*2U* Chapter 13


(Tanya POV)
+Typical day sa opisina at busy si Syto sa pagsulat ng kanta sa recording room at ako naman nag aayos ng mga pina paayos ni Sir.
Nathan- Hi Maam.
Tanya- oh Nathan bakit?
Nathan- mag papa sign lang po.
Tanya- ahh okay. Kamusta naman ang trabaho?
Nathan- ok naman po. Pero syempre wala pa naman po tayong malakihang event kaya di pa ganun nakaka stress eh.
Tanya- sabagay.
Sir- Guys. Sa meeting area now.
Tanya- yes Sir.
Nathan- bakit kaya?
Tanya- lets go.
+ dumiretso na kami agad sa meeting area.
Maya maya dumating narin ang ibang staff.
Sir- Goodmorning.
Tanya- do we have any problem Sir?
Sir- we need to conduct a plan.
Nathan- para saan po?
Sir- I am thinking about having a mid year concert since suggestion din to ng sponsors.
+ nagkatinginan kami ni Nathan dahil don.
tanya- sigurado ba kayo Sir?
Sir- yes, well hindi ako umaasa na malaki ito but atleast very best para sa first concert ng banda. Kaya ngayun pa lang humanda na kayo.
Nathan- yes sir. Ibabalita narin namin agad sa kanila.
+pagkatapos ng meeting na yun ay excited na excited si Nathan, pumunta agad sya sa recording station kaya sumunod nako agad. Pagdating naman don tanging sila jim lang ang nandun at wala si Syto. At san na naman kaya pumunta yun?
Jim- oh, ngiting ngiti kayo ah. Ano meron.
Nathan- good news.
Myel- what?
Tanya- guys you will be having a midyear concert.
Jim- ha? You mean concert as in concert?
Tanya- yes.
Ken- Nice!!!
+ nag apiran silang tatlo na tuwang tuwa, well sobrang nakaka excite naman kasi talaga dahil big break nila to.
Tanya- uhmm, nasan si Syto?
Ken- hm? teka nasan nga ba si kuya? Wait lang hanapin–
Tanya- ako na, dyan na lang kayo at magpractice.
Nathan- Samahan na po kita.
+ lumabas na kami ng recording area. Tuwang tuwa pa naman akong ibalita sa kanya to. Nangunguna at nakasunod lang sakin si Nathan na nagtitingin tingin din. San naman pupunta yun? Lumabas kaya sya?
Nathan- hintayin na lang kaya natin syang bumalik?
+ binuksan ko saglit ang exit at tumambad sakin ang nakatalikod at nakatingin sa kawalan na si Syto, tatawagin ko na sana sya ng mapansin ko ang hawak nya.
Nathan- andyan ba sya?
Tanya- ha? Wala wala.
+ ngayun nakita na rin ako ni Syto. At mabilis nya itinago ang hawak nya.
Tanya- uhmm, ganto na lang, hanapin ko sya tas ikaw hintayin mo na lang baka kasi dumeretso na sya dun.
Nathan- okay sige po.
+ pagkaalis nya ibinaling ko agad ang tingin ko kay syto.
Tanya- anong ginagawa mo dito?
Syto- wala naman nagpapahangin lang.
Tanya- bakit dala mo na naman yang balisong na yan?
Syto- ahh, wala for protection.
Tanya- anong protection? Saan.
Syto- uhmm, bakit moko hinahanap? Ano meron?
Tanya- hindi mo sinasagot ang tanong ko.
Syto- Tanya, walang dahilan okay.
+ tinitigan ko na lang sya at bumuntong hininga.
Tanya- sigurado ka?
+ tumango na lang sya at ngumiti. Pero bakit ganun? Pakiramdam ko may mali. Sinabi ko na sa kanya ang dahilan kung bat ko sya hinahanap at sabay na rin kaming pumunta sa recording area. Okay naman sya parang wala naman syang kinikilos na kakaiba maliban sa kanina. Tuwang tuwa silang lahat sa goodnews na yun. Halos excited na silang mag practice uli dahil ang totoo next month na ang mid year concert at kaylangan talaga maghapit. Gabi na at nasa office lang ako habang hinihintay silang matapos sa practice.
Nathan- Uhmm maam, gusto nyo ng kape? Mukang matatagalan pa ata sila. Ipagtitimpla na kita.
Tanya- sige salamat ha.
+ at ipinagtimpla nga nya ako ng kape.
Nathan- malalim po ata iniisip nyo ah, kanina ka pa nakatungo, napansin ko lang.
Tanya- ahh hindi, pagod lang siguro.
Nathan- naku, hinay hinay lang, sa mga susunod na araw mas hahapit pa tayo.
Tanya- kaya nga eh. Uhmm sandali lang ha mag ccr lang ako.
Nathan- ahh sige lang po.
