Touch of an Angel Chapter 2


Maagang pumunta si Angela sa
Adress na binigay sa kanya ng boss ng kuya nila. Mataas ang building an na iyon..
Ini isip pa sya kung papasok sya o Hindi dahil bka naliligaw lang siya.
Sa huli ay npagpasyahan niyang Pumasok
Sa gusaling iyon.. Hinarang siya ng guard
“miss saan ka pupunta? Tanong nito sa kanya.
Ipinakita niya ang calling card na bigay ng boss ng kuya niya ” Okay punta ka doon sa reciptionist. Wika ng guard sa kanya.
“Salamat po.”
Pumunta siya sa babaeng Nasa front desk
“Ah miss excuse po pwdei po a kay Mr. Dilan
Castillion? Wika niya babae..
Napakunot ang noo ng babae,” ah miss tawagan ko lang ang secretary niya ha kasi
Baka mapagalitan ako… Anu bang sadya mo sa kanya.?
Mag aaply po akong trabaho.
Lalong nangonot ang noo ng babae.” AAh
Miss Hindi po tumatanggap ng walk-in applicant’ si sir Dilan tsaka wala kaming. kaming bakante dto, kung gusto mong mag apply doon ka a agency pumunta.. Wag dito sa office namin.. Saad ng babae.
Pero si sir Dilan po mismo ang nagpapunta
Sakin dito.. Pwedi po bang malaman ang
Office niya kung saan?
Miss, wag ka nang makulit, kung pwedi lumabas ka na baka ako pa ang mawalan ng trabaho sayo eh.. Sige na please labas na..
Pagtataboy sa kanya ng babae..
Lumapit ang manager sa kanila ng mapansin
Na tila tensyonado ang receptionist.
Anung problima dito?
Ah ma’am siya po kasi eh, nagpupumilit pumunta sa office ni sir Dilan,mag aaply daw, pinapuapunta daw siya dito ni sir oh!sumbong ng babae.
Bumaling ea kanya ang manager at tila sinukat pa siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa..
Sa sout niyang mumurahing pantalon at mumurahing blouse na pantaas ay tila
tila nanliit siya sa tingin ng babae sa kanya..
“Ah miss Hindi kami tumatanggap ng ganyan ang sout at isa pa wala kaming bakante ngayon!
” Oh ayan na pala si sir! Saad ng manager at lumapit ito kay Dilan Naka coat itong itim, na tinernohan ng itim na pang ibaba at sapatos na leather na itim din
may kasama itong dalawang lalaki na nakalong sleeve na itim
Goodmorning sir! Bati ng babae ganun din ang babae sa front desk bumati din ito..
Tintingnan ito ng lalaki saka bumaling kay
Angela ng saglit Nasa malapit lang din.. Saka nito ibinalik ang tingin sa manager..
“Miss nicky marasigan, paki assist na lang yang bagong aplicante Bigyan mo sya ng trabaho.”
Sir wala po tayong bakante ngayon!saan ko po sya ilalagay?
Bahala ka basta Bigyan mo sya ng trabaho kahit anu! Ha.. Sige ikaw na bahala sa kanya..
Wika ng lalaki. Tinaponan nito ng saglit tingin si Angela saka umalis.. Kasama ang dalawang lalaki.. Naiwan ang manager binalingan nito si
Angela..
Haissst! Anu ba yan nagka problima pa tuloy ako! Saan ba kita ilalagay? Halika na nga sumunod ka sakin!
Pumunta sila ng HR department..
Oh iyan hanapan mo nga pwesto to Miss Reyes. Ani ng babae
Ma’am wala po tayong bakante!
Yon na nga si sir Dilan may dala niyan
Problima pa tuloy natin kung saan natin siya
Ilalagay.. Anu bang natapos mo iha!?wika nito sa kanya
Undergraduate po ako third year college po
Educational po ang kurso ko..sagot niya.
Haissst anu ba yan! Hindi ka pa pala tapos ng pag-aral saan na ba kita ilalagay.? Namomroblimang wika ng manager.
Nang araw nayon ay absent ang utility staff nila
Kaya si Angela muna ang naging janetress.
“Ayan miss sigasig ikaw muna ang maglilinis dito sa boung building.. Agahan mo ang pasok mo ha! Kailangan Malinis na Malinis dito..
Ayaw ni sir Dilan na may dumi dito kahit kaunti ha.. Masilan yon sobra kaya aayusin mong mabuti ha?” paalala ng manager.
Opo! Ma’am.
Maghapong naglinis si Angela, nuon Niya narealized na Hindi pala madali kumita ng pera..
Dahil unang araw pa lamang niya ay pag uwi niya ng bahay ay pagod na pagod siya sa ginawa niyang trabaho.ang paglilinis
Sa totoo lang Hindi siya sanay mag trabaho
Ng mag hapon.. Nasanay kasi siya na pagala
Gala lang sa Lugar nila.. Palibhasa bunso sa magkakapatid at nag iisang babae pa ay
Spoiled siya sa mga kapatid.. Ang mga kuya niya ang gumagawa ng lahat ng trabaho sa bahay nila..
