Munting Pangarap ni Esang Kabanata 36


Pagkabalik namin galing MayniLa ay napansin kong parang may nagbago kay tito at tita..
Di na masyadong naglalasing si tito.. Di na rin nya ko masyadong sinisigawan..galit parin sya alam ko kse ramdam ko yun ..paminsan minsan nya nlng akong pinapagalitan ..ganun din si tita.. Pero ngayon di niLa ako pinapansin.. Parang siguro yun yung paraan nila para ipaalam sa akin na galit padin sila pero mas ok na yun kumpara nung nakaraan na kung parusahan nila ako sa kasalanan ko ay parang ako ang pumatay kay Jose RizaL.
Kasabay ng pagtilaok ng manok ay ang pagmamadali namin ni Long para ihanda ang dalawang mahabang mabigat na kahoy at isang malapad na kahoy na may butas na bilog na kaseng laki mg takoo ng aming kadero.
Ang tawag namin dito ay BAYUHAN. Oo ..ngayong araw ay magbabayo kami mg palay ni Long para gawing bigas..ito na kase ang buwan ng habagat.. Masyadong malalakas ang alon at walang bangka ang makakapunta sa kabilang isLa para magpagiLing ng palay para maging bigas.. Sa ngayon ay mano mano naming gagawin yun ni Long..
“Oh ano? Ok na ba yan? Anjan na ba ang bilao para sa pagsasalinan natin ng nabayo nating palay? Tanong ko kay Long habang isinasalin sa butas ng kahoy ang palay.
“Oo ok na.
Nag umpisa na kameng magbayo.. Pagbagsak ko ng kahoy at pag angat ko ay sya namang pagbagsak ni Long ng kahoy para mabalatan ang palay para maging bigas.. May kabigatan ang nasabing kahoy na mahaba pero di nmin yun alintana. Ang mahalaga magawa naming bigas ang palay para may maisaing bago mananghalian ..salit salitan kami sa pagbabayo para mabilis kaming matapos. Mejo naproseso ang pagbabayo ng bigas.. Hindi lang kase isa o dalawang beses mo syang paulit uliting bayuhin para maging bigas .pagkatapos naming bayuhin ay tatahipin pa...


namin gamit ang bilao para matanggal ang ipa ng palay saka babayuhin ulit para maging bigas lahat ang nasabing palay..
Tagaktak ang pawis sa noo kasabay ng mainit na sikat ng araw ay natapos na din namin ni Long ang babayu ng bigas. Napakahirap pero kailangan…
“Inom muna kayo ng tubig. “,sabi ni Boboy..
Tumulong din naman si boboy sa amin..
Agad kong inabot ang baso at lumagok ng tubig ..
“Oh sige magsasaing na muna ako “, paalam ni boboy at ipinasok ang binayo naming bigas.
Habang papasok ito ng bahay ay nakasunod ang aking paningin.. Yun na ang panghuLing palay na meron kame.. Ano na ang kakainin namin sa susunod na araw ..DahiL kse sa kagagawan ko. Di na kme nakapag imbak ng pagkain para ngayong tagutom dahiL sa madalas na pagLalasing ni tito..
Malungkot akong napayuko. DahiL sa kasalanang nagawa ko pati tuloy mga kapatid ko nahihirapan..
Hapon na at magtatakip silim na.. Natanaw kong anjan na sila tito at tita. At may pasan ng sako si tito. At alam ko na ang laman nun.. Kamoteng kahoy.. Nabanggit kse kanina ni Long na wala ng palay na magagawang bigas dahiL ubos na ito kaya ang naisp na suLosyon ni tito at tita ay ang kamoteng kahoy na gagawin naming puto..
Matrabaho ang paggawa ng puto. Eed erin mo.. Pipigaan.. Ibibilad para di mapanis agad at saka mo iistem sa ginawa naming huLmahan na gawa sa bao ng nyog…
“ito po kape “, sabay abot ko ng kape kay tito at tita .
“Salamat “, walang emosyong sabi ni tito.
Kahit wala yung emosyon ay nakaramdam ako ng tuwa. DahiL pinansin ako ni tito…
Hiniling ko na sana tuloy tuloy na at dumating ang araw na mapatawad ako ni tito at ni tita..
-itutuLoy
Goodmorning 🙂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top