WAITER sa isang restaurant si Micah. Mula nang mawala sa kanila ang kompanya, isang taon na ang nakakalipas, iginugol niya na ang sarili sa paghahanap-buhay. Alam niyang mahirap mabuhay sa bago niyang kapalaran subalit wala siyang ibang magagawa kundi tanggapin ang lahat. Hindi na siya mayaman, isa na lamang siyang ordinaryong babaeng nagsusumikap para mabuhay.
“Mabuti naman dumating ka na,” bungad agad sa kaniya ng katrabahong si Lianna.
“Pasensya na, nasiraan kasi yung taxing sinakyan ko, ” sagot niya habang kinukuha ang uniporme at sinuot ito.
“Hmmp, sinong niloloko mo. Ang sabihin mo kaya ka nalate dahil busy ka sa kakaentertain ng mga lalaki mo! Tsk, jan ka na,” irap nito saka siya iniwan sa loob ng stock room.
Naikuyom na lang ni Micah ang kamay dahil sa pagpipigil ng inis. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit galit na galit sa kaniya si Lianna kahit wala naman siyang ginagawang masama. Simula nang dumating siya sa restaurant, limang buwan na ang nagdaan, walang beses na hindi siya nito tinarayan. Kung di lang sana importante ang trabaho niya, matagal niya na itong sinabunutan.
Halos limang oras din silang nagpabalik-balik sa counter para kunin ang mga order ng mga customers. Hindi pa siya nakakaupo mula nang dumating siya kaninang umaga. Masakit na ang kaniyang paa, pero wala siyang ibang nagawa kundi tiisin lahat ng iyon.
“Good work, Miss Salvador,” bungad sa kaniya ng supervisor. Tila napawi ang kaniyang pagod dahil sa papuring natanggap . Ngumiti siya at nagpasalamat
“Maraming salamat po Mr. Ruise,”
“You deserve it Hija,” tugon nito at hinawakan siya sa balikat.
Sakto namang napadaan si Lianne sa deriksyon nila. Pansin niya ang pagtalim ng tingin nito sa kaniya at sa kamay ni Mr. Ruise na nakapatong sa kaniyang balikat. Sinamaan siya nito ng tingin saka umalis.
“E-eh, ginagawa ko lang po ang trabaho ko Mr. Luise,” Aniya saka marahang tinanggal ang kamay nitong nakapatong sa kaniyang balikat, ” Sige po, may gagawin pa po ako” saka siya naglakad papalayo.
_
MICAH’ S POV
“Hayst, kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng iyon. Napakasip-sip, napakalande!,” Yan ang unang bumungad sakin pagkapasok ko sa stock room. Naabutan ko roon sina Lianne at isa pa naming kasamahan.
Halata ang gulat sa mukha ng babaeng kasama ni Lianne nung makita akong pumasok. Agad itong nagpaalam na may gagawin at iniwan kami ni Lianne sa loob.
“Anong titingin-tingin mo jan?,” Pagtataray nito sa akin
“Hindi ako malande,” matigas na sabi ko. Alam ko na ako ang pinaguusapan nila kanina, tsked.
” Huh, wag ka na ngang maglinis. Kitang kita ko kung paano mo akitin si Mr. Ruise. Kaya pala lagi ka niyang pinupuri dahil lagi mo din siyang nilalandi,” Lianne.
Kumuyom ang dalawa kong kamay dahil sa sinabi niya. Anong karapatan niya para sabihin sakin iyon. Hindi niya ako kilala.
“Hindi kita papatulan,” pigil na galit na sabi ko saka siya dinaanan. Pero hinawakan niya ang braso ko.”Ayaw ko ng gulo, lianne”
“Tsk, natatakot ka ba sa’kin Micah? Ang hina mo naman,” ngising aniya
Hinigpitan ko ang pagkakakuyom ng kamao ko. ‘Kalma Micah, kumalma ka’
“Kung ayaw mo ng gulo, pwes umalis ka dito. Maraming may ayaw sayo Micah, hindi lang ako. Alam mo ba kung bakit? Kasi malandi ka, lahat ng lalaki dito nilalandi mo, pati yung supervisor natin diba. Tsk, bakit? Kasi gusto mo ng maraming pera, gusto mong mapromote sa madaling paraan? Huh, kawawa ka naman,” lianne.
Hindi na ako nakatiis pa at pabalang nang ibinato ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. “Hindi mo ako kilala kaya wag mo kong husgahan. Hindi ako malandi, wala akong nilalandi. Kaya ka ba galit na galit sakin dahil naiinggit ka? Dahil lagi ako ang nakikita at pinupuri nila kesa sayo? Huh, sino satin ang mas ka-awa-awa Lianne,?” Matalim na sabi ko. Hinarap ko siya at tinitigan. “At sino ka ba para utusan akong umalis? Ikaw ba ang boss dito? Santo ka ba para luhuran ko? Huh, hindi. Kaya kahit anong sabihin mo, hindi ako aalis dito. Trabaho ang kelangan ko, hindi ang...