Natututo lang siya ng mga gawain nung college na siya, plagi na kasi syang naiiwan
Sa bahay dahil Nasa trabaho ang mga kapatid niya Para matustusan ang pag aaral niya..
Siya lang kasi ang may interest sa pag aaral
Sa pamilya niya kaya naman todo suporta
Ang mga ito sa kanya. At nais ng mga ito na magkaroon siya ng magandang trabaho kaya
Pilit nitong ginagapang ang pag-aaral niya..
Kinabukasan ay bumalik siya sa kompanya
Para magtragtrabaho.. Maaga syang pumasok..
“Miss sigasig, ikaw pa rin ang maglilinis ngayon dahil dalawang linggong nakaleave ang
Ang ulitility personnel dito, ..Saad ng manager.
Opo ma’am”! pag sang ayon ng dalaga..
Mula sa lobby ng building nayon ay nilinis niya ito nag map siya ng sahig punas Ng mga salamin na nagsisilbing pader ng gusaling iyon..
Ramadam Niya ang pagod sa ginagawa ngunit Hindi niya iyon alintana.. Alang Alang sakuya
Niya ay gagawin niya ang lahat.. Kahit
Mababang uri pa iyon ng trabaho..at kahit pa nakakapagod ay okay lang Hindi niya alintana
Kahit pa tagaktak ang pawis niya at ngalay
Ang mga braso niya sa kaka punas ng mga salamin at kakamop ng sahig sige pa rin siya..
Nasa second floor siya maglilinis ng madAnaan Siya ni Dilan Hindi siya nito pinansin tinapunan lang siya nito ng kunting tingin.. Saka umalis.. Siya nman ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa..
Ilang araw na siya sa gusaling iyon ngunit Wala pa man lang syang kakilala sa
o kaya kaibigan man lang, tingin niya sa mga empleyado ang sososyal dahil poru office work ang gawa at pakiramdam niya ay
Siya ang may pinakamabang posisyon dahil
Isa lamang syang janetress.
Matapos ag dalawang linggo ay pumasok na ang ang dating janetress doon,
“Ayan Miss Sigasig Hindi ko na naman alam
Kung saan kita ilalagay! Wika ng manager.
Nananatili lang syang nakatayo ng sandaling
Iyon....


Habang naghihintay ng susunod na ipag uutus ng manager.
PKiramdam Niya tuloy Wala syang lugar sa gusali, na yon.
” Ah maam nicky, pinpatawag po ni sir yang
Kasama mo! Si Miss Sigasig. Wika ng secretary ni Dilan.
” Okay! Mabuti naman.. Sige na Angela
Pumunta ka na kay sir, baka si sir na ang bahala sayo, wala na talaga akong ipagagawa pa sayo eh!
“Opo maam. Sagot niya sa babae.. Saka
Sumunod sa secretary..pumas0k sila sa Malaking opisina.. Ang ganda ng opisina na yon. Malawak at may modernomg desenyo may mataas itong upuan katabi ng malaking
Mesang. yari ito sa kahoy at Maganda ang pakayari, napakagara nito..
Naka lagay sa ibabaw na isang bubug
Na bagay, nakasulat dito ang pangalan ni
Dilan Castillion chief executive officer.
Wala pa opisina nayon ang boss kaya nag hintay muna siya.. Nakatayo siya sa bungad nito.
“Diyan ka muna hintayin mo sir Dilan may ipagagawa yata saiyo.” Ani ng babae saka ito lumabas.. Ilang minuto sin syang nag hintay
Doon, habang busy ang lahat Sa pagtatrabaho..
Maya maya ay dumating din ang lalaki.. May kausap ito sa telepono.. Dumeretso ito sa
Kanyang table at nakatalikod sa kanya habang may kausap pa rin sa kabilang linya. May ilang minuto din syang nag hintay saka siya nito hinarap..
Oh miss, what’s your name again?wika ng lalaki na may maaliwalas na mukha.
Angela Sigasig po sir!
Ngayon lang siya nito tininggan ng mabuti
Mula ulo hangaang paa..
“. Miss Sigasig, sa totoo lang walang bakante dito para sayo, at Hindi ka rin qualified sa mga posisyon dito sa kompanya.saad ng lalaki.
Alam ko po sir dahil sinabi na po yon sakin si
Maam Nicky..
” So yon, anu na nga pala ang gagawin mo?
Since Hindi ka naman qualified dito?
Hindi ko rin po alam., sir kayo po anu po bang ipag uutos nyo sakin?
“Alam mo parang nag meet na tayo dati, and l’LL
and fond out that your hands is soft.. Since,
Wala ka namang gagawin , pede bang masahihin mo na lang ako.” Wika ng lalaking bahagyang nakangisi..at tila nagbibiro.
