Meant to be? Chapter 23


Mabilis na naitulak ni Nice ang binata..
Nang matauhan, Napansin din nyang kinukunan sila ng camera man
Nagpatiuna syang naglakad.. Hindi nya ito masisisi dahil baka parte iyon ng trabaho nya don.
Sinisisi nya ang sarili dahil unang una.. Nagiging mahina sya pagdating sa binata.. Napapasunod sya sa anong gusto nito. Kailangan nyang kalabanin ang nararamdaman na makakapahamak sa kanya.
Bigla syang nagsisi sa pagsali, nag focus kasi sya sa perang mapapanalunan.
Dahil nahuli na sila, halos okupado na ang loob ng van. Dahil may ibang bumili ng mga souvenirs.
Don sila pinauupo sa front seat. Ang sabi ng driver kumandong na lang daw sya dahil pang isang tao lang ang kasya. Umarko agad ang kilay ng dalaga.
Pero sa huli wala syang nagawa kungdi ang kumandong sa binata, kungdi maiiwan sya
Imbes gusto nyang umiwas, tinutukso nman sya ng pagkakataon. “Tadhana nga naman.”
Bulong ng binata.
Nakahawak ang magkabilang kamay nito sa beywang nya. Kanina nya pa inaalis, sobrang tigas. Uungol ungol pa ang binata dahil pinatitigil na sya sa kaka awat.
Buti di nila kasama sa iisang van si George.
“I love you.. ” kay lamyos ng tinig ng binata mula sa kanyang likuran. Puno ng pagsuyo at paglalambing. Ilang beses nitong inulit ulit ang katagang yon. Nadadala na naman sya. Nawawalan sya ng lakas sa ginagawa nito.
“I love you ”
Sobrang hina non dahil dikit na dikit sila Nilingon nya ito sa inis.. Nagtama ang mga mata nila. Sobrang lapit lang..
. “I love you” na may mga matang malamlam.. kinumpasan nya ito ng kamao.
Pero tila robot na laruan na paulit ulit lang ito muli nya itong *nilingon at nag ” loveu2″ sya dito. Ang lapad ng ngiti nito. Tsaka palang ito tumigil at niyakap sya ng mahigpit
Napansin nya ang pagsulyap ng mamang driver.
.. “nagpapractice lang po kami para sa next shooting” kasabay ng pilit na ngiti.
Nilingon nya ang binata, na pigil ang matawa..
Pero pag uwi nila kinagabihan nagsimula na syang manlamig dito. Matapos kumain, tsaka pa lang nya binuksan ang kanyang cp
Madami nang missed calls sa phone nya, galing kay Rica at sa tatay nya. At maging sa binata.
Pumunta sya sa may swimming pool para magpahangin. Agad nyang tinawagan pabalik ang kanyang tatay na sinagot naman agad. Nangungumusta ito, nag alala at di sya makontak.
Pinaalalahanan sya nito na hindi na maganda ang napapanood sa palabas. Marami na rin daw ang nagdududa sa kanila lalo na si Khate
Sila kasi di ni nila napapanood mga pinapalabas mula sa loob at labas ng bahay dahil di sila pinapanood ng TV. Piling mga video clips lang kapag may elimination o result ng shooting ang pinapakita sa kanila.
Ilang minuto pay si Rica ang tumatawag. Sinagot nya agad.
Hello Rie?
“Umayos ka babae! Huwag na huwag mong maakit akit ang boyfriend ko! Hindi mo pa alam kung paano ako magalit Nice! ” bulyaw ni Khate sa kabilang linya
Napapalayo sya sa cp dahil sa lakas ng boses nito.
Nagkasalubong sila ni Ace nang papasok na sya ng kwarto, halatang munto ang mata nito. Di na nga nya binasa ang mga chats ng binata.
Halo halong emosyon ang nakikita nya sa pagmumukha nito pero mas labis ang tampo. . Sandaling nagkatinginan sila ngunit biglang lumapit si Venice, nag alok na mag shot ng alak pagkatapos ng elimination dahil sabado gabi ng elimination, pero nga parehas silang exrmpted na couple.
Nice POV
Napaismid ako at umarko ang kilay na tumingin muli kay Ace.
At si Venice ay di pa rin umaalis.
Papasok na sana ako ng pigilan ni Ace ang aking braso. Pansin kong umalis na rin si Venice.
” mag usap tayo” hirap nyang sambit
Sa higpit ng pagkakahawak, halatang Wala syang balak bitawan ako.
Siguro oras na para di na ako magpadala at maging sunod sunuran.
Gaya na lang ng gabing yon, sya ang nasunod. Di na dapat ngayon.
Kakausapin ko sya pero ayoko na. Ayoko nang mahalin ang isang Ace..
Pagdating sa may pinakadulo ng palaruan namin. Pinauupo nya ako sa hugis gulong na upuang gawa sa kahoy. Pero nanatili akong nakatayo at pinapadyak pa ng mahina ang mga paa. Halatang...


