Fathers and son Part 14


Ilang beses nang tinatawagan ni Yssa si Larry pero hindi pa rin ito sumasagot. Isang oras na lang at matatapos na ang kanyang klase. Pero hindi siya mapalagay dahil sa hindi pa rin niya nakikita si Viel. Nakiusap na lamang siya sa kanyang kapwa titser na pang hapon ang klase upang ipagpatuloy ang natitirang oras ng klase niya.
” Viel..nasaan ka na ba? Sabing huwag lalabas eh.” Alalang alala na siya habang tinatahak ang daan patungo sa bahay ni Larry. Walang tigil rin siya sa pagtawag kay Larry na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot.” Larry….kung kelan importante saka ka pa hindi sumasagot. ” Sambit niya.
Pagdating sa bahay nina Larry. Agad siyang tumao. Sinabayan pa niya ito ng tawag sa pangalan nito.
Kababalik lang ng ulirat ni Larry non nang marinig ang sunod sunod at malalakas niyang katok.
” Mmm…” Sabay hawak niya sa kanyang batok na siyang tinamaan kanina.
” Larry! Larry! Nandiyan ka ba?!”
” Si Yssa iyon ,ah!” Dali daling tumayo si Larry at saka tinungo ang pinto.
Nadaanan niya si Rodney na nakagapos pa rin. At nakatakip ang bibig.
” Mm!!mm!!”
” Rodney!” Baling niya sa lalaking na ipinapahiwatig nito na tulungan siya.” Sandali!” Nilapitan niya ito at tinanggal ang takip sa bibig at tali. ” Si Lee?!”
” Lumabas yata. Bilisan mo baka maabutan tayo!” Sagot ni Rodney.
” Larry!” Si Yssa. Tinatawag pa rin siya.
” Sino yon?”
” Si Yssa. Titser ni Viel. Sandali pagbubuksan ko muna.” Akmang iiwan niya si Rodney.
” Teka lang! Alisin mo muna yong tali ko.”
” Babalik rin ako.”
Mas inunang pinagbuksan ng pinto si Yssa ni Larry. Kanina pa ito kumakatok at baka masugatan na ang mga kamay nito.
” Yssa! Bakit ka nandito?!”
” Larry. Bakit hindi ka sumasagot?! Kanina pa kita tinatawagan sa telepono mo!” Napalakas ang boses ni Yssa. Dahil naiinis na ito sa kanina pa niyang tawag at katok.
” Pasensya na. Nakatulog ako.”
” Ano?!” Mas lalo pang nainis si Yssa pero mas mahalaga ngayon ay ang sasabihin niya. ” Teka lang muna. Si Viel…umuwi ba si Viel dito?”
” Ha?! Hi..hinde! Bakit ? Wala ba siya sa klase mo?!” Gulat na gulat si Larry saka kinutuban.
” Nawawala siya,Larry. Kasalanan ko to. Iniwan ko saglit ang mga bata kasi may kinuha lang ako sa faculty. Pagbalik ko….pagbalik ko,hindi ko na mahagilap sa loob ng room. Larry,sorry. Naging pabaya yata ako.” Paghihingi ng paumanhin ni Yssa kay Larry.
” Yssa, huwag mong sisihin ang sarili mo. Naging pabaya rin ako. May kasalanan rin ako sa pagkawala niya.”
” Sinong nawawala?! Si Viel ba?!” Sumabat naman si Rodney na nakaupo at nakatali pa rin.
Nagulat naman si Yssa sa biglang pagsabat niya. Hindi niya akalaing may Rodney pala sa likod ni Larry na nakikinig lang. Pero mas lalong nakakagulat nang makita niya ang mukha ni Rodney.
” Jr?!” Sambit niya na may halong paglaki ng kanyang mga mata. Kilala niya ang lalaking ito.
” Yssabel?!” Sambit naman ni Rodney na napanganga pa nang makita si Yssa.
” Teka..magkakilala kayo?” Gulat na turab ni Larry sa dalawa.
” Ha?! Ahh….hindi.Napagkamalan ko lang siya. ” Tumalikod si Yssa. Umiwas ng Tingin kay Rodney.
” Hindi! Bakit siya nandito?!” Bulong ni Yssa sa kanyang sarili.
Nanatiling tahimik naman si Rodney. Hindi yata ito...


