The Unexpected (Love is not in a position)


AUTHOR: MsEsthetics
GENRE: Random
Prologue
‘Love is not in a position’
Malachi pronounce as ‘Malakay’
Mikas Fortes POV
I was in the mall alone, eating and shopping when I suddenly saw someone who seemed to be in a hurry, until I found myself heading to the concealed dark part of the parking lot because I had secretly followed him.
And Here I am now, hidden in fear that he will know na sinusundan ko sya. He is looking around to see if anyone is there while holding his phone into his ear as if someone is talking.
“Ang dami dami nyo na nga! Hindi nyo pa agad magawang mahuli??!!! Kailangan nyo na yon mapatay sa lalong madaling panahon kung hindi ibabaon ko kayo sa hukay!” He said emphatically to the person he was talking to, which made my chest throb.
‘sinong ipinapapatay nya?’
Nothing could explain the sadness I felt at the thought that he is no longer the Malachi I once knew.
“NAIINTIDIHAN NYO B—–” naputol ang kaniyang sasabihin ng may tumunog na isang matinis na bagay
‘SH*T!’
may lata pala dito! ‘ ipapahamak mo ba ‘kong lata ka?!!!’
Ramdam ko ang kanyang mga tingin sa gawi ko which make my heartbeat fast, faster and fastest up to the highest level! Nanlalamig ang aking mga kamay ng dahil sa kabang makita nya ako. Maaari nya akong mapatay anumang oras.
Sa bawat paghakbang na nagmumula sa kanya ay kasabay ang pagbigat nang tibok ng puso ko kaya naman hindi ko na nagawang makapag isip pa ng maayos at hinagip ko na agad si kuya na kararating lang dito, saka ko mabilis na ipinulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg at marahas syang hinalikan sa napakalambot at mapula pula nyang labi dahilan para mapakapit sya sa aking napakaliit na baywang.
Unti unti akong tumingin sa nanlalaki nyang mga pamilyar na kulay tsokolate na mata ng dahil sa gulat. Lumampas naman ang aking mga tingin sa kanyang mala modelong muka at nahagip ang isang nakakamatay na titig ni Malachi. dahilan para mas lalo ko pa itong si kuya mahatak papalapit sa akin.
When he left ay agad naman akong kumalas kay kuyang stranger at mabilis na tumalikod paalis.”where do you think you’re going?” He said in a serious and husky voice na nakapagpatigil sa akin.
Unti unti akong humarap sa kanya na may ‘nanghihingi ng pasensya look’ “Sorry” ngunit agad rin itong nawala ng lumantad na sa akin ang kanyang buong itsura. ‘Brion?’
Malaki ang pinagbago ng kanyang itsura. Mas lalo syang gumwapo at mas gumanda ang hubog ng kanyang katawan. Halatang nag g gym ito palagi.
“tsk” nakapamay awang nyang tugon. “Apology not accepted.”
‘suplado!’
Ngunit bakit parang di nya ako kilala? Siguro ay nagkamali lamang ako, dulot lang siguro ito ng matinding pag iisip ko sa kanya araw – araw simula noong maghiwalay kami.
“Edi wag.” bulong ko sa sarili sabay irap dito, na pilit nilalabanan ang ala ala ni Brion. Maaaring nag hahallucinate na naman ako.
“What did you say?” kunot noo nya ng tanong sa akin
“ah wala heheh” saka ako mahinang bumulong ” sabi ko Pogi mo.”
“what?” napipikon nyang sabi sa naging dagdag ko
“WALA! SABI KO AMPANGET MO TAS BINGI MO PA!” pagsigaw ko sa kanya
“Really?! How about you?? Kissing the stranger? ! WoW! How do you call that huh?”
‘pag minamalas ka nga naman! dapat nga matuwa ka pa, kasi hinalikan ka ng isang tulad ko na maganda lang!.’
‘pogi pogi, suplado naman!’
‘Someone told me na kapag suplado, sa pag ibig ay seryoso’
‘siguro nabasted tong si kuya? tapos masyadong dinamdam o kaya naman niloko? kaya masyadong maiinitin ang ulo!’
‘pero paano naman ito maloloko? gwapo gwapo parang artista,’
‘Oo nga pala hindi lahat ng artista ay gwapo parang si ano hahhaha ayaw ko nalang mag talk.’
“Hey! Why are you smiling like that?” ‘ha? ngumingiti ba ako?’
di ko namalayan na nakalapit na pala agad sya sakin at bigla nyang hinatak ang aking baywang “You like it huh?” He said with an evil smile.
Our faces are...


so close to each other that’s why I can feel the heat of his sweet aromatic breath and his manly scent.
