo naman kakilala?” Bakit ba concern na concern ito sa kanya.
“May okay ng sila ang kausap ko kaysa ikaw.” Aalis sana siya...


doon pero nahawakan nito ang braso niya. “My parents wants to talk to you.Tara.”
Mukhang gusto siyang makausap ng masinsinan ng mga magulang nito. Pero bakit naman? Dahil alam na ba nito ang kalokohan ng anak nila.
Ang pananakit at pangg*gago ni Lexter sa kanya. O baka naman kasi kinokonsinti ng mga ito ang anak. Baka hindi talaga tama na nagpunta siya sa party na iyon.
“Ma.” Kaya napatingin ang mag-asawa sa kanilang dalawa. Sila lang ang naroroon. Mukhang may mahalaga talagang dapat pag-usapan. Naeexcite tuloy siya.
Pinaupo siya ng mga ito, magkatabi sila ni Lexter. “Ano po bang kailangan nating pag-usapan? Pumunta lang naman po ako dito dahil birthday niyo, wala ng iba.”
Di agad nakapagsalita ang mga ito dahil sa sinabi niya. “Aileen respetuhin mo naman ang mga magulang ko.” Si Lexter kaya napairap na lamang siya.
“Bakit nirespeto din ba nila ko? Ehh parang kinukunsinti ka nila sa pananakit mo sa akin ha? Yung kay Celine alam din nila iyon diba? May ginawa ba sila? Wala!
“Calm down Iha mag usap usap tayo ng maayos.” Sabi ng ina ni Lexter. “Para saan po? Natatakot kayo na malaman ng daddy ko ang lahat?Ganun ba?” Aniya.
“Aileen tama na!” Si Lexter pero ayaw niya talagang magpaawat. Anong tama na oo dati naging t*nga ko nagpakag*ga ko umasa na mamahalin mo pero tama na! ”
” Humihingi kami ng tawad sa lahat ng nagawa ng anak namin sayo. “Napatawa nalang siya ng mapakla.” Anak niyo nga hindi humingi ng tawad sa akin! ”
” Sinabihan na namin siya na hiwalayan na niya si Celine dahil ikaw ang gusto namin Iha. “Sabi ng daddy ni Lexter na nakapagpatawa naman sa kanya.Hanep!
” Hindi na po kailangan! Dahil ako na po ang makikipaghiwalay sa anak niyo. Para naman lumaya na siya at mapakasalan niya na ang Celine na iyon. “Aniya.
Saka walang ano anong tumayo.”Aileen!” Tinatawag siya ni Lexter pero hindi niya na ito pinansin. Ang mga bisita ay takang taka rin sa kung ano nga ba ang nangyari.”
Sumakay nalang siya ng taxi. Kaya niya ang sarili niya.Pero hindi siya sa bahay nila pupunta. Pupunta siya sa parent niya. Doon muna siya manatili kahit saglit lang.
Hindi pa rin makapaniwala si Lexter na iiwanan siya doon ni Aileen. Siguro dahil na rin sa kanya kaya tumapang ito ng ganoon. Dahil sa mga pananakit niya.
Maya maya pa ay may tumawag sa kanya. “Babe, I miss you, sorry na. Pwede bang pumunta ka na sa condo?” Si Celine iyon. “Sorry babe pero may inaasikaso ako.”
Pagsisinungaling niya dito. Kailangan niyang makausap si Aileen. Ewan niya ba mab*baliw siya kapag hindi niya ito nakausap ng maayos.
“Like what?wala ka na ba talagang time para sa akin? Hindi mo na ko mahal? Babe miss na kita. Yung dating ikaw, yung lagi tayong magkasama.” Anito.
Ewan niya ba mas gusto niya pang hanapin at sundan si Aileen kaysa makausap ito. Hindi niya rin alam kung bakit! Lalo pat sobrang laki ng galit ni Aileen sa kanya.
” Sorry pero next time nalang tayo mag-usap. “Aniya. Nag-aalala siya kay Aileen baka kasi kung ano ang mangyari dito at sa kabila ng pag-iisip niya.
Tumawag ang mommy ni Aileen.” Iho nag-away ba kayo ng anak ko? Nandito siya sa amin. “Nakahinga siya ng maluwag dahil don.” Papunta na po ko, Tita.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top