+ lumabas muna ako para mag cr. Medyo may kalayuan din kasi mula sa office room namin. Nadaanan ko pa nga ang practice room. Pagpasok ko sa loob dumiretso ako agad sa banyo at pagkatapos ay lumabas at naghugas ng kamay, napatingin ako sa pintuan at napansin ko na nakasara ito. Hmm, pero…. Siguro naisara ko lang lalabas na sana ako pero hindi ko na mabuksan.
Tanya- bat ayaw?!!
+ imposible namang i lock to alam naman ng guard na nandito pa kami. Kinalampag ko ng kinalampag ang pinto.
Tanya- Manong guard??? May tao pa sa loob pakibuksan naman please!!
+ pero walang sumasagot.
Tanya- Manong guard?!!! May tao dito…!!
+ halos mapatalon ako ng may nabasag sa likod ko, yung bumbilya pala kaya nawalan din ng ilaw, nagsisimula nakong kabahan.
Tanya- MAY TAO BA DYAN?!! PAKIBUKSAN NAMAN NG PINTO!!
+ ano bang nangyayare? Wala akong makita kundi konting konting liwanag lang mula sa bintana ng banyo. Mas natakot ako ng maramdaman kong may mga yapak na papalapit sakin.
Tanya- May tao ba dyan? Sino yan??
+ wala akong maaninag ng ayos ang alam ko lang may papalapit sakin.
Tanya- Sino…. —
+ halos mawala ako sa sarili ng may biglang sumakal sakin ng napaka higpit at isandal ako ng napaka lakas sa pader.
Tanya- s-sino ka?!!! Anong k-kaylangan mo!!
+ pero wala akong narinig na sagot. Halos hindi nako makahinga sa pagkakahawak sa leeg ko. Mas tumindi pa ang sakit ng bigla na lang akong sikmuraan.
Tanya- SINO–KA BA?!!
+ maya maya narinig ko na parang may nagbubukas ng pinto. Halos mapaluhod ako ng binitawan ako bigla at tumakbo papuntang bintana ang anino na nakita ko. Habol hininga akong lumapit sa pinto.
Myel- teka bat ayaw mabuksan nito?
Tanya- tulong!!!
Myel- huh?
+ napansin kong boses ni myel yun kaya agad akong sumigaw.
Tanya- Myel!! Tulungan moko.
Myel- Tanya?!
Tanya- tulungan moko.
Myel- anong nangya–oh my god wait tatawagin ko ang guard pati sila syto okay. Are you...


even alive there??
Tanya- pakibuksan ng pinto please!!
Myel- i’ll be back okay stay there.
+ narinig ko ang pagtakbo palayo ni myel, sobrang sakit parin ng tyan ko dahil sa suntok kanina. Maya maya pa ay narinig ko na ang mga yabag sa labas.
Syto- Tanya?!!!!
+ halos mapabalikwas ako ng marinig ko si Syto.
Syto- Guard buksan mo na bilis!!!
Guard- bat ganun, ayaw mabuksan sir.
Syto- ANONG AYAW MABUKSAN?
Guard- ayaw talaga sir.
Syto- tanya?? Okay ka lang? Kaya mo bang buksan ang pinto?
Ken- Kuyang guard baka naman kasi hindi yan ang susi!!
+ sinubukan kong buksan ang pinto pero hindi ko parin mabuksan.
Tanya- hindi ko mabuksan.
Jim- bat ganun??
+ halos magkagulo na sila sa labas, napaaray ako ng mahawakan ko ang leeg ko, sobrang hapdi, sobrang higpit kasi ng pagkakasakal sakin kanina.
Syto- TABI!!! TANYA LUMAYO KA SA PINTO.
+ sinunod ko ang sinabi nya at narinig ko na lang na pinupukpok ang kandado ng pinto hanggang sa matanggal ito. Unang unang iniluwa nun si Syto na agad pumunta sakin at niyakap ako.
Syto- Okay ka lang?? Sinong may gawa nito?
Jim- anong nangyare sa ilaw dito?
Lander- bakit basag?
Myel- omg anong nanyare sa leeg mo?
Syto- Sinong gumawa sayo nito?
Tanya- hindi ko alam, wala akong maaninag.
Ken- bukas ang bintana!
+ mabilis na tumakbo palabas si ken, lander at jim kasama ng guard. nagbabakasakaling maabutan nila.
Binuhat naman ako ni Syto palabas ng banyo.
Syto- Myel pakitawagan si Sir pasabi kaylangan natin ang company car, pagkatapos kunin mo sa parking lot dadalhin natin si Tanya sa ospital.
Myel- copy.
Nathan- Maam Tanya?? Anong nangyare Sir Syto?? Bakit? —
Syto- pakikuha ng gamit ni Tanya sa office pati gamit ng members pakisunod sa ospital.
Nathan- si-sige po.
+ halos wala nakong naiintindihan sa nangyayare dahil sa sakit ng sikmura ko hanggang sa nawalan nako ng malay sa lahat.