Iniayos ko bigla ang aking tayo at kumalas sa kanya na kunwari ay hindi nagustuhan ang ginawa nya “Hoy! hindi ah! kinailangan ko lang kasi yon kanina! wag kang ano jan!”
“You stole my first kiss then” I can see the smirk on his face
‘first kiss??????!!!!!’
‘ha? hakdog’
‘Hindi halata sa kanya na hindi pa sya nakakahalik ng babae. ‘
“I’m your first kiss??” Curious kong tanong sa kanya. Hindi nga siguro sya si Brion
“yeah, an ugly duckling stranger like you.” Panlalait nya pa.
‘p*t*ngina!!! nanlait pa’
“How about your girlfriend?”
“I have no girlfriend.”
‘ah! kaya siguro suplado’
“ako nalang, baka want mo?”
“WHAT?!!”
“Siguro bakla ka? kaya wala kang girl friend.” Pagiiba ko sa usapan
Gumuhit naman ang inis sa kanyang mukha ” I’m straight Miss!”
“ahhh” tumango tango pa ako sa kanya “naninigurado lang” bigla namang hinawakan ng napakalambot at mahahabang daliri nya ang aking baba
“it seems like you want me to kiss you.” He said in a seducing way. Then he’s slowly putting his face closer to mine while holding my chin, looking at my lips and is going to kiss me when it suddenly rain.
So, he was stunned for a moment and looked up at the stars without removing his fingers on my chin ngunit parang bigla nalang syang naalarma he grabbed fast my waist so that I can feel the heat of his body saka mabilis na nakaikot patago pagkatapos ay sunod sunod na putok ng baril na ang aming narinig. Halos magkarerahan ang tibok ng aking puso sa sobrang bilis ng pangyayari, at bukod sa putok ng baril ay dahil na rin sa sobrang pagkakadikit ng aming katawang nakatago sa napakakipot na gilid.
Nakasandal sya sa pader at nakapulupot ang braso sa likod nang baywang ko na para bang yakap yakap nya na ako . Ramdam ko rin ang mainit nyang hininga sa leeg ko kaya kumalas ako ng onti ngunit pinigilan nya ako “shhhh” na may pagtapat ng isa nyang kamay gamit ang hintuturong daliri sa kanyang bibig.
Nagulat ako ng humugot sya ng baril sa tagong parte ng kanyang katawan saka ikinasa ito. Hindi nya siguro alam na halos nakayakap na sya sa akin kaya nagreklamo na ako. “Hindi mo ko kailangan yakapin!” inis kong bulong sa kanya. Nakita ko naman ang pag iba ng expresyon sa kanyang mukha na para bang napahiya kaya tinanggal nya na ang kamay nya sa akin saka sumilip silip nang patago upang makita kung may mga armadong tao pa ang nakapaligid o wala.
Hinawakan nya bigla ang isang kamay ko saka sya mabilis na naglakad kasama ako, ngunit panibagong putok ng baril ang sa amin ay sumalubong kaya mabilis uli kami na nakapagtago habang sya ay sunod sunod din ang pagpapaputok ng baril sa kabila. Ramdam ko ang pagkakagulo ng mga tao at alam ko na kami ang gustong paputukan ng mga armado.
Ang kaniyang pamilyar na galawan sa pakikipaglaban ang nagdadala sa akin sa ala ala ni Brion kaya hindi ko namalayan na natulala nalamang ako sa kanyang mukha at wala sa sariling naibulong ang kanyang pangalan. “Brion.”
Natigilan sya saglit ng marinig ito kaya napatitig pa sya sa akin ngunit inalis nya rin kaagad ito ng panibagong putukan ng mga baril ang umatake sa amin.
“Kailangan na natin makatakas dito!” bulong nya sa akin habang nakikipagbarilan
“May dala akong sasakyan” bulong ko sa kanya saka tinuro kung nasaang pwesto iyon. Mabilis naman syang tumango sa akin. Patago nya akong inihatid kung nasaan ang sasakyan ko, kahit na puno ang paligid ng mga putukan ngunit alam kong ako’y kanyang pinoprotektahan hanggang sa makarating at makapasok ako sa loob ng sasakyan.
“Ano?! hindi ka pa ba sasakay?” pagmamadali ko sa kanya sapagkat hindi sya pumapasok sa loob at umiling lang dahilan para magkaroon pa kami ng kaunting pagtatalo sapagkat ayaw nya pang umalis.
“Kailangan mo ng makaalis dito.” pagmamadali nya sa akin.
“Paano ka?” nag aalala kong tanong sa kanya.
“huwag mo akong alalahanin. umalis ka na!”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top