Beautify Chapter 8


“Good morning Belle. Tara pasok na tayo sa school!” si chloe na nasa pasenger seat at si Seb ang driver. Luminga linga pa siya at tila may hinihintay.
” Uhm mauna na kayo . Hinihintay ko pa si Kurt. Susunod nalang kami.” tanggi niya.
“Pero maagang pumasok siyang pumasok . And we don’t know why.” kibit balikat ni seb.
“Ha ganun ba. O sige sabay nako sa inyo.”
“Wait! ” pagpipigil ni seb sa kanya at saka lumabas ng sasakyan at pinagbuksan si belle.
“Salamat”
Habang binabagtas nila ang daan ay di niya mapigilang isipin si Kurt kung bakit hindi siya nito hinintay. Dati rati naman ay kahit maaga siyang pumasok ay hinihintay parin siya nito. Ngunit inisip niya na lamang na may importante pa siyan gagawin sa school kaya maaga siyang pumasok.
“Belle are you with us? ” medyo malakas na tanong nito sa kanya . Ilang ulit na pala siyang tinatawag nito ngunit di siya pinapansin kayat sumigaw ito.
” Ha ? A-ano nga ulit yung sinasabi mo?” Utal niyang tanong na parang walang buhay.
“You aren’t listening.” maktol nito sa kanya. ” Ang sinasabi ko i planned to go on a vacation for a week with you guys. Somewhere with a beach to tan my skin.” himas pa niya siya balat niya na tila namumutla .
“Ah sige pag iisipan ko muna kung sasama ako ha.. kasi si mama walang kasama.”
“Okey pero sana makasama ka.. ngayon nalng ulit tayo magba bonding eh.. puro aral kasi tayo.” .
Pagkarating sa school ay agad na silang nag punta sa kanya kanya nilang klase. Pagkapasok ni Belle sa classroom ay nakita niya si Kurt na kausap na naman si Kiesha. Napasimangot siya sa nakita dahil nagtatawanan pa ang mga ito na may pahampas hampas pa kuno sa braso ng binata .
Umupo na siya sa kanyang upuan sa tabi yun ni Kurt. Sa lahat ng classes nila ay magkatabi talaga sila. Hindi siya nililingon nito na ikinadismaya niya. Tuloy padin ang tawanan ng dalawa.
“Uhm K-kurt… ?” nilingon siya nito pero nawala ang saya sa mukha nito.
“Yes?” malamog na tanong nito
“Bakit dimo ako dinaanan sa bahay kanina.?”
“I think its not my responsibility.” kibit balikat niya. At saka nbumalik ulit ang tingin sa kausap niya na para bang hindi niya ito kakilala.
“Anong problem niya? ” Sa isip niya. At saka dumating na ang prof nila.
Habang nagka klase sila ay sinusulyap sulyapan ni Kurt si Belle. Hindi niya kayang kausapin ito...


dahil sa nakita niya kahapon.. Di niya man lang napansin na nagkakamabutihan na pala ang dalawa. Naiinis siya hindi sa dalaga o sa pinsan niya kundi sa sarili niya dahil di pa niya kayang sabihin sa dalaga ang nilalaman ng puso niya hanggat di sila nakakapagtapos. Nirerespeto kasi niya ang dalaga dahil sabi nito ay di siya mag bo boyfriend hanggang di siya nakakapagtapos ng pag aaral . Pero mukhang ito na nismo ang sumisira sa pangako nito sa sarili niya.
“Anong meron sa inyong dalawa? ” sa isip niya habang nakatingin kay belle.
Tapos na ang maghapon at dismissal na nila. Nasa bench si belle habang hinihintay si kurt. Nag makita niya itong parating ay agad itong tumayo pero nilagpasan lang siya nito na parang di siya nakita.
Tumingala siya upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Nasasaktan siya. Bakit naging ganoon ang pakitungo nito sa kanya. Sa sobrang bigat ng nararamdaman niya ay di niya namalayang malayo na ang nalakad niya .
Makulimlim di ang kalangitan na tila nakikisabay sa lungkot niya. Maya maya pa ay biglang kumulog ng napaka lakas.
“Ay kabayo! ” nagulat siya . At unti unti na din pumatak ang malalaking butil ng ulan saka lamang siya natauhan.
“Umuulan. Naku wala pa naman akong payong. Malayo layo ang bahay. ” Tatakbo siya alna sinalubong ang ulan ng makarating siya sa isang waiting shed at doon muna siya pansamantalang sisilong. Patitilain na muna niya ang ulan.
Halos dalawang oras na yata siyang nakaupo ngunit di parin tumitila ang ulan. Sobrang giniginaw na siya.
” Nasaan ka na ba belle? Anong oras na anlakas pa ng ulan.” ang ina nito na nag aalala na dahil di pa siya umuuwi. Kanina ay daan pang mga kaibigan niya dito at tinanong siya dahil ang alam daw ng mga ito auly nauna na siyang umuwi ngunit hanggang ngayon ay wala pa siya.
“Baka kung ano na nangyari .” timawagan niya si Kurt upang alamin kung magkasama sila.
“Ah kurt iho, pasensya na sa abala ha. Itatanong ko lang kung magkasama kayo ni belle kasi hanggang ngayon wala pa siya . Nag aalala ako kasi napakalakas ng ulan baka kung ano na nangyari sa kanya.” tuloy na saad niya .
“Uhm tita diko po siya kasama . Kasi nauna po akong umuwi kanina for some reasons po.” kalmado ang boses niya ngunit di niya pinahalata sa kausap dahil pansin nitong labis na ng pag aalala niya . Pero sa loob niya ay kinakabahan siya at nagagalit sa sarili dahil hindi niya isinabay ang dalaga kanina pag uwi.
” Sige iho salamat ha. Pasensya na ulit sa abala.” at binaba na ang telepono.
Sobrang nilalamig na si belle at parang dina niya kaya pa. Para na siyang matutumba sa kinauupuan niya. Yakap niya ang dalawang tuhod. Gusto niyang humingi ng tulong pero wala na siyang lakas para magsalita manlang. Kaunti nalang ay mawawalan na siya ng malay.
Tuluyan na nga siyang nawalan ng malay.
❤️Happy reading 😊
_jerilou.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top