nag aapura ako sa sasabihin nya.
Napaupo sya at napasapo sa noo patungong buhok nya. Muli kong nakita ang butil ng luha
“Ang daya mo.. Ayos na ayos pa tayo nong isang linggo!”
Tumayo sya at akma na namang yayakap pero umatras agad ako.
“Matutulog na ako, at tandaan mo itong laro lang din ang habol ko dito. Sige na”. Tsaka ako tumalikod
“Makikipag inuman ako! ”
“Gawin mo ang gusto mo!” halos nagsisigawan na kami
Nagsimula akong humakbang, pero pinigilan nya lang ako sabay yakap mula saking likuran.
“Ano ba talaga kasi ang ikinagaganyan mo..? Hmm? “malambing nyang bulong sakin. Ayos din tong kumag na to e, galing talaga e. Bat ba ang rupok ko sa taong to?
” Bitawan moko! Don ka na sa Venice mo! Mag inuman kayo!” total kayo naman ang bagay..”
May pasapak sapak pa kayong nalalaman,! pwes magsama kayo!!”
Pilit nya akong pinahaharap,
“Agh! .. Bitawan mo sabi ako!”
Nakita ko ang sumilay na ngiti sa labi nya
.” Bat ba napakagwapo mo gago ka!!! ” sabay sapak sa balikat nya
Muli akong tumallikod..
Muli nya akong pinaharap at napahagikhik na ang gago.
” So annoying ba ang kagwapohan ko miss Tigre..?
Huh!!
” So nagseselos lang pala si Mommy, baby? ” Sabay himas sa bandang tyan ko. Nasapak ko ang kamay nya.
Lumalapit na naman syang lalo.
“Uhmp! Lumayo ka nga! Don ka na sa kanya! masarap naman kayong tingnan sa mata, masaya ka rin sa kanya e di kayo na!!”
Pumulupot sya sakin sinubsob ang mukha sa leeg ko
“Ayoko.. Dito lang ako sayo, sorry na..”
Pero pilit akong kumalas..
Sana dala lang to ng pagbubuntis mo, wala ka na bang nararamdamang masama.
Tsaka huwag ka nang magselos.. Sabi ko dati huwag kang magseselos diba?
“So ginagawa mo na nga, walang hiya ka!” may bahid pait na wika nya
“Hindi.. Nagising kasi ako nong hapon na yon, nagpahangin ako sa labas, di ko naman ginustong lapitan nya. Bastos din kung itataboy ko. Sabi ko naman kasi sayo diba, kahit anong marinig mo, kahit anong makita mo.. Keep in mind, loyal sayo ang Ace na to.
Sayo lang ako” hmm? ”
Heto na, bumigay din ako. Di na ako nagsalita pa. Di ko kasi kaya na di kami bati, sarap sa feeling pag magkayakap kami. Tsaka mahal ko naman talaga sya, at ito lang ang chance na pwede kaming magkasama.
Humugot lang ako ng malalim na buntong hininga..
“Si Khate tumawag ngayon2 lang, galit na galit at ponagbantaan ako”
“Yong Venice na yon, type ka rin yata”
“Ako na bahalang kumausap kay Khate. Huwag nang mag pa stress uli huh? Hayaan mo na rin si Venice.. Tropa lang natin sila. ”
Wow! TropA na kayo?
Kami at nong partner nya sina George. Tayo my.
“Ayoko nga sabing tinatawag mo akong ganyan, tsaka na pag naging asawa mo na talaga ako.. Ah ibig kong sabihin.. Tsaka na pag lumabas na sya.”
“Parehas lang yon e. Hayaan mo paglabas natin dito, pakakasalan na kita.”
Natigilan syang napatitig dito.
“Oo, pakakasalan na kita. Fixed na yon sa mind ko.. Sigurado na ako,”
Iginaya sya paupo. Di na sya nakapagsalita.
“Yon naman ang dapat e, kaya pagbutihin natin dito para may dagdag finance tayo kasi baka di ako bigyan ni papa. Heheh…”
Ace?.” napatingin ako sa kanya na nahihiya
Uh?
Seryoso ka?
” Nong una pa nating encounter naging seryoso na ako sayo. Ikaw lang ang babaeng gumulo sa utak ko. Ikaw lang ang babaeng nagpapaisip sakin bago matulog. Ikaw lang din ang nagpatino sa akin. ”
May nag uutos sakin na yakapin sya pero nahihiya akong magkusa.
” Tara na? Baka inaantok ka na, ok na uli tayo ha” sabay himas sa pisngi ko at pisil sa tungki ng aking ilong.
Tumango lang ako.. At nong akma na syang tatayo habang yakap ang kamay ko. Pinigilan ko na sya sabay yakap. Yumakap din sya pabalik.
Gustong gusto ko’ng kayakap sya. Feeling safe na safe ako, kompleto at kontento.
Parang feeling na kayakap ko rin ang aking ina at ama. Pinagkaiba lang sa kanya kinikilig ako.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top