ang tamang pagkakataon para sa reunion ng magkarelasyon noon.
” Larry,kalagan mo na ko dali! Baka maabutan tayo ni Lee!”
Kakalagan na ni Larry si Rodney,siya namang saktong dating ni Lee. Nakatutok ang dalang baril kay Yssa.
” Ano sa tingin mo ang ginagawa mo,Larry?” Pekeng ngiti ni Lee na siya namang nagpakuha ng atensyon ni Lee.
” Lee,wala siyang kinalaman rito.” Ang tinutukoy niya ay si Yssa na halatang nangangatog sa takot. ” Lee,kami lang ang pakay mo. Huwag mo siyang idamay.”
” Huh! Bakit? Naisip mo rin ba yan noon? Naisip mo rin ba na sa kabila ng pagsisinungaling mo…may ibang madadamay?huh! Larry!” Tiim bagang si Lee. Naningkit ang mga mata.
” Kasalanan ko,Lee. Kasalanan ko. Pero huwag siya. Wala siyang kinalaman. Napamahal na siya sa anak mo.” Bigla nyang sinambit ang anak nito.
” A..anak ko?!” Gulat niyang saad.
” Oo! Buhay ang anak mo. Inalagaan ko at pinalaki ng tama.” Sagot niya.
” Sinungaling!” Tila ayaw maniwala ni Lee.
” Totoo,Lee. Buhay ang anak mo!” Segunda naman ni Rodney.
Nalito saglit si Lee. Hindi makapaniwala sa kanyang narinig mula sa dalawang lalaking sumira ng buhay niya.
” Nasaan siya?!”
” Na..nawawala siya..” si Yssa ang sumagot. ” Hindi ko alam kung nasaan na.”
” Pinagloloko nyo ba ako?!” Sigaw ni Lee. Sa tingin ata niya,pinagkaisahan siya ng mga ito.
” Hindi ,Lee. Totoong buhay ang anak mo at nawawala siya ngayon. Kanina lang sa school. Kaya huminahon ka at bigyan mo kami ni Rodney ng pagkakataong maitama ang nagawa naming kasalanan sayo noon.”
Naliwanagan yata si Lee kaya unti unti niyang ibinaba ang hawak na baril na katutok sa kay Yssa.
” Lee, nakikiusap ako sayo. Maaring malapit lang pa ang kung sino man ang taong kumuha kay Viel. Kung talagang dinukot man siya. Magtulungan tayo. Kamakailan lang kasi,nakalaban namin ang grupo ni Chairman. May hinala akong siya ang kumuha kay Viel.”
” Lee, gusto na naming itama ang pagkakamali namin noon. Pagbigyan mo naman kami alang alang sa anak mo. Kung kikilos tayo ngayon,baka mabawi natin siya agad.” Pakiusap naman ni Rodney.
” Huh! Ang isang katulad mo Rodney ay hindi na dapat binibigyan pa ng pagkakataon. Pinatay mo ang asawa ko! Sa tingin mo , pagbibigyan pa kita?!” Wika ni Lee sa matigas na tinig.
” Alam ko! ” Sigaw na rin ni Rodney. ” Malaki ang kasalanan ko sayo at sa asawa mo! Kaya sige! Mailigtas lang natin ang anak mo na anak na rin ang turing ko! Iyong iyo na ang buhay ko! Pwede mo na kong patayin kahit paulit ulit pa!”
” Lee….” Sambit ni Larry sa tinig na nagmamakaawa kay Lee.
” Pwede bang palambutin mo muna ang puso mo. Alang alang kay Viel?” Pati na rin si Yssa ay nakiusap na rin.
Lumunok si Lee. Marahin sa ganitong pagkakataon,kailangan nilang magkaisa kung talagang dinukot nga ang anak niya.
” Wala na tayong panahon,Lee.”
” Kalagan mo si Rodney. Mag iisip tayo ng paraan kung papano mabawi ang anak ko.”
Nabuhayan naman ng loob si Larry. Kumilos agad. Kinalagan ang nakataling si Rodney. Saka sila nag isip ng paraan para makita si Viel. At nang hindi na mapahamak pa ng tuluyan. Join forces ang mga papa ni Viel para sa kanya. Isinantabi na muna ang kahit anumang alitan sa pagitan nila.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top