“Ah.. Sir, kasi po oras ng trabaho nyo, eh baka po hindi lang nararapat sa ganitong oras yon,
Pero magaling po akong magmasahi, katunayan po niyan ako ang tagamasahi sa mga kuya ko pag dating nila galing trabaho,, ku-kong gusto nyo po, kung wala po talaga kayong ipapagawa sakin ngayon, Uuwi na lang po ako, saka ko na lang po kayo masahihin.”
Wika ng dalaga na puno ng kainosintihan..
” Okay, ” sagot ng lalaki na napakibit balikat na lang..
Uuwi na po ako sir?
” Hindi kasi Uuwi dito ka lapit ka sakin may ipapagawa ako sayong Iba..ani ng lalaki, hawak nito ang mga papel..
Lumapit si Angela sa binata, “ito I sort mo tong mga papel na then pagsama samahin mo yong
Dapat na magkakasama pka istapler then ito paki Xerox…
Nakuha naman ng dalaga ang pinapagawa ng amo.. Inutusan siya nito kung anu anu lang may magawa lang siya sa maghapon na yon..
Maghapon silang Magkasama sa office..
May natira pang dalawang oras bago mag time ng uwian..nahiya naman siya na walang magawa..
“Sir anu pa po ang gagawin ko, na tpos ko na po ang pinapagawa ninyo sakin?Nahihiya niyang tanong.
Nakatingin lamang sa kanya ang lalaki bago ito nag salita..” wala ka ng gagawin? Halika!
Masahihin mo na lang ang likod ko at ulo ko
Kanina pa ito nasakit na eestres na ako sa
Mga ginagawa ko dito, marami akong in- aaral
At binabasa..”wika nitong Hindi malaman ni Angela kung nagbibiro ba ito o sersoyo sa sinasabi. Wla man lang kasing expression ang mukha nito.
Napangiti ng bahagya ang dalaga.. Dahil tingin niya binibiro siya nglalaki.. “Sir, naman kung
Pwedi nga lang po eh! Nahihiya niyang sambit sa lalaki.
” Maupo ka na lang diyan Angela” , wika nito sabay turo mahabang upauan. Na nagsisilbing
Sala ng opisinang iyon.
Napalingon si Angela sa tinuturo ng lalaki..
Wag nga pala diyan doon ka pwumisto sa
Tago, sa walang makikita sayo na paupo upo ka lang, nakakhiya naman kasi kapag may nakakita sayo paupu upo ka lang oras ng trabaho.. Wika niya sa dalaga..
Nag alalanagan ang dalaga kung susundin ba
Nito ang ipinag uutos niya.. Patingin tingin lang ito.. Doon sa upuan.. Napapangiti syang pinagmamasdan ang dalaga.
Maghapon siyang maraming ginawa at
Stress talaga sya na mga kaganapan sa kompanya pero dahil kasama nya ang babae ng ito sa opisinang iyon bahagyang nawala
Ang pagod niya.
Ah sir mag-cr lang po ako..
O sige, Bilisan mo lang may ipapagawa pa ako sayo..
Anu po yon Sir?
Sige na….. go. !! , Mamaya ko na lang sasabihin pag balik mo..
Okay po.. Wika sa lalaki at tumlikod na sya nag madali siya pumunta doon at bumalik agad..
Nadatnan niya ang lalaking nlatutuk sa laptop at mga papel na Nasa mesa..
Sir anu po ang ipag uutos nyo sakin?
Maupo ka dyan.!nakalimutan ko na kung anu
Ang ipapagawa ko sayo..
Sir nman, nag madali pa man din ako, akala ko may ipapagawa na kayo sakin..
Bakit? Mahirap ba kapag walang ginagawa?
Opo sir, nkakahiya naman sainyo. Babalik pa po ba ako bukas?
Oo nman..
Ano pong gagawin ko?
Wala ganyan lang.. Paupo upo okay yon Diba Hindi ka mapapagod..nakangisi nitong wika.
Sir nman eh naman eh, hindi nman po ako nakikipag biruan sa inyo, seryoso po kaya ako
.
Seryoso din ako Angela.
Sir naman eh..napangoso si Angela
Hindi na po ako babalik bukas.
O sige kapag Hindi ka bumalik bukas,
Hindi ko babayaran ang hospital Bill ng kapatid mo.
Eh sir wla nman po kasi akong ginagawa dito
.. Pwdei po ba sir palipat na lang akong trabaho.. Pwdi po ako sa iba nyong kompanya.
Gusto ko dito ka, dahil nandito ako. Kung ayaw mo dito then, MAghanap ka na ng ibang Magbabayad sa hospital Bill ng kapatid mo.
Napayuko si Angela.at napahawak siya sa noo nya. . Sira yata ang toktok ng lalaking to. Wala na nga akong ginagawa dito, ayaw pa akong paalisin…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top