(Syto POV)
+ halos mawala ako sa sarili ng makitang hinang hina si Tanya. Nagsisunudan naman sila jim sa ospital.
Ken- Kuya, wala na kaming inabutan eh.
Myel- at sino naman kayang gagawa nyan?
Jim- may tao bang pinagkakautangan si Tanya? Kung meron man grabe naman kung maningil.
+ kahit ako napapaisip kung sino gagawa nito sa kanya. Tinabihan ko lang ang natutulog na si tanya, hindi pa sya nagkakamalay.
Syto- siguro magpahinga na muna kayo ako na bahala dito, sigurado namang makakalabas narin sya bukas.
Ken- sigurado ka ba kuya?
Nathan- uhmm may maitutulong ba kami bago kami umalis?
Jim- alam ko na, bibili na lng ako ng makakain nyo kung sakaling magising sya mamaya.
Nathan- uhmm siguro ako na bahala sa damit na pamalit.
Syto- kunan mo na lang sya ng damit sa bahay, alam ni ken ang adress magpasama ka na lang.
Nathan- sige po.
Syto- salamat.
+ at umalis na nga sila maya maya pa. Hindi ko pa rin maiwasang mag isip kung sino ang gagawa nito sa kanya. Maya maya dumating ang isang doctor.
Doctor- are you a family of the patient?
Syto- boyfriend, nasa province po ang family nya.
Doctor- okay i just need you to fill this up, and siguro mag stay na lang sya ng 1-2 days dito para rest due to trauma then pwede na sya makauwe.
Syto- thank u doc.
+ naghintay na lang ako hanggang sa magising sya. At mga ilang minuto pa nga ay nagising na sya.
Syto- Tanya?
+ nakatitig lang sya sakin.
Syto- kamusta pakiramdam mo? Sabi ng doctor magiging okay ka na after a day.
+ iniikot nya ang paningin nya.
Syto- okay ka lang ba?
Tanya- asan ako?
Syto- Asa hospital
Tanya- sandali. Sino ka ba?
Syto- napakunot ang noo ko sa tanong nya.
Tanya- ano to?
+ umupo sya at hinawakan ang swero nya. Tatangkaing tanggalin.
Syto- Tanya ano ba? Anong sino ako?
Tanya- bitawan moko!! Umalis ka dyan!
+ pinilit nyang bumaba ng kama, pero pinigilan ko.
Syto- Hindi ko alam kung anong nangyayare sayo pero wag kang tumayo muna please tatawag ako ng doctor.
Tanya- tabi!!!
+ ibinalik ko sya sa kama ng nakaupo.
Syto- dyan ka lang!!! Subukan mong umalis dyan!!!
+ lalabas na sana ako at tatawag ng doctor ng narinig ko syang tumawa.
Tanya- AHAHAHHAHAHA
+ teka. Anong nakakatawa?
Tanya- hahaha hoy Syto, pumarito ka nga. Hahahahha
+ walanghiya, ang lakas ng trip!
Tanya- binibiro lang kita ano ka ba!! Pano naman ako mag kaka amnesia eh, sa leeg ako nasugatan. Hahahhaha.
Syto- ahhh at masaya ka pa?
Tanya- hahahha ikaw kasi nakakatawa itsura mo, muntik ka pang madapa palabas hahha
Syto- akala mo ba natutuwa ako? Nag aalala ako sayo!!!
+ bigla syang natahimik, nagulat siguro dahil medyo tumaas ang boses ko.
Syto- nag alala ako kasi baka matagalan ka pang magising!! Nag aalala ako na baka sobrang sakit ng nararamdaman mo!! Nag aalala ako kasi baka kung ano pa mangyari sayo, tapos bibiruin moko ng ganun?
+ yung muka nya nakasimangot na.
Tanya- S-sorry na, joke lang naman eh.
+ tsk, kung di ko lang mahal to. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
Syto- wag mo nakong pag aalalahanin ng ganun ha. Pag may gagawin ka at nag aalangan ka, sabihin mo agad sakin. Masakit isipin para sakin na wala ako sa tabi mo nung may nangyaring masama sayo.
+Tumango na lang sya at gumanti ng yakap, maya maya pinagpahinga ko na sya gabi narin kasi hinintay ko na lang ang pagkain na pinabili ko kay jim pati ang mga damit. Hindi ako matahimik kakaisip kung sino ba ang gagawa nito sa kanya. Wala naman akong alam na kaaway ni Tanya, ayoko ring isipin na ako ang dahilan. Pero hindi rin malabo na ako nga. Kung hindi ako nag kakamali tauhan ni Chris yun, hindi ko alam kung bat hindi parin sila matahimik ngayun, masiguro ko lang na sya nga ang may pakana neto hindi ko alam kung ano magagawa ko.
Itutuloy…….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top